"M-Maghintay ka muna rito... Kukunin ko lang sila sa kapitbahay," mahinang sabi ko at bahagya naman syang tumango. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumalikod na sa gawi nya upang umalis nang magsalita sya.
"Are they mad at me...?" Nahihirapang tanong nya and it broke my heart even more. Mabilis ko syang hinarap at umiling at tipid na ngumiti.
"They're not. In fact, they wanted to see you so bad... But I keep on telling them that you're far away from us that's why you're not here with u-us..." Halos manginig ang boses ko habang sinasabi 'yon.
"Fuck... I'm so sorry... Tangina..." Halatang sising-sisi sya at nasasaktan akong nakikita syang nagsisisi sa mga kasalanan na hindi nya naman ginusto at wala naman syang dapat na pagsisihan. It's not his fault... It's his parents after all.
"Do you think they will like me?" Ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumango.
They will surely like him. He's their father after all. Sigurado ako.
"They will,"
As soon as I got out from the house, I released a deep sigh. Parang nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa akin habang papunta sa bahay nila Aling Sandy.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay nya ay rinig na rinig ko ang malakas na boses ni Storm at tumatawa sya. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago kumatok sa pintuan ng bahay ni Aling Sandy. Kaagad naman nya akong pinagbuksan at nang makita ako ng kambal ay kaagad silang tumakbo sa'kin.
"Pasensya na ho talaga sa abala, Aling Sandy... Salamat po," tumango at ngumiti sa akin si Aling Sandy at sinabing wala raw iyon at saka kami nagpaalam sa kanya.
"Hala, nasira slipper ko, Mama!" Sigaw ni Storm habang naglalakad kami na akala mo ay nasa malayo ang pinagsasabihan nya. Tinignan ko ang tsinelas nya at kaagad nya itong pinulot mula sa lupa at ipinakita saakin ang tsinelas nyang nasira na nga.
"Gamitin mo na muna itong sa akin," Binigay ko sa kanya ang tsinelas ko at kinuha ang tsinelas nya saka binitbit.
Habang papalapit sa bahay ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Thinking of what will be the twin's reaction once they found out that the ice cream vendor they thought, is actually their father.
As soon as we're already infront of our house's door, I was hesitant to open the door because of fear. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung papaano ko sasabihin sa mga anak namin na sya ang tatay nila... iyong ice cream vendor na akala nila ay walang koneksyon sa buhay nila.
"Mama, hindi pa po ba tayo papasok?" Napakurap-kurap ako at bumaling sa dalawa. Pinilit kong ngumiti bago dahan-dahang hinawakan ang door knob at unti-unting pinihit para buksan.
Para kaming nasa isang drama. Nang bumukas ang pintuan dahan-dahan ito at mas lalo lang kumalabog ang dibdib ko habang ang dalawa ay walang kaalam-alam sa kung sino ang nakaabang sa likod ng pintuang ito.
Tumambad sa amin si Darious na maayos ang pagkakatayo at halata sa kanyang kinakabahan sya kahit na pinanatili nyang walang emosyon ang kanyang mukha. Sa mata nya ako nakatingin at doon ko nakita ang iba't-ibang emosyon na naghahalo sa kanya pero sinusubukan nyang itago.
Nakatulala lang ako sa kanilang tatlo habang nagtititigan. Puno ng pagtataka ang mga mata ng kambal habang nakatingin sa lalaking nasa harapan nila. Nag-angat sila ng tingin sa akin at nang magtama ang mga mata namin ay doon na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Si Darious na kanina pa itinatago ang emosyon nya ay bigla nalang sumabog ang luha sa kanyang mga mata at tumakbo papalapit sa dalawa pagkatapos ay lumuhod at niyakap ng mahigpit ang kambal.
![](https://img.wattpad.com/cover/280962226-288-k366171.jpg)
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomantizmNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...