Last day na nila ngayon sa isla kaya maaga silang nagising upang mas lalo pang ma enjoy ang huling araw nila. Bukas ng umaga na sila aalis dahil marami pa silang kailangang gawin pagbalik nila sa manila.
Lahat ay may ginagawa, yung iba nagluluto, gumagawa ng dessert at si ayah at nana naman ay pinapaliguan si dandalione. 5am sila nagising at 6am na ngayon, malapit na din sila matapos sa kanilang ginagawa kaya mayamaya ay makakaalis na sila papunta sa kabilang isla, napagplanohan nilang dalawin sila lolo ekoy at ang asawa nitong si lola maria dahil matagal na din simula nung huli nilang makita ang magasawa at gusto ni ayah na dalawin sila.
Pagkatapos paliguan at bihisan ni nana at ayah ang kanilang munting anghel ay agad yun kinarga ni nana bago naglakad palabas ng bahay upang salubungin ang haring araw habang si ayah naman ay agad na lumapit kay lexy at raizo na magkasundong magkasundo habang gumagawa ng mango grahams at fruit salad.
Napataas naman ng kilay si ayah habang may ngisi sa kanyang labi na nakatingin sa dalawa dahil ngayon nya lang nakita ang dalawa na ganito ka tahimik at nagtutulongan pa.
'Te nangyari sa dalawang yan?' bulong ni ayah kay roxy na busy sa kakalagay ng ulam sa mga container kaya napatingin naman ito sa tinutukoy ni ayah.
'nagkakamabutihan na ata kaya hayaan muna mabuti na yan' ngising sagot naman ni roxy kaya napatango na lang si ayah bago naglakad papunta kay bullet na nagluluto din, wala itong suot pangitaas at naka apron lang ito.
Agad namang niyakap ni ayah si bullet mula sa likod bago tinignan kung ano ang niluluto nito, medyo nagulat naman si bullet pero isinawalang bahala na lamang nya ito bago nginitian ang nobya.
'ang bango naman nyan' natatakam na sabi ni ayah habang nakatingin sa adobong niluluto ni bullet.
'Umupo ka muna mainit dito' sabi ni bullet ata agad na hinalikan ang tuktok ng ulo ng kanyang nobya, napatango naman si ayah bago kumawala kay bullet at umupo agad.
Habang si saint at drace naman ay busy sa pagluluto ng ginataang alimasag at kare kare na lately nagiging paborito na din ng lahat kaya yun ang naisipan nilang lutuin.
Habang busy sa pagluluto ang dalawa bigla namang tumunog ang telepono ni drace kaya pinatay muna nya ang stove bago kinuha ang telepono at tinignan kung sino ang tumawag, napakunot ang kanyang noo nang makitang numero lang ito.
'Tol may ginagawa ka?' pagtatawag ni drace kay kier na agad lumingon sa kanya mula sa hindi kalayuan.
'Wala naman bakit?' sagot naman ni kier bago lumapit sa binatang si drace kaya napatingin sa kanila si saint na wala man lang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha nito.
'Ikaw na muna tumapos nito may sasagotin lang akong tawag'
'Oh sege' sagot naman nito bago pumalit sa pwesto ni drace kanina at sinimulang taposin ang niluluto nito, agad namang naglakad palabas si drace habang si saint naman ay napatingin lang sa likoran ng kanyang kasintahan na palabas hanggang sa mawala na ito sa paningin nya.
Napansin naman yun ni bullet at ayah kaya hindi mawala ang tingin nila kay saint na napabuntong hininga na lamang bago itinuon sa niluluto ang atensyon nya.
Nang makarating si drace sa harden na malayo kay nana ay agad na sinagot ang tawag.
'Sir drace?' panimula ng nasa kabilang linya.
'who's this?' tanong naman ng binata at napapatingin kay nana mula sa hindi kalayuan habang pinapaarawan si dandalione.
'Ako po ito si nica yung inutusan mo magbantay kay sir lance, iba pong number ginamit ko kasi nawala ang telepono ko kahapon' mahabang paliwanag ni nica kaya napabuntong hininga na lamang si drace.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
General Fiction[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>