CHAPTER 35

14 2 0
                                    

Nasa gitna na silang dagat at sinusuotan na ng oxygen at ibat ibang kagamitang pangdagat dahil ngayon na nila susubokan ang scuba diving, excited na ang dalawang dalaga habang ang magkasintahan naman ay tahimik lang.

*basta wag lang kayong lumayo sa isa sa mga divers* pa-alala ni kenneth na nag aasikaso ng mga ibang gamit, nakinig naman sila sandali sa instruction ng isang professional diver bago sila tinulak isa isa sa dagat.

*you can also experience to meet of some dolphins here and if you lucky enough you can meet ali the white beautiful dolphin* dagdag pa ni kenneth.

*woah sana magpakita sya sa akin mamaya* sabi ni mikaela. maya-maya pa ay nagsimula na silang magsisid magkahawak kamay ang dalawang magkasintahan at ang dalawang magkaibigan. theyre look so amaze under water lalo na nung makita nila harap-harapan ang ibat ibang klase at kulay ng isdang nakikita nila.

may iilang isda pa na talagang lumapit sa kanilang mukha at tumitig sa kanila pero agad na nawawala kapag sinusubukan nilang hawakan, lumangoy pa si drace sa mababang parte at duon na sya mas na amaze nang makita nya ang maganda at ibat ibang corals.

si saint naman ay natutuwa sa maliit na isdang pumapalibot sa kanya at minsan ay kinakagat ang kanyang paa kaya nakikiliti sya pero hinahayaan nya lamang ito at kinuhanan ng litrato gamit ang kanyang water proof camera. napatigil naman sya ng may kumalabit sa kanya at napatingin sa kanyang likoran.

its sheila at ngumiti sa kanya sumenyas naman ito na kunan daw sya ng litrato kaya wala syang nagawa kundi kunan ito ng litrato, naka ilang kuha ito ng litrato ng mapansin nya ang taong nasa likorang bahagi, zinoom in nya ito at doon nasaksihan nya ang pangyayaring hindi nya dapat nakita.

parang bang sumikip ang dibdib ni saint at nanginginig ang kanyang katawan sa kanyang nakita hanggang sa hinugot nya ang oxygen na naka kabit sa kanya kaya agad syang hinila ng mga nasa bangka at nung nasa taas na sya ay tinulungan syang maka ahon.

*sir okay lang po ba kayo?* nag aalalang tanong ni kenneth ng maka ahon ito at maka upo sa bangka, tumango naman ang binata at napapa ubo pa dahil sa lalim ng kanyang kinaruruonan ay naka inom ito ng tubig.

inalalayan pa sya ng ibang guide na kasama nila at binigyan ng towel, umupo naman sya agad habang naka tingin sa asul na tubig ng dagat, naka tulala at parang ina-alala ang nangyari ngayon-ngayon lang.

inabotan naman sya agad ng tubig ni kenneth and he said thankyou bago sya iniwan doon, tumayo naman si saint at lumapit ng pwesto, nanginginig ang kanyang kamay sa galit, gusto nyang manuntok at manakit pero hindi nya kaya.

naka tulala lang sya at seryosong naka tingin sa malayo, magulo ang kanyang buhok at namumula pa ang kanyang mga mata.

tumagal ng halos 30 minutes bago umahon ang tatlo, sabay-sabay pa ang mga ito at agad naman silang tinulungan ng mga guide na maka ahon. unang umahon ay si drace at agad syang binigyan ng towel pero ang kanyang tingin ay nasa nakatalikod na likoran ni saint. pinunasan nya ang kanyang mukha at agad na naglakad papunta sa kinaruruonan ng nobyo.

*hey babe umahon ka na pala bat di mo ako hinintay?* agad syang tumabi sa binata at tumingin pa ito sa mukha ni saint. hindi naman ito sumagot at nakatingin parin sa malayo.

*huy baby* hinaplos pa nito ang basang buhok ng binata upang agawin ang atensyon nito pero matigas si saint at hindi parin sya pinapansin.

*ano ba saint, kausapin mo nga ako* medyo naiinis ng sabi ni drace kaya napatingin sa kanya si saint na walang emosyon ang mukha kaya mas lalong nagtataka si drace.

*umuwi na tayo* seryosong sabi ni saint at agad na tumalikod at maglalakad na sana ng hablotin ni drace ang kamay nya upang pigilan ito, napahinto naman ito pero hindi humarap sa binata.

A LIMITLESS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon