Ito na ang araw kung saan iliibing at ihahatid na nila si nana sa kanyang libingan, napuno nanaman ng emosyon, dalamhati at pagluluksa ang araw na 'to, yakap yakap ni ayah ang picture frame ng matanda habang katabi nya ang kanyang nobyo na karga ang kanilang anak. Tahimik na umiiyak habang nakatingin sa kabaong ni nana na dinadasalan ng pari.
Huling araw na masisilayan nila ang matanda at huling araw na makakasama nila ito. Sa araw nato sinisimulan na nilang tanggapin kahit Hindi madali ay kakayanin dahil wala na naman silang magagawa pa at ang tanging hiling na lamang nila ay hustisya.
'Ma-aari ng pumunta dito sa harapan ang kapamilya o kakilala ni Rosilda upang mamaalam sa huling pagkakataon' sabi ng pari at may iilang tumayo upang mamaalam, kunti lang ang pinayagang dumalo sa burol at tanging malalapit lamang kay nana.
Lumapit na din si Lexy at raizo na halatang nagdadalamhati at bahagya pang niyakap ni Lexy ang kabaong ng matanda bago bumalik sa kanyang kinaupuan, ganun din ang ginawa ni saint at drace, kahit naka shades ay hindi nila matatago ang kanilang kalungkotan sa namayapang matanda. Sumunod naman si Roxy kier at kane na tahimik na umiiyak, huling sumilip si ayah at bullet, nilapag nila ang pulang tulip sa itaas ng mga bulaklak na puti hinimas pa ni ayah ang kabaong nito.
'Makakapagpahinga kana ng maayos nana, salamat sa pagaalaga nyo sa amin, Mahal na mahal kita' napayuko naman si ayah habang umiiyak at agad naman syang niyakap ni bullet at kinulong ito sa kanyang bisig hanggang sa magsalita na ang pari at dahan dahan ng binaba si nana sa hukay.
Umiiyak lamang silang nakatingin habang may iilang tao na naghahagis ng puting bulaklak.
'Salamat n-nana sa pagmamahal na binigay mo mula p-pagkabata hanggang sa pagtanda namin' sabi ni roxy at ngumiti ng pilit.
Nakalipas pa ang ilang sandali ay unti unti ng umaalis ang mga bisitang dumalo hanggang sa naiwan na lamang sila ayah at mga kaibigan nito, tahimik lamang silang nakaupo at hinihintay matapos nilisan ang puntod ng matanda.
'Hindi ako takot nitong mga nakaraang araw na wala kana nana dahil kitang Kita pa kita na mahimbing na natutulog pero Alam mo nana' salita ni ayah na parang kinakausap ang matanda habang nakatingin sa marbol na patio nito. 'Mas natatakot ako sa araw na to kung saan hinatid kana namin sa himlayan mo pero Alam kung mas nakakatakot ang susunod na araw, susunod na linggo na wala kana sa tabi namin dahil alam kong sa oras na yun na proseso na sa utak namin ang katotohanang w-wala kana' hinahagod naman ni bullet ang likod ng kanyang nobya at mahigpit na nakahawak sa kamay nito to give ayah a comfort.
'A-ang sakit na nararamdaman namin ngayon ay mas lalong sasakit sa susunod na araw at s-sana nana t-tulongan mo k-kaming malamoasan 'to p-please'
Bumuhos na ang lungkot at sakit na nararamdaman ni ayah at kahit anong pilit nya ay hindi nya kayang pigilan ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
Nag stay muna sila ng ilang saglit pa bago nila napagdisesyonan na umuwi na, tahimik ang lahat at namamaga ang mga mata sa kakaiyak.
Napatingin naman si bullet sa katabi nya na mahimbing na natutulog, namumula ang mga ilong at tenga sa kakaiyak. Subra itong na aawa sa nobya at kung pwede lang akoin ang sakit na nararamdaman nito ay gagawin nya wag nya lang makita ang nobya sa ganitong sitwasyon.
Pagkarating nila sa bahay ay bumungad ang tahimik at parang walang kulay na mansyon, malamig ang simoy na simoy ng hangin ang bumungad sa kanila.
'Kahit saang sulok ng bahay nakikita ko parin si nana, ang masaya nyang mukha' pangbabasag ni Roxy sa katahimikan at mapait na ngumiti.
'Puno ng alaala ni nana ang bahay nato' komento pa ni lexy at bumuntong hininga.
'magpahinga na muna tayong lahat' pagiiba ni drace at sumang-ayon naman ang lahat at Agad namang nagsipasokan sa kanya kanyang kwarto. Pagod ang lahat at kailangan muna nilang magpahinga sa ngayon.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
Ficción General[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>