Makalipas ang halos isang lingong katahimikan na napagdisesyonan ng lahat ng mamuhay ng normal tulad ng dati at nangyari naman, walang gulo o kahit anong problema ang dumating na parang alon sa dagat na sumasabay sa agos.
Simula din ng araw na yun tumira na sa bahay nila bullet ang binatang si kane dahil hindi makakabuti sa kanya ang manirahan at umuwi pa sa bahay ng kanyang ama dahil sa mga nalalaman nito at sa ilang linggong lumipas alam nyang maraming pinaplano ang kanyang ama laban sa kanila.
Habang tahimik na naka upo sa terrace si bullet at kane habang humihigop sa kanilang mainit na kape at nakatingin sa harden kung saan nandun ang lahat habang nagiihaw, makikita mo ang ngiti sa kanilang mga labi na nagpapagaan sa damdamin ni bullet lalo na't nakikita nya ang babaeng naging dahilan upang sumaya sya.
Nabasag ang katahimikang namayani sa kanila nang biglang tumunog ang telepono ni kane at agad naman itong sinagot.
'Pinadala ko na sa taohan ko ang mga ibedensya, seguradohin nyong mahuhuli nyo sya'
'Okay, tawagan moko ulit kung ano ang nangyari, salamat chief'
Huling sagot nito at agad na nilapag sa mesa ang kanyang telepono kaya biglang napatingin sa kanya si bullet.
'lumabas na ang warrant at mamaya ay pupuntahan na nila si dad'
Walang emosyong sabi ni kane.Nakatingin lang naman si bullet sa binata dahil alam nyang nasasaktan din ito lalo na't sya ang naghanap ng ibedensya against his dad, sya din ang nag tulak upang makulong ang kanyang ama, alam ni bullet na may kasalanang haharapin ang kapatid ng kanyang ama pero pati sya ay nakakaramdam ng awa dito kahit sabihing isang porsyento lamang ito, minsan kalang makakakita ng isang anak na gustong ipakulong ang ama dahil sa kasalanan nito at duon bumilib si bullet sa pinsan nito dahil kahit gaano pa nito ka mahal at subrang malapit sya sa ama nito hindi nito tinotolerate ang ama na gawing ang gusto nito.
'Stop starring at me dude, I know what you've thinking and to cut it out, its yes he's still my dad and i feel pity for him, offence is offence, I wont tolerate him'
Mahaba nitong sagot na ikinatango na lamang ni bullet, yun lang naman ang gustong marinig nito mula sa binata.Hindi naman namalayan ng dalawa ang papalapit na si ayah dala ang mainit nitong tsyokolate at agad na nilapag sa mesa kaya napatingin sa kanya ang dalawa.
'Na istorbo ko ba kayo?'
Pagaalalangang tanong ni ayah, ngumiti naman si kane dito habang si bullet ay agad na niyakap si ayah at hinalikan sa noo nito.'You'll never be a disturbance, why?'
Malambing na sagot ni bullet at agad na pinulupot ang kanyang braso around her waist.'Isang lingo ng tahimik at wala namang masamang nangyari, nagbabakasakali ako na pwede na nating simulan ang paghahanda sa kasal nila ate?'
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang palipat lipat ang tingin nya kay bullet at kane na seryoso lang ang mukha.'Please? Narinig ko naman kanina e na mahuhuli na si tito kaya please?'
Pagmamakaawa pa nito, hinimas naman ni bullet ang mahaba nitong buhok.'Hindi tayo pwedeng makampante ngayon ayah' seryosong sagot naman ni kane bago humigop sa kanyang kape.
'Tama si kane love, dilikado parin kahit sabihin na nating makukulong na si tito, marami syang taohan at koneksyon kaya malaki parin ang posibilidad na makakagawa parin sya ng hakbang'
Pagsasang-ayon naman ni bullet kay kane na ikinanguso naman ni ayah bago humiwalay kay bullet at kinuha ang isang tasang mainit na tsyokolate.'Nagbabakasakali lang naman ako'
Simpleng sagot naman ni ayah bago umupo sa tabi ni kane.'Dadating din ang araw na payapa na ang lahat' pagpapagaan ng loob ni kane kay ayah at binigyan naman sya ng tipid na ngiti habang si bullet ay napakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
General Fiction[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>