Unang araw ng burol ni nana ngayon at medyo maraming nagpunta, Yung iba dun ay kakilala at kaibigan ni nana sa probensya nila. Pinuno nila ng mga bulaklak ang paligid ni nana, ibat ibang klase ng bulaklak ang iba dun ay galing sa harden na tinanim mismo ni nana.
Si lexy ang nagbabantay sa bata habang si saint, drace at kane ang nagaasikaso sa burol ni nana dahil hindi pa kaya ni Roxy na makita si nana na nasa kabaong na, lagi din syang wala at nakatambay sa hospital hindi naman pwedeng pabayaan ni kier ang kanyang asawa kaya tanging si Lexy na muna ang mag aalaga sa bata at minsan ay ang ama nito para makapagpahinga din si Lexy dahil lagi ng nag t-tantrums ang bata dahil seguro nangungulila sa ina nito.
'saint ikaw na muna mag bantay sa bata, dadalaw lang ako sa hospital sandali' paalam ni Lexy at ngumiti naman si saint sa kanya.
'okay ipapahatid Kita mama' sagot nito na ikinatango lamang ng dalaga bago lumipat sa kabaong ni nana at hinimas ang salamin nito.
'Ang bait mo sa amin nana, ikaw na ang tumayong papa at mama sa aming lahat kaya masakit na sa ganitong paraan kapa kinuha sa amin' Hindi na nito mapigilan pa ang kanyang luha at sunod sunod ng kumawala sa kanyang mga mata.
'Sana masaya ka sa kung saan kaman naroroon at pinapangako namin na mabibigyan ka ng hustisya pangako nana' seryoso at may diin nitong pangayo bago pinunasan ang kanyang mga mata at agad na tumalikod nakita naman sya ni raizo kaya agad nya itong nilapitan.
Walang pasabing agad nya itong niyakap at gumanti naman ang dalaga, naramdaman nya ang paghalik nito sa kanyang ulo bago sila naghiwalay.
'maliligo na ako' paalam ng dalaga at tumango lang naman si raizo at tinignan ang dalagang papalayo.
Habang may kausap si saint ay biglang tumunog ang kanyang telepono at Dali Dali nya itong sinagot.
'Kilala ko na ang pumatay sa matanda at sumaksak kay ayah'
Bungad sa kanya ni Shan akaya lumayo ito ng kunti sa mga kausap nya at pumunta sa labas kung saan wala masyadong tao.
'Asan ka'
'Minamanmanan ko pa, tatawagan kita kapag na kuha na namin sya, masyado syang mailap kaya nahihirapan kami'
'Okay, balitaan nyo agad ako'
Agad na pinatay ni saint ang tawag at napabuntong hininga, Tama nga ang pakiramdam nila hindi nanatapos ang lahat sa pagkamatay ng kanyang tito.
Sa kanya na nag a-update si Shan dahil wala pang maayos na tulog si bullet at masyado pang sarado ang kanyang utak kaya si saint na muna ang bahala sa lahat.
Umalis naman na agad si lexy papunta sa hospital at nagdala na din ito ng mga gamit at pangangailangan ni bullet, nagpakuha sya kay saint kanina at bago pumunta sa hospital ay umuorder muna sya ng makakain nila doon at kape na din.
Pagpasok nya ay nakita nya si bullet na nakaupo sa tabi ni ayah habang natutulog, si kier naman ay binabantayan si Roxy na natutulog sa kabilang couch.
'Hi' bati ni Lexy at ngumiti naman ng pilit si kier at nakipag beso sa kanya bago nya binaba ang kanyang mga dala at hinaplos ang buhok ni Roxy na mahimbing na natutulog.
'Bumili na ako ng pagkain at kape baka nagugutom na kayo, kumain ka muna' sabi nito at agad na lumapit sa kinaruruonan ni bullet, nakahawak ito sa kamay ni ayah habang tulog kaya mas lalong na aawa sya dito, lumapit naman sya sa tabi ni ayah at inalis ang iilang hibla ng buhok nito na nakaharang.
'Ikaw kumain kana ba?' tanong ni kier sa dalaga at tumango naman ito bago umalis at umupo sa single couch.
'Tapos na, kanina pa ba tulog si bullet?' tanong ng dalaga at kumuha ng kape.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
Ficção Geral[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>