Continuation...
Nasa mesa na silang lahat habang masayang kumakain habang si lola maria naman ay nag k-kwento sa nakaraan nila ni lolo ekoy kaya napuno ng tawa ang apat na sulok ng malaking dinning area dahil may pagka kwela ang matanda at naaaliw ang lahat sa kanya.
'Naaalala ko pa noon laging bumibisita si ekoy sa bahay kahit halos tagain na sya ng papa ko, na aawa nga ako sa kanya pero kahit ganuon ay hindi nya parin ako iniwan at pinagpatuloy nya parin ang panliligaw nya sa akin' mahabang kwento ni lola maria habang may ngiti sa kanyang labi dahil na alala nya ang mga kahapon nila ng kanyang asawa.
'Oo naman mahal kita e at nangako ako na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko' sagot naman ni lolo ekoy.
'Naks naman pag tinamaan ka talaga lolo gagawin mo lahat' komento naman ni raizo.
'Nako eho hindi mo lang gagawin ang lahat kundi halos ibigay mo na ang buong mundo para mapasayo lang ang babaeng iniibig mo' balik naman ni lolo ekoy kay raizo na kumakain parin.
'Pero seseguradohin mo na yung babaeng ipaglalaanan mo ng oras at panahon e gusto ka din para hindi masayang ang panahon mo sa kakahintay' dugtong ni lola na nakapagpatango kina roxy lexy at ayah.
'Gwapong bata ka naman kaya wag kang magalala makukuha mo din ang loob ng babaeng napupusuan mo' sabi ni lolo ekoy kaya mas lalong napangisi si raizo habang si lexy naman ay hindi magawang makatingin sa binatang si raizo.
'Hindi lahat lolo kayang makuha kung pang labas lang na kaanyuan ang pagbabasihan' sambit naman ni roxy na ikinatango ni ayah.
'Tama ka dyan eha hehehehe nga pala eho sino ba napupusuan mo ngayon?' tanong ni lolo ekoy kaya halos lahat ng tingin ay nakay lexy at raizo.
'Wa-'
'Wag mong sasabihing wala' sabat ni kier at matalim na tinignan si raizo habang may ngiti sa kanyang labi, para namang nabuhusan ng malamig na tubig si raizo at napatingin na lamang sa kanyang pagkain.
'Hayst wag mo na sagotin eho mukhang nahihiya kapa pagpasensyahan mo na ang lolo ekoy mo ha?' sabi ni lola maria kaya nakaramdam ng kaginhawaan ang pakiramdam ni raizo.
'Naka lusot ka ngayon pero sa susunod hindi na' bulong ni roxy na nasa tabi nya lang, hindi na sya sumagot at nagpatuloy sa kanyang pagkain.
Nagpatuloy na lamang silang kumakain habang si lexy naman ay panakaw tingin kay raizo na nasa harapan lamang nya na busy sa pagkain.
Habang tahimik silang kumakain bigla namang tumunog ang telepono ni drace kaya agad nya itong kinuha at bigla naman syang hinawakan ni saint sa kamay kaya napatingin sya dito at sumalubong sa kanya ang matalim na tingin ng nobyo.
'Baby'
Maypagbabanta ang boses nito na para bang winawarningan na wag muna ngayon dahil kumakain sila pero kailangan ni drace na sagotin ang telepono dahil daddy nya ang tumatawag.
'Sorry baby' paumanhin ni drace bago tinanggal ang kamay ni saint sa kamay nya at agad na tumayo bago naglakad paalis.
Napansin naman yun ni kier roxy ayah at bullet kaya napatingin lamang sila kay saint na nakatingin sa kanyang pagkain habang nagiigting ang kanyang panga at alam nila kung anong ibig sabihin nito.
Naiinis na ang binata pero sinusubokan nyang kumalma dahil ayaw nyang gumawa ng eksena at isa pa nasa hapag kainan sila, lalo na't kasama nila ang dalawang matanda.
Walang may alam kung ano ba talaga ang problema ng dalawa dahil kahit si saint ay hindi alam kung bakit nagbabago na ang pagkilos ni drace lalo na sa tuwing may tumatawag sa kanya na hindi man lang sinasabi sa kanya na ibang iba sa kagawian nito noon pero ang hindi lubos maisip ni saint kung sino ang tinatawagan nito tuwing hating gabi dahil sa pagkakaalam nya ayaw na ayaw ni drace na may tumatawag dito tuwing hating gabi pero para bang nagiba ang lahat.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
General Fiction[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>