Nakatayo lamang ang isang lalaki na nakaharap sa glass window habang nakatingin sya sa magandang paligid gawa ng iba't ibang ilaw. Gabi na kaya mas lalong gumanda ang kapaligiran. Iniikot ikot nya ang hawak nyang goblet na may lamang alak habang may ngiti na gumuhit sa kanyang labi.
Bigla namang tumunog ang kanyang telepono kaya agad nya itong kinuha sa suot nyang coat bago binuksan at tinignan ang isang mensaheng kakarating lang.
'I know where they lived, I'll sent you the information and picture's'
Mas lalo naman syang napangisi dahil sa kanyang nabasa kaya agad syang napabuntong hininga at agad na tinungga ang alak na nasa goblet nya.
'I'll take what's mine' nakangisi nya paring sabi at agad na tumalikod bago nagsimulang maglakad papunta sa swivel chair nya at sakto namang bumukas ang pintuan at iniluwa doon ang walang emosyong mukha ng kanyang nag iisang anak.
'My son what bring you here?' nakangiting tanong nya bago umupo sa kanyang upuan.
Nagtaka naman ang binata dahil sa pag ngisi ng kanyang ama. Usually ay hindi ito ngumingiti pero hindi nya yun pinapakita sa kanyang ama bagkos ay yumuko na lamang ito bilang pagbigay galang dito bago lumapit.
'Nakausap ko si att. Vegas kanina' panimula ng binata at sininyahan naman sya ng kanyang ama na umupo kaya umupo na ang binata.
'Ituloy mo' utos ng kanyang ama at agad na kumuha ng sigarilyo bago ito sinindihan.
'Wala tayong laban sa kanila, pinamana kay saint ang Bramer International Airport at mismong si Mr. Brein ang pumirma nun'
Napatigil naman agad ang matanda sa kanyang ginagawa at parang bula na nawala ang ngiti sa kanyang labi nang marinig nya ang sinabi ng kanyang anak.
'WHAT?! NO! HINDI PWEDE, AKIN DAPAT YUN AKIN!!' galit na galit na sigaw ng matanda na halos maputol na ang litid nito at agad na napatayo bago marahas na tinanggal ang suot nyang necktie.
'Dad hayaan muna sila malaki na ang kompanyang tinayo mo at sapat na yun' seryosong sabi naman ng binata kaya agad syang nakatanggap ng masamang tingin mula sa kanyang ama.
'ANONG SINABI MO?! HAYAAN SILA? SON NARIRINIG MO BA ANG SINASABI MO?!' nakakunot na ang kanyang noo at namumula na din ang kanyang tenga bago bumuntong hininga.
' Ayaw ko ng gulo' nasabi na lang ng binata at simpleng tumayo bago inayos ang kanyang suot.
'No! Hindi matatapos ang gulong 'to hangga't hindi ko nababawi ang dapat ay sa akin' mahinahon pero may diin na sabi ng ginoo bago umupo ulit sa kanyang upuan.
'Ang akala ko ba tapos kana sa kanila? Nakuha muna ang gusto mo, malaki ang nawala sa kanila last year, hindi pa ba sapat yun?' nakakunot na ang noo ng binata habang nakapamulsa.
'Hindi pa sapat ang mga yun, in fact kulang pa nga e' gumuhit sa kanyang labi ang isang ngisi nang maalala nya ang kanyang ginawa noon sa nakakabatang kapatid nya.
Napatitig naman ang binata sa kanyang ama habang binabasa kung ano ang iniisip nito, sa loob ng 20 years mas lalong nakilala ng binata ang kanyang ama pero may mga pagkakataon na hindi nya ito maiintindihan at mababasa kaya lagi syang nakabantay sa kanyang ama upang pigilan ang mga bagay na gusto nitong gawin dahil baka may mapahamak pa.
Minsan na din nyang nahuli ang kanyang ama na nakatitig sa isang litrato, litratong kinunan nung mga panahong binata pa ang kanyang ama at ang nakakabatang kapatid nito na si eric, halos mag d-dalawang taon pa lang patay si eric kaya nagtataka ang binata kung bakit sa tuwing nakatitig ito sa kanilang litrato bigla na lamang itong napangisi.
Alam ng binata na may tinatago ang kanyang ama mula sa kanya pero hinahayaan na lamang nya ito dahil malalaman at malalaman din nya kung ano ito.
'Be ready we're going back' nakangising sabi ng ginoo at agad na tumayo tinapik nya muna ang balikat ng binata bago lumabas ng opisina.
Napabuntong hininga na lamang ang binata habang nakatingin sa nakatalikod nyang ama habang naglalakad palabas hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.
Napayuko na lamang ang binata, hindi nya alam pero nakakaramdam sya ng kakaiba at ang pakiramdam na yun ay hindi maganda.
'I hope you're not doing anything behind my back'
Bulong nya sa kanyang sarili bago naglakad paalis. Nakakatatlong hakbang pa lang sya ng makarinig sya ng pag vibrate ng telepono kaya agad syang napahinto at napatingin sa paligid dahil alam nyang hindi yun sa kanya.
Habang naghahanap nakita ng kanyang mga mata ang telepono ng kanyang ama na nakapatong sa desk. Kinuha nya ito at aakmang ibubulsa nang mag vibrate ulit ito kaya agad na nyang binuksan ang dalawang mensahe na kakarating lang.
Napakunot naman ang noo ng binata nang makita nya ang litrato ni saint na kasama ang nobyo nitong si drace. Ang pangalawa naman ay si ayah at bullet hawak ang munting anghel nila. Bahagya namang napangiti ang binata nang maalala nya nung araw na nabalitaan nyang magiging ama na ang kanyang pinsan na si saint.
Ang ngiting sumilay sa labi ng binata ay agad din nawala nang biglang may isang mensahe ang dumating.
'ihanda mona ang pera'
Gumuhit naman ang inis sa binata nang mabasa nya yun, kaya agad nyang binulsa ang telepono ng kanyang ama bago lumabas ng opisina.
'Sana hindi ka gagawa ng ikakapahamak nila'
*******
ENJOY:>
Update 02/03/2022 may mga nabago at na dagdagan, I've decided to continue and hopefully matapos ko ang story na to so bare with me guyyysss.
REMINDER!! IM NOT AS OTHER WRITTERS AND IM STILL LEARNING SO BARE WITH ME PLEASE.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
Ficção Geral[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>