Kakatapos lang ni libing ang magina ni lance at ngayon ay papauwi na ang lahat, nakiramay ang buong pamilya dahil sa nangyari sa magina ng binata, hindi na pinatagal pa ang bangkay dahil halos maabo na ang mga katawan nito, binigyan din ng oras si lance upang magluksa sa kanyang magina at bukas ay ipapasok na ulit ito sa bilibid, nakaramdam ng lungkot at awa ang lahat pero wala silang magagawa dahil kailangan pagbayaran ni lance ang kanyang mga kasalanan, hindi nila ito makausap at nakatulala lang habang umiiyak kaya hinayaan na lamang nila ito dahil alam nilang nabigla pa rin ito sa nangyari, naiwan si drace duon upang samahan ito dahil kahit anong nangyari ay may pinagsamahan parin ang dalawa at kahit papaano ay makatulong ito, mamayang gabi uuwi si drace at sabay na nilang dadalawin si lance bukas sa presento.
Napa tingin si bullet kay ayah na nakasandal lamang sa bintana ng sasakyan habang nakatulala at naka higa sa kanyang dibdib ang anak nitong si dandalion, alam ni bullet na nalulungkot ang kanyang kasintahan dahil may batang nadamay kaya agad nyang hinawakan ang kamay ni ayah at mahinang pinisil, napatingin naman ito sa kanya at ngumiti.
Mamayang gabi ay pupunta naman sila sa mansyon nila kane upang makiramay sa pagkamatay ng kanyang ama, susunod na araw na din ito ililibing kaya hangga't maaari sasamahan na lamang muna nila si kane sa mansyon.
Nang makarating na ang lahat sa bahay ay agad namang napaupo sa couch si kier, roxy, raizo, lexy at nana dahil sa pagod at antok.
'Magpahinga na muna tayong lahat para mamaya didiritso na tayo kina kane' sabi ni saint na ikinatango naman ng lahat bago umakyat sa kani kanilang mga silid.
'Hindi ba kayo nagugutom? Ilagluluto ko kayo' presenta ni nana at agad na tumayo.
'Wag na nana busog pa po kami, ikaw nagugutom kaba ako na magluluto' sagot naman ni ayah habang karga parin ang anak nya.
'Hindi na anak busog pa ako, kayo lang inaalala ko' ngiting sagot naman ng matanda.
'You need too rest nana, we're all tired' sabat naman ni bullet at agad na kinuha si dandalion kay ayah.
'Oh sya magpapahinga na din muna ako, bumibigat na din talukap ng aking mga mata' sagot nito na tinanguan na lamang nila ayah at agad na din naglakad paalis papunta sa kanyang silid.
'Magpahinga ka na din' humarap si ayah kay saint na nasa tabi nya lang, ngumiti naman ito sa kanya at ganun din ang sinukli nito, nakita naman yun ni bullet at napakunot ang kanyang noo.
'Possessive asshole' bulong ni saint at agad na nakipag beso kay ayah na mas lalong ikinasama ng mukha ni bullet.
'Pabayaan mo na' nakangiti ring sagot ni ayah kaya napatango na lamang si saint at tinapik sa balikat si bullet at humalik sa noo ng kanyang anak bago naglakad paalis papunta sa kanyang silid.
'That mf!' inis na sabi ni bullet kaya napatawa na lamang si ayah na ikinatingin sa kanya ni bullet.
'what?' pagmamaang maangan ni ayah habang natatawa at agad na naglakad papunta sa itaas kaya wala ng nagawa pa si bullet kaya sumunod na lamang ito kay ayah.
•
Friend's, relative and business partner lamang ni Sam Bramer ang maaaring pumunta sa lamay ng ama ni kane kaya kunti lang ang tao sa luob ng kanilang mansyon na binili ni sam para sa kanya, tahimik ang buong paligid habang si kane ay nakatayo lang sa harapan ng kabaong ng kanyang ama at nakatitig lang dito, hinayaan lamang sya ng kanyang mga kamag anak dahil alam nila kung gaano kasakit kay kane ang nangyari.
May naka bantay na security sa bawat sulok ng bahay at sa harapan nito para sa seguridad ng lahat, maya maya pa ay agad namang nakarating sila bullet na karga si dandalion, ayah, saint, drace, lexy, raizo, roxy, kier at nana kaya napatingin ang mga taong nasa luob habang papasok ang mga ito, may mga kamag anak namang lumapit kaagad sa kanila.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
General Fiction[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>