Umaga na at hindi na namalayan ni drace ang oras, nagising na lang sya dahil may kumatok sa kanyang pintuan, agad syang napamulat at agad na napatingin sa tabi nya, napabuntong hininga na lamang sya nang makita nyang wala na doon ang kanyang nobyo pero nag aalinlangan sya kung nakauwi ba ito o hindi.
*Drace gising na! Anong oras na hindi ka ba papasok?* Rinig nya ang boses Lexie sa labas na syang kumakatok sa pintuan kaya agad na syang bumangon at nagsuot ng t-shirt bago binuksan ang pinto.
*Mamaya na lang ako papasok, masakit pa ang ulo ko* sabi nito at napatango naman si Lexie.
*Gagawan kita ng tsaa para ma ibsan yang sakit ng ulo mo* nakangiting sabi pa nito at ganun din naman ang binata.
*Salamat... Nga pala umuwi ba si saint kagabi?* Tanong nito dahil nakatulog na sya agad pagkahiga pa lang nya sa kama kagabi at hindi na namalayan kung umuwi ba ang kanyang nobyo o wala.
*umuwi sya, lasing na lasing pero kasama naman nya si bullet at sa guest room sya natulog pero maaga din naman syang umalis* sabi nito na ikinatango naman ni drace, napabuntong hininga na lamang sya dahil hindi nya parin nakakausap ang nobyo.
*Wag mong patagalin ang away nyo, o sya bababa na ako at gagawan pa Kita ng tsaa, sumunod ka kaagad* paalam ni lexie at bumaba na ng hagdan nagpasalamat naman ulit si drace sa kanya at tanging thumbs up lang ang tinugon nito.
Pumasok na sa kwarto si drace at agad na kinuha ang towel bago pumasok sa shower room upang maligo.
Lumipas Ang ilang sandali ay tapos na ang binata at agad na itong nagbihis, didiritso na itong opisina pagkatapos dahil marami parin syang aasikasuhin.
*Inumin mo na to habang mainit pa* agad na wika ni Lexie nang makababa si drace sa hagdan kasama nito si kier na may tinitignan sa kanyang laptop.
*Salamat* pasasalamat nito at tanging ngiti lang naman ang ginanti ni Lexie sa kanya.
*Nasaan sila ayah?* Tanong nito ng mapansin na wala ito sa paligid na usually naman ay nandito na yun at ginagala ang anak.
*Schedule ng vaccine ni baby at sinamahan sya ni bullet, maya maya ay nandito na yun* sagot naman nya at napatango na lamang ang binata.
*Kamusta ang lupang nabili nyo?* Tanong pa ng binata at napatingin naman sa kanya si kier.
*Maganda ang klase ng lupa, madaling taniman kaya napag disesyonan namin na gawin na lang segurong farm yun para may sarili tayong taniman at masisigurado nating ligtas ang mga pagkaing kakainin natin, usually kasi maraming chemical ang hinahalo sa mga tindang gulay sa supermarket at hindi yun maganda* mahabang salaysay naman ni kier na ikinatango naman ni drace.
*Magandang idea yan, malapad naman ang lupang nabili nyo at marami kayong pwedeng itanim at ipatayo duon* ani ni drace.
*Parang bahay pahingahan kung baga, if we need to relax and chill we can stay there* sabi din naman ni Lexie na ikinatango ng dalawa.
Maganda ang idea na kanilang naisip lalo nat may Plano na silang magka anak by this year or next year.
*
Kakatapos lang ng pa bakuna ni danda kaya palabas na sila ng clinic at nakasalubong nila si saint, nagplano sila na sabay kumain sa labas dahil mag l-lunch na din at nangako si saint na sya ang sasama kay ayah para magpa bakuna sa kanilang anak pero may emergency kaya si bullet na lang ang kasama ng magina.
Karga ni saint ang kanyang anak habang si bullet naman ay naka hawak sa baywang ng nobya na halos hindi na malayo dito, papasok na sila sa isang resto at bawat taong kanilang madadaanan ay napatingin at napapalingon sa kanila.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
Tiểu Thuyết Chung[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>