Kabanata 18

872 13 0
                                    

Nagtataka ang mga mata ni Darious na nakatingin sa aming dalawa ni Storm na nasa gitnang parte ng hagdan habang nakatakip ang palad ko sa bunganga nya dahil halatang may gusto pa syang idagdag sa sasabihin nya.

Nakakahiya! Nilaglag pa talaga ako ng sarili kong anak!

Alanganin akong ngumiti sa kanya at inilingan lang habang nakatakip pa rin ang palad sa bunganga ni Storm na pilit iyong tinatanggal. Kahit nagtataka ay ngumiti nalang rin si Darious at umiwas ng tingin at bumaling kay Thunder nang may itinanong ang anak.

"M-mama, di na po ako makahinga!" Nanlalaki ang mga mata kong tinanggal kaagad ang palad ko sa bunganga nya. Nagpakawala sya ng malalim na paghinga at nakaramdam naman ako ng pagsisisi dahil roon.

Napanguso ang anak kong tumingin sa kanya dahil sa halos maubusan na sya nang hininga sa ginawa ko kaya nginitian ko sya ng matamis at dinampihan ng magaang halik ang ganyang noo.

"I'm sorry, baby ko... Ikaw naman kasi, eh!" Reklamo ko na ikinangisi nya. Bumuka ang bunganga nya kaya nanlaki na naman ang mga mata ko at akmang tatakpan ulit pero napatigil dahil sa sinabi nya.

"Ikaw po, Mama ha... Bad po 'yon!" Tumawa sya ng malakas at nagtatakbo papalapit sa ama nya na nagtataka kung bakit hindi sya matigil sa pagtawa. Kagat-labi akong tumakbo pababa ng hagdan at nang makita iyon ii Darious ay napakunot ang noo nya at dali-dali nya akong sinalubong sa dulo.

"That's dangerous, love. What's with the rush?" Seryosong tanong nya. Napanguso ako dahil ramdam ko ang inis nya at umiwas lang ng tingin.

"G-galit ka yata, eh..." Mahinang saad ko. Tumikhim sya at hinawakan ang kamay ko at pinagsiklop iyon sa kamay nya. Nagwala na naman ang puso ko dahil sa kanyang ginawa.

"I'm not, love. I'm just worried. What if nagkamali ka ng steps sa pagtakbo at nahulog? I won't be able to catch you in time if ever that happens," napapabuntong-hiningang aniya. Napangiti naman ako na parang siraulo at sinilip ang mukha nya dahil nakaiwas sya ng tingin sa akin na parang nahihiya pa.

"I'm sorry... Di ko na po uulitin," ngumiti ako ng matamis sa kanya nang ibinalik nya ang tingin nya sa akin. Ang kaninang seryosong mukha nya ay naging malambot na ngayon at nakangiti na. Mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil doon at akmang kukurutin ang pisngi nya dahil nakyu-kyutan ako nang may marinig na nagbubulungan.

"Kinikilig sila," napatingin kaming sabay ni Darious sa kambal na nagbubulungan at nagtatanguan pa. Muli naming ibinalik ang tingin sa isa't isa at hindi napigilang mapahagalpak ng tawa. "Luh, kinikilig talaga sila Mama at Papa, oh." Dagdag pa ni Storm.

"Let them be. I'm happy that Mama and Papa are both happy now. Let's be happy for them," parang may humaplos na mainit na palad sa puso ko sa narinig mula sa anak. Tumango-tango naman ang kakamabal nya, sumasang-ayon sa sinabi ng kakambal nya.

While my attention was glued at the twins, Darious gently pull me close to him and hugged me from the back. Komportable akong sumandal sa dibdib nya habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawa na nagbubulungan pa rin doon, hindi napapansin na nakatingin na kami sa kanila.

"I wish I was there when you were carrying them inside your womb.." mahinang bulong nya, puno ng damdamin habang marahang hinahaplos ang tyan ko. Nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa gulat sa ginawa nya pero hinayaan ko nalang, komportable naman ako.

"It's okay... Nandito ka naman na ngayon kasama namin, eh, don't feel sad," pampalubag loob ko sa kanya pero mabigat lamang syang bumuntong hininga at sinubsob ang mukha sa batok ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.

"It's all in the past now, Darious... Nakalimutan ko na 'yon, ayos na ako kaya dapat maging maayos ka na rin. It doesn't matter now if you're memories will come back or not, basta nandito ka lang sa piling namin, ayos na ako roon..." Mahinang saad ko habang may maliit na ngiti sa labi.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now