CHAPTER 11

26 2 0
                                    

Nasa opisina ni bullet si saint habang tinitignan ang file ng stock nitong nakaraang limang buwan at kada buwan nababawasana ng halos kalahating bilyon at ito ang dahilan kung bakit pumunta dito si saint.

'Na track nyo na ba kung kaninong account hinuhulog ang pera? wala bang may alam kung sino ang gumagawa nito' tanong ni saint na halata sa boses nya ang pagkainis.

'Walang may alam pero may nakapasok na tao dito para tulungan ang taong gumagawa nito' nakasandal sa swivel chair si bullet habang nilalaro sa kanyang kamay ang hawak nitong ball pen.

'How come? Mataas ang security dito' pagtataka ni saint.

'Isa lang ang ibig sabihin nito malaking tao ang nasa likod nito at ang plano ay pabagsakin ang company'

'Nahanap nyo na ba ang taong tumutulong sa kanila?'

'Nasa bodega pinapaamin ng mga taohan ko'

'Nagsalita na ba?'

'Wala pa'

Napabuntong hininga na lamang si saint at bahagyang napahilot sa kanyang sintido dahil sa inis, ilang beses ng nangyari sa company nila ito, nung una sa Bramer International Airport at ngayon ay sa kompanyang pinapatakbo ni bullet.

'May alam ang taong nasa likod nito dahil hindi nila mapapasok ang system kung hindi nila alam ang tungkol sa kompanya natin' walang emosyong sabi ni bullet kaya napatingin sa kanya si saint. Unang pumasok sa utak ng binata ay ang ang tito nito.

Habang naguusap ang magkapatid ay agad namang may kumatok at iniluwa duon ang secretary nya.

'Sir may bisita po kayo' panimula nito at bahagya namang napakunot ang noo ng dalawa dahil wala naman silang inaasahan na bisita.

'Papasokin mo' sabi na lang ni saint bago inayos ang kanuang suot. Yumuko muna ang kanyang secretary bago sinara ang pintuan at maya maya pa ay bumukas ito muli at pumasok duon ang may ka edarang lalaki, matangkad at may maputing buhok napatayo naman agad si saint.

'Tito?' bigla na lang lumabas sa bibig ni saint, napangisi naman ito bago binuga sa hangin ang usok na nasa bibig nya. Pumasok din naman ang isang binatang ka edaran lamang ni bullet na wala man lang makikitang emosyon sa mga mata nito na parang kay bullet, nasa likoran lang ito ng kanyang ama habang naka pamulsa.

'What are you doing here?' seryosong sabi ni bullet na prente paring nakaupo.

'Ang bastos naman ng tanong mo pamangkun wala man lang bang kamusta dyan?' nakangisi nitong sabi habang nakatingin sa paligid.

'Infairness mas maganda ang interior design ng opisina ah' dagdag pa nito.

'You're wasting our time' bagot na sabi ni saint bago umupo sa single couch, binigyan naman nya ng makahulugang tingin ang kanyang pinsan na walang emosyong nakatingin sa kanya.

'Chill, we're just checking on my brother's company' gumuhit sa labi nito ang isang mapangasar na ngiti kaya napakunot ang noo ni saint habang si bullet naman ay walang pakialam.

'It's really fine lalo nat kay kuya napunta' pangaasar ni saint kaya napatingin sa kanya ang matanda pero agad din namang napangiti.

'Oo nga naman  alam kong sa kanya talaga ipapamana ang kompanya ang pinagtataka ko lang kung bakit napunta sayo ang BIA' gumuhit ang mapang asar na ngiti sa labi ng matanda habang nakatingin kay saint.

'Kasi mas karapat dapat ako?' mapangasar ding sagot ni saint kaya biglang nawala ang ngisi sa labi ng matanda.

'Karapat dapat? Big word na kahit saan tignan wala sayo ang isang characteristic ng pagiging CEO o Owner'

A LIMITLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon