'Tao po!!' sigaw ni Roxy sa bahay dahil pakiramdam nya ay sya lamang magisa dto na pinagtataka nya dahil kakatext lang ni nana na kailangan sya dito sa bahay.
'ako bay pinagloloko nyo?!' sigaw pa nya at aakmang kukunin ang kayang telepono upang tawagan si nana ng biglang may nagsilabasang Hindi nya kilala.
't-teka sino kayo? Bat kayo nakapasok?' takang sabi nito at namuo na rin ang takot sa kanyang dibdib pero hindi naman mukhang mga akyat bahay ang mga ito.
'you need to dress up miss' nakangiting sabi ng isang babae na nakasuot ng formal na damit at agad syang hinawakan sa braso bago hinila papunta sa isang kwarto.
'a-ano? Bakit? Sino ba kayo ha at bakit kayo nakapasok dito?!' tuloy tuloy nyang sabi at agad namang may lumabas pa na dalawang tao at pinaupo sya sa harap ng malaking salamin. Subrang pagtataka at gulat ang sumilay sa kanyang mukha lalo nat nagsimula na silang ayosan sya.
'Enough! Tatawagan ko kapatid ko!' aakmang tatayo sya ng bigla syang pinaupo pabalik ng isang assistant kaya nagsalubong ang kanyang noo at hindi gusto ang ginawa nito sa kanya.
'Ano ba talagang ginagawa nyo dito?! At ano tong mga to?! Asa ang kapatid ko?!' sunod sunod nyang tanong kaya napabuntong hininga na lamang ang babae at tinignan sya sa mga mata.
'you need to trust us okay? By the way I'm your make up artist for this unforgettable moment of your life at sila ang mga assistant ko, si chie at lor and you can call me shay' nakangiting sabi ng babae at napabuntong hininga naman si Roxy.
'Ano ba talagang nangyayari ha? At asan ang mga tao dito? Bakit tayo lang ang nandito?'
'relax they're safe at malalaman mo din mamaya kaya relax, you should be happy darling' pagpapagaan nito sa damdamin ni Roxy at napatango na lamang ito saka hinayaan si shany sa kanyang pinanggagawa sa kanya.
Hindi na nga nakayanan pa ni Roxy at sya ay nakatulog na, ginising na lang sya nung bibigisan na sya at Hindi makapaniwala so Roxy sa kanyang nakikita, Hindi nya aakalain na sya ang nakikita nya sa salamin.
'yes darling it's you, you're the most beautiful bride I've encounter' malambing nitong sabi at ngumiti pa kay Roxy at duon na napagtanto ng dalaga ang sinabi nito.
'B-bride?' nagugulohan nyang tanong at tanging ngiti lamang ang sinagot ni shay bago pinakuha ang gown sa drawer.
Napatingin naman doon si Roxy at halos hindi sya makapaniwala sa kanyang nakikita, it's her customize ombre gown na Pina sadya nya pa sa isang sikat na designer, nalluluha na sya kaya agad itong tumingala at pinapaypayang ang mukha upang hindi tumulo ang kanyang mga luha.
'Tell me this is not happening' maluhaluha nyang sabi kay shay pero matamis lang itong ngumiti sa kanya.
'its happening darling' lumapit naman agad sya kay roxy. 'Tumingin ka sa itaas' sabi pa nito na sinunud naman nya at agad na pinunasan ang gilid ng kanyang mga mata gamit ang cotton buds. 'wag ka muna iiyak ngayon mamaya na, water proof naman yang make up mo pero mas magandang e reserve mo muna mamaya' pagbibiro nya at napatawa naman si Roxy dahil dun.
Agad naman nilang tinulongan si Roxy na isuot ang gown nya at agad na humarap sa full length mirror na nasa kwarto at Kita nya Kung gaano ka ganta sa kanya ito. Tinali naman ni shy ang laso nito sa likod na naging dahilan upang makita ang hulma ng kanyang katawan.
'Gorgeous!!' palakpak ng dalawang assistant ni shay, mas lalo namang natuwa si Roxy at Hindi makapaniwalang suot na nya ang pinapangarap nyang gown.
Agad naman kinuha ni Roxy ang kanyang phone at kumuha ng litrato sa salamin at nag volunteer naman si shay na kuhanan nya ng litrato ito at naka ilang take sila bago natapos.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
General Fiction[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>