"Mama..." Napabaling ako kay Storm habang nag-iimpake ako ng mga damit ng kambal kinagabihan. Aalis na kasi kami bukas pagkatapos ng closing ng kambal para tumira sa bahay ni Darious.
"Hmm? Naiihi ka ba, anak?" Tanong ko at lumapit sa kama kung nasaan sila natutulog. Wala pa kasi si Darious at may pinuntahan. Kahapon pa sya wala at inaasahan kong mga mamayang alas-dos sya makakabalik.
"Si Papa po?" Inaantok na tanong nya at yumakap sa akin. I smiled and combed his hair using my fingers.
"Wala pa ang Papa, anak... Bukas paggising n'yo, andito na sya, okay? Tulog ka na ulit, 'nak..." Malambing kong sabi sa kanya. Hindi na sya nagsalita at yumapos lang sa akin hanggang sa nakatulog na ulit. Maingat ko syang inayos sa pagkakahiga bago bumalik sa pag-iimpake.
Natapos na ako't lahat pero wala pa rin sya. Nagsimula na akong makaramdam ng kaba. Sunod-sunod na naman ang pagpasok ng iba't-ibang ideya sa utak ko. Nagsinungaling na naman ba sya sa amin? Sa akin? Hindi na yata sya babalik... Niloko nya na naman yata ako. Anong sasabihin ko sa mga anak namin? Siguradong masasaktan sila...
Just I was so close to crying again, I heard his car's engine outside our house. Nabuhayan ako ng loob at mabilis na tumakbo sa pintuan para pagbuksan sya. Nagmumukha tuloy akong excited na makita sya.
Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko syang naglalakad na papalapit at nakangiti. Hindi ko maiwasang ngumiti rin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin at nag-init ang magkabilang pisngi. Pumikit ako ng mariin at tinanggal ang ngiti sa labi ko kahit alam kong huli na ang lahat dahil nakita na nya 'yon.
"I'm home..." Halos pabulong na aniya. Tumikhim ako, nanatiling nakaiwas ng tingin at tumango sa kanya. Nilawakan ko ang awang ng pintuan para makapasok na sya at nang makapagpahinga.
"Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas para sa program ng kambal..." Mahinang saad ko. Nang lingunin ko sya ay nakita ko ang pag-alon ng kanyang lalamunan at bahagyang tumango sa akin.
"How about you? You're not going to sleep yet? You shouldn't have waited for me to come home... I have keys of the house..." malamlam ang kanyang mga mata habang sinasabi ang salitang iyon. Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Ayos lang. Nag-impake rin kasi ako ng mga gamit," hindi sya sumagot. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. "S-sige... Matutulog na ako. Goodnight..." Halos ibulong ko nalang ang huli kong sinabi dahil sa hiya.
"Goodnight..."
Maaga akong nagising para makapaghanda. Tulog na tulog pa ang tatlo roon sa kwarto habang nagluluto ako ng agahan at nagpapainit ng tubig panligo ng kambal, hindi kasi sila sanay sa malamig at iiyakan ako ng mga iyan kapag walang mainit na tubig. Ang aarte. Tulad ng tatay.
Bumalik ako sa kwarto para silipin sila at ang naabutan ko ay literal na nakapagpatigil sa akin. Pakiramdam ko ay may mainit na humaplos sa puso ko habang pinapanood si Darious na titigan ang kambal n'ya na para bang sila ang pinakamagandang nangyari sa buhay n'ya... na para bang sila ang buhay nya.
I cannot contain my happiness as I watch him staring at his sons with so much adoration. Tama nga ako sa sinabi ko noon; magiging isa syang mabuting ama na mamahalin ang kanyang mga anak... at tama nga ako.
Kahit minsan sa buhay ko ay hindi ko inaasahan na mapapahal ako sa isang tulad nya ay mamahalin nya ang isang tulad ko. Kung ikukumpara kami sa isa't-isa ay napakalaki ng agwat namin. Kumbaga sa buwan, napakahirap n'yang abutin. But surprisingly, I did... nabitawan ko nga lang para sa mga anak ko.
Only if his parents weren't against our relationship; we might have living our best lives right now. Hindi na sana naghintay ng ilang taon ang mga anak ko bago makilala ang ama nila. Lumaki sana silang kasama nila si Darious... at hindi ko sana nanakawan ng pagkakataong maging ama si Darious.
YOU ARE READING
Unforgettable Love (La Cordova Series #2)
RomanceNote: Flawed characters ahead. So, if you're not into flawed characters as well as stories, better skip reading this story to avoid disappointments. La Cordova #2 He is suffering from amnesia because of a car accident. She suffered because of what h...