Hating gabi na pero nasa rooftop parin si saint habang nag y-yosi, marami ang pumasok sa kanyang isipan, mga bagay na nagpapagulo na din sa kanyang utak kaya napag disesyonan na lamang nyang tumambay muna duon upang lumanghap ng sariwa at malamig na hangin.
Hindi parin nagigising ang tatlo kaya naghihintay lamang sila, marami naman ang nakabantay sa hospital room kung saan nandun sila ayah kaya panatag ang kaluoban ng binata habang nakatambay sa itaas.
Dumating naman si drace na agad lumapit sa kinaruruonan ng kanyang kasintahang si saint, napatingin ito sa kanya bago binalik ang tingin sa maliwanag na kalangitan, gumaan naman naman ang pakiramdam ni saint nang makita nya ang magandang kalangitan at mga bituing nagsisilbing liwanag dito.
'How are you?' panimula ni drace bago umupo sa tabi ni saint na nakaupo sa edge ng rooftop. Medyo may kalaliman ang babagsakan nya kung magkakamali sya ng pagapak kaya dahan dahan ito sa kanyang mga hakbang hanggang sa makaupo na ito ng maayos.
'Im fine how about you?'
Tanong naman nito at biglang nagtama ang kanilang mga tingin.'Fine' maikli nitong sagot at inilayo ang kanyang mga tingin dahil hindi nya alam kung paano sya mag sisimula. Ngayon ang tamang oras upang pagusapan nila ang bagay na naging dahilan ng kanilang pag aaway, hindi kaya ni drace na hayaan na lang na ganun ang sitwasyon nila lalo na sa mga panahong ganito dahil walang nakakaalam kung ano ang susunod na mangyayari.
'Sorry'
Maikli pero sapat na upang maramdaman ni saint ang pagiging sincere nito kaya agad na nagkatinginan ang dalawa, mga tingin na punong puno ng kahulogan.Napangiti naman si saint at hindi mapigilang kurotin ang ilong ng binatang si drace kaya biglang napakunot ang kanyang noo dahil sa ginawa nya.
'Hinihintay ko lang naman na lumapit ka kahit hindi ka mag sorry' nakangiting sabi ni saint kaya guminhawa naman ang pakiramdam ni drace dahil sa ngiti nito.
'Hindi ka galit?' tanong naman nito na ikinatingin ni saint sa kanya at umiling.
'Seguro nung una pero kinabukasan nawala na din naman, alam mong hindi tumatagal ang galit ko kaya nagtataka ako kung bakit hindi ka man lang lumalapit sa akin'
Mahaba nitong sagot at ang kaninang nakangiting saint ay biglang nawala, habang nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya.'Sorry ni lamon ako ng pride ko' sincere nitong sagot kaya napabuntong hininga naman si saint habang nakatingala sa kalangitan.
'ito ang unang beses na tumagal ng halos limang araw na hindi tayo nag uusap, aaminin ko nahihirapan ako sa araw araw na nag daan'
May bakas na lungkot ang boses ni saint kaya napatingin sa kanya si drace na binabalot ng konsensya dahil pride nya ang pinapairal nya kaysa lumapit sa kanyang nobyo at humingi ng kapatawaran.'Hindi ko alam kung sino at ano ba sayo ang taong naging dahilan ng pag aaway natin pero nasasaktan ako dahil mas inuna mo pa sya kesa sakin'
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni saint ay katombas nito ang maraming karayum na tumutusok sa kanyang dibdib.Alam nyang subrang nasaktan nya si saint dahil sa ginawa nya pero inuna pa nya ang pride nya at yun ang pagkakamaling nagawa ni drace.
'Tapos na yun at naiintindihan kita, mas importante ka sakin kaya hindi ko hahayaan na kung sino lang ang sumira sa'ting dalawa' seryosong sabi ni saint at biglang tumingin sa kanya kaya nagtama ang kanilang mga tingin.
'Sorry sa lahat ng nangyari nabalot lang ako ng awa sa tao kaya hindi ko na naisip na may isang tao pala akong nasasaktan, sorry'
'nangyari na kaya kalimutan na natin yun at gawin na lang nating aral para sa susunod hindi na mangyari ang ganitong bagay'
Nakangiting sagot ni saint kaya mas lalong nakaramdam ng konsensya si drace dahil alam nyang sa likod ng ngiting pinapakita nito sa kanya ay nagkukubli ang nasasaktang saint pero mas pinipili parin nitong ngumiti.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
Genel Kurgu[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>