CHAPTER 15

25 2 0
                                    

Kakatapos lang magayos ng lahat kaya agad na silang lumabas ng mansyon bago pumasok sa kani kanilang sasakyan dahil may pupuntahan sila, gagala ang buong pamilya sa eden garden upang makapag relax at makalanghap ng sariwang hangin, lumayo muna sa magulo at mausok na syudad.

Habang naghihintay si ayah sa labas bigla syang may nakitang tao na nakatayo sa kabilang kalsada habang nakatingin sa kanya, biglang bumilis ang tibok ng puso ni ayah nang bigla itong ngumisi sa kanya, naka cap ito kaya hindi nya makita ang kabuohan ng mukha nito pero alam nyang lalaki ito dahil sa hubog ng katawan.

Hindi maalis ang tingin ni ayah sa lalaki hanggang sa umalis na ito pero nakasunod parin ang kanyang mga mata dito dahil sa kabang nararamdaman nya, pakiramdam nya may hindi magandang mangyari kaya napayakap na lamang sya sa kanyang munting anghel na karga nya.

'Hey are you okay?'

Hindi na namalayan ni ayah na huminto sa kanyang harapan ang sasakyan ni saint at agad na binaba nito ang salamin ng sasakyan nya.

'H-ha? A-ayos lang ako'
Utal na sagot nito dahil nilalamon na sya ng takot at kaba na nararamdaman nya.

'Are you sure?'
Paninigurado pa ni saint na hindi naniniwala sa sinagot ni ayah.

'Oo mauna na kayo susunod na kami ni bullet' pagpipilit nito kaya napatango na lamang si saint bago pinaandar ang kanyang sasakyan pero hindi parin sya naniniwala dito.

Nang maka alis si saint sa harapan nya bumalik naman ang kanyang tingin sa kabilang kalsada kung saan nakita nya ang lalaking kahina hinala pero wala ng tao duon.

'Mainit na dito pumasok na tayo sa sasakyan' biglang sulpot ni bullet at agad na pinulupot ang kanyang braso sa baywang ni ayah at sabay na silang naglakad papunta sa sasakyan ni bullet na nasa kabilang kalsada.

May nakasunod sa kanilang security upang seguradohin ang kanilang kaligtasan. Nang malapit na ang magkasintahan sa sasakyan bigla silang tinulak ng isang security palayo duon. Mabilis namang niyakap ni bullet ang kanyang mag ina bago sila bumagsak sa daan at kasabay nun ang malakas na pagsabog.

Napuno ng usok at apoy ang paligid dahil sa nangyari, nawalan ng malay si ayah at ang anak nito gawa ng pagsabog habang si bullet naman ay sinusubokang tumayo pero sadyang malakas ang impact ng pagsabog kaya nawalan na din ito ng malay.

Tatlong security ang namatay kabilang ang security na nagligtas sa magkasintahan, napalibotan naman ng mga taohan ni bullet ang paligid  lalo na ang magkasintahan na nawalan ng malay.

Agad namang napatakbo sila saint at ng iba pa sa pinangyarihan ng pagsabog, subrang kaba at takot ang bumabalot sa kanila nang makita ang malaking danyos ng pagsabot, umuusok at may apoy parin ang paligid kaya hindi nila makita si ayah, bullet at ang anak nitong sanggol.

'Jusko asan sila ayah?!' mangiyak ngiyak na sabi ni nana habang nakatingin sa malayo dahil hinarangan sila ng mga taohan ni bullet.

'Hanapin nyo sila, please iligtas nyo sila!!' pagmamaka awa ni roxy na hindi na napigilan ang kanyang luha sa pagpatak.

'Pano nangyari ito' hindi makapaniwala at naka tulala lamang si lexy na nakatingin sa paligid habang ang mga luha nya ay patuloy lang sa pagpatak.

Habang si saint, drace, raizo at kier ay hindi alam ang mararamdaman sa nakikita nilang danyos gawa ng pagsabog, binabalot na din sila ng takot at kaba dahil sa nakikita nila walang makakligtas sa ganun ka lakas na pagsabog pero hindi parin nawawalan ng pagasa ang lahat.

Hindi kaya ni saint ang tumayo na lang at maghintay kung ano ang balita bagkos ay agad itong pumasok sa pinagsabogan, nagkalat ang mga parte ng sasakyan na umaapoy at umuusok kaya napatakip ng ilong si saint.

A LIMITLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon