CHAPTER 13

20 2 0
                                    

Nasa opisina na si bullet habang may tinatapos na mga papeles, sabado na ngayon kaya ibig sabihin wala na syang trabaho bukas kaya ginagawa nya lahat upang matapos ang kanyang kailangan taposin ngayong araw upang wala na syang iisipin pa bukas.

Bigla namang may kumatok kaya agad na napatingin si bullet sa pintuan na kakabukas lang at iniluwa duon ang kanyang secretary.

'Sir nandito si Atty. Ocampo may appointment daw po sya sayo' sabi nito na kina kunot ng noo ni bullet dahil sa pagkakaalam nya wala syang kilalang atty. Pero biglang sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang tito sam noong nakaraang araw kaya napabuntong hininga na lamang sya bago sumandal at tumango sa kanyang sekretarya na kaagad sinara ang pintuan.

Segundo lang ang lumipas ay agad namang ulit bumukas ang pintuan at iniluwa duon ang isang matandang babae na nakasuot ng pormal na kasuotan kaya napatayo na lamang si bullet.

'Goodmorning sir bramer I'm Atty. Ocampo Mr. Sam's Bramer atty. Im here to discuss you about the last well testament of your grandmother' mahabang sabi nito bago nakipag kamayan kay bullet.

'Take your seat please' magalang na sabi pa ni bullet at agad na silang umupo habang nasa harapang upuan ang Atty.

'As I say may binigay ang grandmother nyo kay Sam Bramer it means may share sya sa company na pinamana sa inyo' paguulit pa nito na ikinatango naman ni bullet.

'Its just a 10% so whats the big deal?' simpleng sagot naman ni bullet.

'10% is too big Mr. Bramer and Im here to tell you that Mr. Sam Bramer want to be part of Bramer International Airport' dagdag pa nito na nakapagpakunot ng noo ni bullet.

'What why? Yeah he have a 10% share of the company but it doesn't mean he have the right to be part of our company' pagmamatigas ni bullet dahil alam nya ang kahihinatnan kung sakali makapasok sa company ang kanilang tito lalo na ngayon sya ang pinaghihinalaan ni saint.

'That's what he want's and there's nothing wrong about it infact it was stated in the law' sagot naman ng atty. Kaya napa hilot na lamang sya sa kanyang sintido.

'Okay if that so you can leave' walang emosyong sagot ni bullet kaya agad na napatayo ang atty. At agad na naglakad pa alis hanggang sa makalabas na ito.

Napasabunot naman si bullet sa kanyang buhok dahil sa inis. alam nyang sa araw na makapasok ang matanda sa company ay mas lalong lalaki ang kanilang problema at yun ang iniiwasan ni bullet pero para bang pinaglalaruan sila ng tadhana.

Bigla namang tumunog ang kanyang telepono kaya agad nya itong kinuha at bumungad sa kanya ang isang text message kaya agad nya itong binuksan.

From: Kane

Hindi ako makakapunta sa inyo, take care.

Napabuntong hininga naman si bullet nang mabasa nya yun, alam nyang may alam ang kanyang pinsan pero hindi nya magawang tanongin ito tungkol sa ama nito dahil alam nyang mahalaga ito para sa binata at paniguradong pagtatakpan lamang nito ang kanyang ama.

Bigla naman ulit tumunog ang kanyang telepono at bumungad ang isa pang mensahe na galing sa kanyang taohan kaya agad nya itong binuksan.

From: s****

Umamin na sya, lumapit kami ng location dahil may naka tunog.

Santrata avenue, leek sub sa ikalawang mansyon.

Nang mabasa nya yun ay agad namang napatayo si bullet bago kinuha ang coat nya at susi ng sasakyan bago naglakad paalis palabas sa kanyang opisina, sinarado nya muna ito ng mabuti bago pumasok sa elevator.

A LIMITLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon