Kabanata 21

1K 17 2
                                    

"Make that dirty woman and her disgusting kids leave, Darious!"

I was in rage but I cannot let my son see and hear everything I want to say to these awful people. Mabilis kong hinawakan ang magkabilang kamay nilang dalawa at walang sabi-sabing tinalikuran silang tatlo at binilisan ang lakad para ipasok ang dalawa sa loob ng bahay.

Ayaw kong marinig nila ang mga sasabihin ng mga magulang ng ama nila sa kanila. Ayaw ko silang masaktan. Tama nang sinubukan sila noong alisin sa sinapupunan ko, tama na 'yon. Hindi ako makakapayag na insultuhin sila ng mga magulang ng sarili nilang ama... Ayaw kong isipin nila na totoo ang mga walang kuwentang sasabihin ng nga taong 'yong tungkol sa kanila.

"Mom, leave my house now." Ang huli kong narinig mula kay Darious bago kami tuluyang makapasok sa loob ng bahay. Walang imik ang dalawa habang nagpapahatak sa akin papunta sa kuwarto namin at pinaupo silang dalawa sa kama. Napalunok ako habang nakatingin sa kanila, ang mga mata nila ay puno ng mga katanungan na alam kong mahihirapan akong sagutin.

Muling namasa ang mga mata ko kaya mabilis akong yumakap sa kanila dahil ayaw kong makita nila akong umiiyak. Ayokong ipakita sa kanila na mahina ako. Hindi pwede—hindi ngayong kailangan kong maging matatag at ipaglaban kung anong meron ako ngayon.

"Mahal na mahal kayo ni Mama at Papa, hmm? Mahal na mahal ko kayo, mga anak ko..." Nanginig ang boses ko at mas lalong hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa dalawa. Gumanti sila ng yakap sa akin at napuno ng katahimikan ang buong kwarto.

"M-Mama... B-bakit..." Hindi matapos-tapos ni Storm ang kanyang gustong sabihin. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanila. Alam kong gusto n'yang magtanong pero hindi n'ya magawa... Maybe because they already have a clue about what's happening. And I know they heard it... They heard what their father's mother said to me earlier... and to them.

"B-bakit sila g-galit saatin, Ma? W-wala naman po t-tayong ginagawang m-mali, diba po?" Nanginginig ang boses na tanong ni Thunder. Pumikit ako at hinayaang tumulo ang luha ko. I don't know how to answer their questions. Ayaw kong malaman nila kung bakit ganoon ang akto ng mga magulang ng tatay nila sa harapan nila.

"Why are they mad at us, Mama? Ayaw po nila tayo para kay Papa?" I nearly give up. Hindi ako makasagot. Nanunuyo ang lalamunan ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagtakas ng hikbi ko. Hindi ako bumitiw sa pagkakayakap ko sa dalawa kahit na gusto nilang lumayo sa akin para makita nila ang mukha ko. I cannot let them see how weak I am.

"Mama... I'm sorry..." Tuluyan akong nadurog sa sinabi ni Thunder. "W-we're sorry, Mama..." Sunod-sunod ang naging pag-iling ko at hinarap silang dalawa. Rumaragasa ang kaninang mga luha habang nakatingin lang sa akin.

Nadudurog ang puso ko sa nakikita ko. Hindi sila dapat umiiyak. Wala silang kasalanan sa nangyayari. Labas sila sa lahat ng gulong ito pero bakit imbes na ganoon ang mangyari ay iba ang naging kinalabasan? Bakit parang sinisisi nila ang mga sarili nila? They shouldn't be. They have nothing to do with all of these mess.

"No, no, anak... W-wala kayong kasalanan, hmm? Wala... Wala kayong ginawang mali, okay? Tahan na, sige na..." Pilit kong pinupunasan ang mga luha nila habang ako mismo ay panay ang pagluha. Hindi ko matanggap na iniisip nilang sila ang may kasalanan.

"Anak, please... Wag na kayong umiyak, hmm? Mahal na mahal ko kayo... Kami ng Papa nyo..." They are both crying too much and I can't stand it anymore. Hinila ko silang muli papalapit sa akin at niyakap ng sobrang higpit... Sobrang higpit na ayaw ko na silang pakawalan. Durog na durog na ako habang nakikita ko silang nahihirapan na rin sa sitwasyong wala naman silang kinalaman.

"Tahan na kayo, please... Wala kayong kasalanan..."

"L-lalayo po ba u-ulit tayo kay Papa?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Storm, umiiyak pa rin. Naging sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ko at humarap muli sa kanilang dalawa. Umaasa ang mga mata nilang nagsasabing sana hindi... Sana hindi na sila muling malayo sa ama nila.

Unforgettable Love (La Cordova Series #2)Where stories live. Discover now