Halos hindi na ako makatingin sa kanya nang makauwi kami. Pagkatapos ng sinabi niyang yun ay iniwasan ko na s'ya at hindi ko na alam kung paano pa ulit s'ya haharapin lalo pa't lagi kaming nagkikita rito sa bahay nya. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harapan niya matapos nung sinabi n'ya.
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba s'ya... natatakot ako. Paano kung nalilito lang s'ya? Paano kung pinaglololoko n'ya lang ako? Tapos aasa naman ako at sa huli ay masasaktan lang din. Tao rin ako, napapagod. Nakakapagod na ring masaktan at umasa sa wala.
Mahal ko s'ya pero hindi ibig sabihin no'n ay maniniwala nalang ako basta-basta sa sinabi nya. What if he's just fooling me? What if he's just confused? Maraming what if's sa utak ko kaya hindi ko magawang maniwala. I really can't tell if he's really telling the truth or not.
Paniniwalaan ko siguro kung gagawa s'ya ng move para maipakitang seryoso s'ya. But he's not making any move. He's just fooling me. He cannot remember me so how come that he loves me? That his heart remembers me? That his heart recognizes me as the woman he loves? But why can't his mind? His memory?
"Mama, kakain na raw po tayo sabi ni Papa!" Sigaw ni Storm habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili bago ako lumabas at sinalubong ng ngiti si Storm na nakangiti rin sa akin.
"Tara na, 'nak. Mukhang gutom na gutom ka pa naman, oh!" Panloloko ko sa kanya at tinawanan n'ya lang iyon at hinawakan ako sa kamay saka hinatak pababa.
Nang makarating kami sa dining room ay nag-aayos na si Thunder ng mga plato at kaagad s'yang tinulungan ni Storm nang makita ang kakambal sa kanyang ginagawa. Naiwan akong nakatayo habang pinapanood ko silang dalawa nang makaramdam ako ng presensya sa likod. Mabilis akong humarap sa kanya at bahagyang napaatras dahil sa sobrang lapit ng mukha ko sa dibdib n'ya. Napalunok ako at nag-angat ng tingin.
Hindi s'ya nagsalita at nakatitig lang sa akin. Napaiwas ako ng tingin at dumapo ang mga mata ko sa hawak-hawak n'ya... Iyong ulam na niluto n'ya. Nalanghap ko kaagad ang masarap na amoy no'n at natakam. Napansin niya yata ang reaksyon ko habang nakatitig sa hawak-hawak n'ya at narinig ko ang mahinang pagtawa n'ya na para bang aliw na aliw s'ya.
"It seems like you're hungry already... Come on, let's eat." Malalim ang boses na aniya at nilagpasan nalang ako. Pinanood ko s'yang naglakad papalapit sa lamesa upang ilagay doon ang ulam at muli n'ya akong binalingan ng tingin kaya napaiwas kaagad ako at patay-malisyang naglakad nalang palapit sa mesa at naupo sa tabi ni Thunder na mukhang nagmamasid sa amin ng Papa nila.
"Here's your coffee," napaigtad ako nang may bumulong sa gilid ko at inilapag ang isang tasa ng kape sa lamesa. Nahigit ko ang paghinga ko dahil ramdam na ramdam ko ang lapit ng mukha n'ya sa akin at hindi ko s'ya magawang lingunin.
"Goodmorning, love..." Halos makalimutan ko kung paano huminga. Bahagyang nakaawang ang labi ko habang nakatulala sa harapan ni Storm na humahagikgik, tila ba narinig ang sinabi ng kanilang Papa. Napalunok ako at sinundan ng tingin si Darious nang maramdaman ko s'yang umalis na sa gilid ko. He went back to the kitchen to get the pancakes he made.
Halos hindi ako makakain ng maayos dahil ramdam ko ang mga titig sa akin ni Darious habang ang kambal ay nag-eenjoy sa pagkain nila! Alam ko kung anong ginagawa ng lalaking ito pero hindi ako pwedeng magpaapekto! Hindi ako rurupok sa simpleng mga galaw at mga sinasabi n'ya!
Kaya ko 'to!
I volunteered to do the dishes after we finished eating our breakfast. Ang tatlo namang iyon ay may plano rin yata kaya hinayaan nila akong mag-isa sa kusina at nagtungo sila sa bakuran. Naririnig ko pa mula rito sa loob ang ingay nila roon sa labas kaya nang matapos ako sa ginagawa ko ay nagtungo rin ako roon upang silipin kung ano ang ginagawa nila.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomanceNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...