Kabanata 25

931 17 3
                                    

Nakabalik na ako sa amin, bigo. Hindi ko magawang harapin ang kambal dahil wala akong mukhang maiharap sa kanila. Nangako akong pagbalik ko ay kasama ko na ang ama nila, pero binigo ko sila... Dahil hindi ko kasama ang ama nila sa pagbabalik ko.

After I found him with Lorraine and heard their conversation, I knew it was the end of us. Sa tingin ko ay wala talaga kaming pag-asang sumayang dalawa... O ako lang. Ang hirap palang makamit ang kasiyahan kasama ng taong pinakamamahal mo, 'no? Kung nakakabaliw ang pagiging in-love, nakakabaliw rin pala ang pagiging sawi sa pag-ibig.

Nang makabalik ako sa bahay, hindi ko ipinaalam kila Ava iyon dahil gusto ko munang mapag-isa. Iniyak ko na yata lahat ng luha ko pagkabalik na pagkabalik ko. Mugtong-mugto ang mga mata ko at nangayat rin ako dahil wala akong ganang kumain.

Nalaman nila Ava na isang linggo na akong nakauwi at nang puntahan niya ako ay wala akong ibang ginawa kundi maglabas ng sama ng loob sa kanya. She cheered me up... they do.. even my kids did... pero wala. Pagod na pagod talaga ako.

My kids refuse to go with Ava when I told them that they will stay with their Tita for a bit. Ayaw ko kasing makita nila akong miserable. Ayaw kong malaman rin nila na hindi ko kasama sa pagbabalik ang ama nila. Pero sadyang matalino ang dalawang iyon at kahit hindi nila akong tinanong ay alam na nila ang nangyari. They both never left my side. Pinilit kong magpakatatag ulit para sa kanila dahil sabi ko sa sarili ko, iyon na ang huli... Promise na 'yon, 'no!

I'm trying to be better for my children. My only focus now is to mother my children, even without him. I will be their parent. I can be their mother and father. Nagawa ko na 'yon noon, kayang-kaya ko pang gawin ngayon.

As for him, wala na. Tapos na. Hanggang doon nalang kami, ano pa nga bang magagawa ko?

"Mama! Mama ko!" Napaigtad ako at nabalik sa huwisyo nang marinig ang nag-uunahang mga yapak ng mga bata. Kaagad naman akong tumayo para pagbuksan sila ng pintuan at pagbukas na pagbukas ko palang sa pintuan ay kaagad nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at hinatak.

"A-anong nangyayari? Saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ko sa dalawa na seryoso lamang ang mga mukha habang pababa kami ng hagdan. "Thunder, Storm, saan ba tayo pupunta?"

"Nasa baba po si Tito Fabio, Mama. Kailangan ka daw pong makausap." Seryosong ani Storm. Nagtaka naman ako kung bakit ang napakaseryoso niya at pati na rin ang kapatid niya kung si Fabio lang pala ang dumating.

Nang makababa kami at tama nga ang dalawa na nandoon si Fabio, prenteng nakaupo sa sofa. Akala ko siya lang pero may babae pang nakatayo sa tabi niya, nakayuko at nilalaro ang mga daliri, tuliro. Nagtaka ako at nilapitan ang dalawang bisita.

"Kailangan mo daw akong makausap, Fabio?" Tanong ko ngunit ang mga mata ko ay nakapako sa babaeng kasama niya dahil tila ba pamilyar ito sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

"Yes. This is really an important matter, actually. Kids are not allowed." Aniya sabay tingin sa dalawang bata na seryosong nakatayo sa tabi ko ngunit nang marinig ang sinabi ng Tito nila ay kaagad silang nagreklamo.

"Ang sama mo, Tito! Dapat kasama kami! Daddy namin 'yon, eh!" Reklamo ni Storm, pumapadyak pa pero tinaasan lang siya ng kilay ni Fabio.

"Kulog is right, Tito. We have all the rights to know it because Papa is involved." Segunda naman ni Thunder.

"Aba, ang kukulit niyo, ah! Hindi nga pwede, eh! Pagbuhulin ko kayong dalawa, gusto niyo?" Pananakot niya sa mga bata pero hindi nagpatinag ang dalawa.

"Para ka namang bata, Diablo—I mean, Fabio! Mga bata 'yan, oh!" Mahinang sambit ng babae sa tabi niya na kaagad nanahimik nang tapunan niya ito ng masamang tingin.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now