Maaga nagising ang lahat dahil may kanya kanya pa silang trabaho habang si ayah at roxy naman ay tumutulong sa paghahanda ng mga lulutuin para mamayang tanghalian dahil may magaganap na kunting salo salo dahil sa paguwi ni Lexy.
*Aalis na kami* paalam ni saint at agad na humalik sa pisnge ng dalawang magkapatid.
*Magiingat kayo* paalala naman ni ayah na ikinatango naman ng dalawa bago umalis kaya sila na lamang ni roxy ang naiwan kasama ng iilang mga kasambahay.
Habang busy sila sa paghahanda ay biglang sumama ang tyan ni ayah kaya nagpaalam na muna ito na magbabanyo muna kaya agad syang tumakbo papunta sa itaas at Hindi na nya kayang pigilan pa kaya binuksan na lamang nya ang kwarto nila saint at doon na lamang makiki banyo.
Habang nasa banyo sya ay nakita nya ang pants na nakasabit sa gilid ng shower area kaya nung matapos sya ay kinuha nya ito upang ligpitin nang may mahulog ditong isang papel na nalukot.
Kinuha nya ito at tinignan, may laman ito sa loob kaya bubuksan na nya sana nang marinig nya ang iyak ng kanyang anak kaya imbes na buksan ay ibinulsa na lamang nya ito at patakbong umalis.
*Anong nangyari anak?* Pagkalong nya sa kanyang anak at pinapatahan ito dahil namumula na sa pagiyak.
*Hinanap ka po nya ma'am kanina* sabi ng isang katulong na nagbantay sa kanyang anak.
*Okay salamat* sabi ni ayah at umalis naman ito agad bago sya lumabas ng bahay upang libangin ang kanyang anak at nagtagumapay naman ito.
Hindi naman nagtagal ay natapos na lahat mula sa mga pagkain na nakahanda na at mga banner na may nakasulat na welcome back.
Masayang nakatingin lamang si ayah sa paligid habang si Roxy naman ay kinakarga si danda na inaalalayan naman ng kanyang asawa dahil nga ay buntis ito.
Napangiti naman sya at lumapit sa kanila. *Ate ano kaya mo pa?* Natatawang tanong nito dahil nga mabigat ang anak nya at buntis ito ay baka mahihirapan syang kargahin to.
*Mahirap nga e HAHAHHAHA oh asawa ikaw na lang* sabi nito at agad na binigay ang bata sa kanyang asawa.
Napabuntong hininga naman si ayah at humawak sa baby bump ng kanyang ate at ngumiti. * Sa wakas natupad na din ang pinapangarap nyong anak* tumingin sya kay roxy at nagngitian. *Subrang masaya ako dahil sa wakas binigyan na kayo ng malaking blessing* naluluha na ito nang ma alala nya ang sakripisyo ng magasawa dahil sa kanya at ang pagaalaga ng kanyang ate sa kanya.
*Salamat ayah seguro hiniling ni nana kay God na bigyan kami ng anak kaya biglaan ang pagbubuntis ko* natatawa pang sabi nito na ikinangiti naman ng asawa nya.
*Oo nga e seguro nga nakatingin si nana sa atin ngayon pinagmamasdan tayo* sabi naman ni kier at tumingin naman sila sa langit.
*What's happening guys? Mukhang seryoso yang pinaguusapan nyo ah*
Sabi ni rezo kaya agad silang napalingon at gulat na gulat naman si ayah at Roxy nang makita nila ang binata.
*Rezo?!!* Sigaw ni ayah at agad na tumakbo papunta sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit.
*Umuwi ka* masayang sabi nito at ang kaninang pinipigilang luha ay tumulo na nga.
Aakmang tatakbo din si Roxy nang ma-alala nyang buntis sya' kaya naglakad na lang ito at nakiyakap na din.
*Na miss ko kayo'* sabi ng binata bago sila naghiwahiwalay.
*Akala ko hindi ka uuwi ngayon* umiiyak na sabi ni Roxy dahil ang akala nila ay si Lexy lang Ang uuwi ngayon kaya subra silang na surprisa.
*P-pwede ba yun tss* at agad na kinuha si danda sa bising ni kier nang makalapit sila sa kinaruruonan nila. *Miss na miss ko na kaya ang batang 'to* at agad na hinalikan ang pisnge nito na ikinagigil nanaman ni danda.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
Ficción General[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>