Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sinabi kanina ni Storm pero sya ay panay ang tingin nya sa akin, nakakailang tuloy. Sa tuwing napapatingin pa naman sya sa akin ay nakangiti s'ya kaya pakiramdam ko ay namumula na ako kanina pa.
"Mama, yiee, ganda daw sya!" Hindi naman nakakatulong itong pang-aasar sa akin ni Storm at mas lalo lang akong nahihiya sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay pati s'ya ay natatawa na rin dahil sa pang-aasar sa akin ng anak n'ya!
"H-heh!" Pabiro kong kinurot si Storm na tatawa-tawa lang. Napailing nalang ako at tumulong nalang sa kanila sa pagtatayo nung tent na dala ni Darious. Nung una ay ayaw pa nila akong patulungin dahil guguluhin ko lang raw at maupo nalang dahil reyna 'kuno' ako, jusko, pero pumayag na silang tatlo nang takutin ko silang iiwan ko sila.
Akala ko ay hindi na namin matatapos ang pagtatayo nitong tent dahil naghaharutan na naman sila pero mabuti nalang at naayos namin. Malaki ang tent at kasya kaming apat roon sa loob. Nandoon na nga sa loob ang kambal at si Darious na nag-aayos ng mga gamit, e, dinig ko pa ang tawanan nila habang nakaupo ako sa labas at nakatanaw sa dagat.
"Mama, mag-swimming kami nila Papa!" Sigaw ni Storm sa loob ng tent kaya bahagya akong sumilip at nakitang naghuhubad na ang kambal ng damit habang ang tatay nila ay nakatingin sa akin na parang hinihingi pa ang permiso ko kung papayag ba ako.
"Sige lang," nagdiwang ang tatlo at nauna nang lumabas ang kambal at nagtatakbo sa tubig.
"Huwa muna kayong susuong! Hintayin n'yo si Papa!" Sigaw ko mula sa pwesto at muling bumaling sa tent saktong lumabas naman na si Darious ngunit wala na ngayon siyang damit pang-itaas. Napalunok ako habang nakatingin sa katawan n'yang nakita ko na naman. Napansin niya yatang nakatingin ako kaya nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiwas ng tingin at nagpanggap na walang nakita.
"How about you? You won't join us?" Napaangat ang tingin ko sa kanya at hindi makatingin ng deretso sa mga mata nya lalo na't nakikita ko ang hubad niyang katawan.
"H-hindi na muna siguro... Wala akong dalang pamalit saka... hindi ako marunong lumangoy. Kayo nalang tatlo," he nodded his head and looked at the twin, they're waiting for him.
"I can ask my secretary to buy you some clothes so you can enjoy with us, too..." Mahinang aniya na parang nahihiya pa sa sinabi. Palihim akong napalunok at nagharumentado na naman ang puso ko dahil doon. I bit my lower lip in secret and looked at the twin.
I really want to have fun with them, too.
"Sige..." Nakita ko ang palihim n'yang pag-ngiti at bumalik sa loob ng tent at kinuha ang cellphone niya. Umiwas ako ng tingin at panay ang pagkagat sa labi ko para pigilan ang pag-ngiti lalo na't ang bilis na ng tibok ng puso ko.
Tinawagan n'ya ang sekretarya n'ya at inutusang bumili ng mga damit. Pinigilan ko pa s'ya at sinabing kumuha nalang ng mga damit ko sa bahay at huwag nang gumastos pero hindi s'ya pumayag at alam kong hindi naman n'ya ako pakikinggan kaya hinayaan ko nalang at nilapitan ang kambal.
"Liligo ka din, Ma?!" Nginitian ko si Storm at ginulo ang buhok. "Yehey! Tara na, Ma! Una na tayo!" Excited na aniya at hinatak nila akong dalawa ni Thunder papunta sa tubig. Napatili ako sa lamig ng tubig at unti-unti nang nababasa ang suot kong sundress.
"Wait lang, anak! Huwag kayong lumayo, hintayin natin ang Papa ninyo!" Paalala ko sa dalawa nang bahagya silang lumayo sa akin. Nagtatawanan pa silang dalawa at tinatawag akong pumunta sa pwesto nila at panay ang iling ko. Takot ako sa malalim dahil hindi naman ako marunong lumangoy.
"You still don't know how to swim?" Napaigtad ako nang bumulong sya sa akin. Mabilis akong humarap sa kanya at bahagyang umatras. Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagkapahiya. He just let out a low chuckle and held me by my hand.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomanceNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...