CHAPTER 19

16 2 0
                                    

Nasa basement ng bahay nila bullet si kier, raizo, saint, drace, kane at bullet habang nakatingin kay lance na nakaupo sa isang upuan habang nakatali ang kanyang mga kamay at paa, nakatutok din dito ang isang ilaw na naging dahilan upang mapa yuko ito dahil sa sinag na tumatama sa kanyang mga mata. May busal din ito sa kanyang bibig upang hindi magkapag salita at sumabat sa paguusapan nila.

'Isa sya sa taohan ni dad, hindi ko lang natandaan nung una pero isa sya nagpunta sa bahay nung isang taon, naghanap ako ng inpormasyon tungkol sa kanya'
Unang lumabas sa bibig ni kane at agad na may nilapag sa mesa na mga papel kaya agad nila yun kinuha at binasa.

'Isa sya sa nag hack ng sysytem upang makakuha ng pera sa bank account ng company, may alam sya kaya kinuha sya ni dad at yun ang pinagkakakitaan nya'
May nilabas pang mga litrato si kane na kinunan sa isang basement kung saan maraming computers at devices na ginagamit sa pag h-hack nila.

'7years na nilang ginagawa pero wala man lang naka huli sa kanila?'
Kunot noong tanong ni raizo dahil sa pagtataka.

'Binabayaran ni dad ang mga police upang hindi sila hulihin at embistigahan'
Sagot naman ni kane bago nilapag ang iilan pang mga litrato.

'Paano mo nakuha ang lahat ng 'to?'
Takang tanong naman ni bullet kaya tumingin sa kanya si kane habang may ngisi sa kanyang labi.

'Nakita ko ang ibang file sa laptop ni dad at yung iba sa mga connection ko'
Simpleng sagot naman ng binata at prenteng umupo sa isang kahoy na upuan at matalim na tinignan si lance na seryosong nakatingin lamang sa kanila.

'Hindi lang dyan nagtatapos ang lahat tungkol sa lalaking yan'
Seryoso at may diin na sabi ni kane kaya napatingin ang lahat sa kanya habang may pagtataka sa kanilang mga mukha.

'Maling mali ka ng taong pinagkatiwalaan drace'
Tumayo na ang binata at agad na may kinuha sa loob ng suot nyang coat at agad na nilapag sa mesa ang isang folder kaya kinuha yun agad ni saint.

'Matagal na nya kayong pina
subay-bayan at sya ang naglagay ng bomba sa sasakyan ni tito eric na naging dahilan ng pagkamatay nya'
Ang kaninang gulat at pagtataka sa mukha nila ay biglang napalitan ng galit lalo na si bullet na kaagad sinugod ang binata, malakas na suntok ang pinakawalan nito na naging dahilan upang matumba ito sa sahig, ramdam ng binata ang sakit na nanunuot sa kanyang mga buto gawa ng suntok ni bullet, nalalasahan na din nya ang dugo mula sa kanyang labi kaya agad nya itong pinunasan.

Susugorin pa sana sya ni bullet nang pigilan ni keir at saint ang binata pero winakli lamang sila nito at agad na sinugod si lance, malalakas na suntok ang tumatama sa mukha ni lance na naging dahilan upang pumutok ang gilid ng kilay nya.

Puno na ng dugo ang mukgmha ng binata at ang kamay ni bullet bago sya pinigilan ni saint, niyakap nya ang kanyang kuya upang pigilan ito at nagtagumpay naman sya pero bumabalot parin sa buong paligid ang galit ni bullet.

Pinatayo naman agad ni raizo si lance na tumutulo ang sariwang dugo mula sa kanyang sugat na natamo nya.

'I will kill you idiot, hindi mo alam kung ano ang ginawa mo!!'
Puno ng galit ang boses ni bullet habang sinasabi nya ang mga katagang 'yun.

'Kuya huminahon ka wag kang magpapadala sa galit mo'
Bulong ni saint sa kanyang nakakatandang kapatid dahil alam nyang anytime makakapatay ito dahil sa galit na bumabalot dito.

'No! Sya ang dahilan kung bakit namatay si dad at kung bakit napahamak si ayah!'
Galit parin nitong sagot at ang kanyang mga mata ay para bang nagliliyab sa galit.

Matindi magalit si bullet at kunti lamang ang pasensya nito kaya nakakatakot ito kung magalit, wala din syang kontrol sa kanyang sarili kaya sa tuwing nagagalit ito laging nandyan si ayah o kahit si saint upang pakalmahin ito.

A LIMITLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon