Gulat na bumaba ang tingin ko kay Storm dahil sa sinabi nya. Parang nag-loading bigla ang utak ko dahil doon at bumalik ang luhaang tingin ko kay Darious na nanatiling nakatitig saakin.
"Naglalako ng ice cream?" Nagtatakang tanong ko pero na kay Darious ang tingin. Nakita ko ang bahagyang pagnguso nya at ang pamumula ng kanyang mukha.
"Opo, Ma! Sya po 'yon! Sya din po 'yong Darious na tinutukoy namin ni Thunder! Astig! Magkakilala po pala kayo?" Mas lalong pinamulahan ng mukha si Darious sa sinabi ng anak. Parang umatras ang luha ko sa narinig at marahang tumitig sakanya na hindi makatingin saakin.
Parang yung takot kong makita nya kami ay biglang naglaho nalang dahil da narinig sa anak.
Naglalako sya ng ice cream? Naghihirap na ba sya?
"Can we talk?" Basag nya sa katahimikan. Nalilito parin ang tingin saamin ng kambal. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sakanya at walang pasabing hinila na palabas ng simbahan ang mga bata at nagmamadaling umalis.
Alam kong nakasunod sya saamin at alam kong alam din 'yon ng mga bata pero hindi sila nagsalita at nagpahatak lang saakin. Hindi na ako nakapag-paalam kay Ava dahil may parte sa aking naiinis sakanya dahil parang niloko nya ako noong sinabi nyang sigurado syang hindi pupunta si Darious. Hindi ko alam, basta ayaw ko muna syang makita at maka-usap.
"Mama, wait lang po! Nahulog bracelet ko!" Pigil sa'kin ni Thunder at kumalas mula sa pagkakahawak ko para balikan ang bracelet nya pero napulot na ito ni Darious at nakangiting inabot sakanya.
Ang anak kong walang kamalay-malay na ang ama nya ang nasa harapan nya ay ngumiti at nagpasalamat dito. Kumirot at puso ko sa nakikita dahil iyong tatay na inaasam nila noon ay nasa harapan nalang nila ngayon ngunit wala silang alam tungkol sa ama nila dahil pinili kong huwag sabihin sakanila dahil ayaw ko silang masaktan kung sakali mang ayawan sila ng ama nila.
Nagkatinginan kami ni Darious matapos nyang inabot sa anak ang bracelet at kita ko ang pagmamakaawa ng mga mata nya saakin kaya umiwas kaagad ako ng tingin at inabot ulit ang kamay ni Thunder at naglakad ulit kami palayo sakanya pero hindi sya tumigil sa pagsunod saamin kahit na hanggang sa makasakay na kami sa taxi na napadaan.
"Mama..." Mahinang tawag saakin ni Storm at nang nilingon ko sya ay nakatitig sya ng seryoso saakin. Bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagtitig nya na parang may nalaman syang sinikreto ko sakanila.
"A-anak—,"
"Bakit hindi ka po nakipag-usap kay mamang naglalako ng ice cream? Kawawa naman po syang sumusunod saatin..." Pagpuputol nya sa sasabihin ko. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sakanya.
"Kilala mo ba sya, Ma? O baka friend sya ng Daddy ni Khalid kaya sya nasa wedding? Ang galing, 'no? Mas gwapo sya kapag ganoon ang suot nya na damit, 'no? Hindi parang 'yong suot nya na t-shirt na may punit pa," pagdaldal ni Storm at tumango-tango naman ang kakambal.
Napalunok ako at iwinaksi lahat ng nasa isip nang bumaba na kami at nagmadali akong pumasok sa bahay nila para kunin ang mga gamit namin at babalik na kami sa Cagayan.
"Mga anak, iligpit nyo na mga things nyo, okay? Aalis na tayo..." Nagmamadaling sabi ko sa dalawa at nagtataka naman silang napatingin saakin at parang mayroong pagtutol sakanila.
"Bakit po, Mama...? Paano po yung wedding?" Mahinang tanong ni Storm. Napabuntunghininga ako at bumaba ang tingin sa kanilang dalawa. Alanganin akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang tungkol doon at kung paano ko sasabihin na ang lalaking 'yon ay ang ama nila.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
Roman d'amourNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...