Kabanata 19

769 10 4
                                    

"Goodmorning..." Mula sa pagkakapikit ay unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang marinig ang kanyang namamaos na boses. It looks like he just woke up. 

"I love you," napangiti kaagad ako at yumakap nalang sa kanya ng mahigpit. Ang aga-aga nagpapakilig na sya. Patahimikin ko kaya ulit? Wag nalang at baka hindi na naman sya bumitaw sa akin kagaya kaninang madaling-araw.

Nag-init kaagad ang magkabilang pisngi ko nang maalala na naman ang ginawa kaninang madaling-araw. Parang nagyon lang ako tinamaan ng hiya, ah! Hind ko na kasi napigilan ang sarili ko kanina! Sya naman ang may kasalanan, ah!

Hindi ko sinagot ang sinabi nya at napansin nya 'yon. Napansin ko ang pagsimangot nya at tumitig sa akin, kinabahan tuloy ako. Nalilito ko lang syang tinignan, kunwari walang ginawang hindi nya nagustuhan, nagmamaang-maangan.

"W-what?" Nautal pa nga. Tumikhim nalang ako para maibsan ang kaba ko. He then pouted his lips as he keeps on staring.

"Where's my 'I love you'?" Tila nagtatampong aniya. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti at inirapan lang s'ya. Hindi sya makapaniwalang nakatingin lang sa akin habang ako ay nakaiwas lang sa kanya dahil nahihiya at halos mawasak na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Hey..." Nagtatampo talaga ang boses n'ya. Hindi ko na napigilang matawa at dinampihan ng mabilis na halik ang labi nya na ikinagulat nya dahil natulala pa sya sa akin.

"I love you." I said then I immediately jump off the bed and ran outside, covering my whole face because I'm blushing out of embarrassment. Ewan ko kung bakit nahihiya pa ako, eh, naghalikan na nga kami kaninang madaling-araw! Ano ka, teenager, Raine?

Mabuti nalang at hindi s'ya sumunod sa akin kaya mapayapa akong natapos sa paghahanda ng agahan at s'ya namang pagbaba no'ng kambal, hihikab-hikab pa silang dalawa, halatang inaantok pa. Pinaupo ko na muna sila habang hinihintay iyong ama nilang ewan ko kung ano nang nangyari sa kanya roon sa itaas.

"Goodmorning, Mama ko!" Masigla ang boses ni Storm kahit na inaantok pa.

"Goodmorning, Mama.." mahina naman ang boses ni Thunder. Ngumiti ako at humalik sa noo ng dalawa bago nagpaalam na susunduin ko na iyong tatay nilang kanina pa andoon sa kwarto. Sinabi ko na ring kumain na muna sila habang kinukuha ko ang tatay nila.

"Darious?" Katok ko sa pintuan ng kanyang kwarto. Walang sumagot o nagbukas ng pintuan kaya pumasok nalang akong deretso. Unang dumapo ang mga mata ko sa kama at nakitang wala na s'ya roon, siguro ay naliligo, ngunit wala naman akong marinig na ingay mula sa banyo. Kumunot ang noo ko.

"Dar—Oh my, God!" Napasigaw ako sa gulat nang may biglang bumuhat sa akin mula sa likuran ko at bumagsak kaming dalawa sa kama. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya na nakapatong sa akin, namumula ang buong mukha nya at naririnig ko ang tibok ng puso nya... o sa'kin?

"How dare you run away like that? You should take a full responsibility for what you did to me!" My jaw dropped. Nag-iwas sya ng tingin nang mapansin ang panlalaki ng mga mata ko sa kanya dahil sa gulat at nakaawang pa bahagya ang aking labi. I saw how he swallowed really hard.

"W-what did I do to you?!" Nagugulat kong tanong. Ibinalik n'ya ang tingin n'ya sa akin at dumapo iyon kaagad sa labi ko na kaagad naman niyang iniwasan, namumula na pati ang kanyang tenga.

"Y-you kissed me! Y-you stole a kiss from me!" Literal na nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Napailing ako at napapikit bago ko s'ya itinulak papalayo sa akin at tumayo. Naupo naman sya sa dulo ng kama habang nakayuko sa harapan ko, nahihiya.

"You should take a full responsibility for what you did to me..." Bulong nya pa habang nakayuko at unti-unting sumilip sa akin pero nang makitang nakatitig ako sa kanya habang nakataas ang kilay ay yumuko ulit sya.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now