Tanghali na nagising si saint kaya agad na itong naligo at nagbihis na din pagkatapos ay bumaba sa lobby ng hotel.
*Goodmorning sir saint nasa dinning area na po sila* bati ng isa sa mga nag a-assist. Tumango lang naman sya at dumiritsong lumabas, gusto nya munang magpahangin saglit at magisip isip.
nang makarating sya sa dalampasigan ay nagpagisipan nitong maglakad lakad na muna habang nagsisindi ng yosi. Hindi maayong mainit ang sikat ng araw dahil na din sa malamig na simoy ng hangin.
Kahit papaano ay gumaan na ang kanyang pakiramdam pero yung sakit na nararamdaman nya ay nandun parin, hindi naman yun basta bastang nawawala, may oras at proseso yan para gumaling ng tuloyan.
*Magaan na ba ang iyong paghinga? pwede na ba tayong magusap?*
Agad syang napatigil nang marinig nya ang boses na 'yun at kahit Hindi sya lumingon ay kailala nya Kung sino ito.
Hindi sya sumagot at Hindi din lumingon, nakatayo lang sya doon habang nagyoyosi at binubuga ang usok sa itaas.
*niloko mo ko ulit, pano mo nagawa yun? pero ang hindi ko maintindihan bakit ka pumatol sa kanya* may diin at galit sa bawat salitang binibigkas nya.
*Aaminin ko nung mga panahong yun, I was attracted to her and confused, natukso ako at alam Kong yun ang pagkakamali ko, pinagsisihan ko na ang nagawa ko*
*Natukso ka? Tss pano? Kung Mahal mo ako at committed ka sa akin hinding hindi ka madadala sa tuksong sinasabi mo, subrang tagal na natin at sasabihin mong natukso ka lang? Natukso ka dahil ginusto mo, dahil hinayaan mo!!*
Humarap na si saint sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata, matang nagbabaga sa galit at matang nasasaktan.
*Oo na! Dahil kahit anong paliwanag ang gagawin ko mali parin ako! Maling Mali pero sana wag mong iisipin na hindi kita mahal, oo nagkamali ako, nagpatukso at nag cheat sayo pero hindi ko magagawang makipagtalik sa iba saint!*
*Hindi? e ano yung video na nakita namin ka Gabi ha? yung mga ungol nyong dalawa!! Tangina!! kitang Kita ng dalawa Kong mga mata kung pano kayo nagpapakasaya sa bawat isa habang ako ano? walang ka alamalam!!*
Napasabunot na sya sa kanyang buhok at umiigting na din ang kanyang panga dahil sa galit nang ma-alala nya ulit ang nakita nya kagabi.
*Oo lasing ako nun pero hindi ko sya ginalaw!! Hindi ko alam kung sinet-up nya lang ako para pagmukhain na ginawa namin ang bagay na 'yun!! Alam kong hindi ka maniniwala pero walang nangyari sa amin* paliwanag nya na ikinailing naman ni saint.
*I'm done!! Hindi ko na kaya pa ang pagsisinungaling mo at paglilihim mo sa akin kaya mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo* buong lakas nitong sinabi na ikinagulat naman ni drace.
*No please...ayoko saint wag mo namang gawin to sa akin ...please!* Pagmamakaawa nya at aakmang hahawakan ang kamay ni saint pero agad nya itong iwinakli.
*Ayoko na, gusto ko na lang magpahinga subrang basag na basag na ako dahil sa ginawa nyo, ma-awa ka naman sakin lagi mo na lang akong pinapaikot kaya ease Tama na* huling sabi nito at tumakbo na paalis habang si drace naman ay naiwang nakatulala na lamang habang tumutulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.
Naupo na lamang sya sa buhanginan habang tahimik na umiiyak, nasasaktan sya dahil umayaw na ang lalaking Mahal nya, umayaw na ito dahil sa ginawa nya dahil sa mga sakit at problemang dinulot nya sa kanya.
Napagod na si saint sa kakaintindi at kakabigay ng pagkakataon sa binata na akala nya ay hindi na ulit ito gagawa ng ikakasakit nya pero hindi yun nangyari dahil mas lumala pa ang sitwasyon.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
General Fiction[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>