Papasok na si saint sa kanyang opisina ng bigla syang may nakasalubong na mga naka itim na kalalakihan na para bang security kaya napakunot ng noo si saint dahil sa pagtataka. kaya agad nyang hinarangan ang isang security dala ang iilang mga gamit.
'Excuse me? Saan nyo dadalhin ang mga gamit na yan?' seryosong tanong nito bago pinasadahan ng tingin ang ibang security na dumadaan sa kanila.
'Sa opisina ni Sir Sam, pasensya na pero kailangan ko na ihatid 'to'
Magalang naman nitong sagot bago naglakad paalis.Napa buntong hininga na lamang si saint at agad na naglakad papasok sa kanyang opisina bago kinuha ang kanyang telepono at denial ang number ni bullet, makailang ring lang ito ay agad naman ding may sumagot.
'Kuya andito na ang mga gamit ni tito at talagang seryoso sya na makialam sa company?'
Hindi nito mapigilan ang inis dahil sa nangyayaring hindi nya lubos maisip.'Just go with the flow, may pinaplano na ako' seryosong sagot naman ni bullet kaya napa pikit na lamang si saint sa inis.
'Hanggang kailan? Alam mo kung ano ang hihinatnan ng company kung mananatili sya dito'
'I know kaya gumagawa na ako ng paraan at isa pa wala pa tayong matibay na ebidensya para idiin sya'
'Hindi pa ba sapat yung mga logong nahanap ng mga taohan mo?'
'Hindi, kaya magtiis ka muna, gagawa ako ng paraan'
'Okay' napa buntong hininga na lamang si saint bago pinatay ang tawag at agad na binato sa pader ang kanyang telepono na kaagad namang nabasag.
Na baling naman ang kanyang atensyon sa pintuang biglang bumukas at nakita nya duon ang taong pinaguusapan nila ng kanyang nakakatandang kapatid ngayon ngayon lang.
Ang inis na naramdaman nya kanina ay mas lalo pang nadagdagan ng makita ang naka ngiting mukha nito na ikinainit ng dugo nya pero mas pinili nyang pakalmahin ang kanyang sarili at agad na umupo sa swivel chair nya.
'Wala ba akong welcome hug dyan mahal kong pamangkin?' may gumuhit na mapaglarong ngiti sa labi nito pero tinignan lamang sya ni saint ng walang emosyon kaya biglang nawala ang ngiti nya.
'Wala ka ng magagawa pa my dear pamangkin, makikita mo na ako dito araw araw' pangiinis pa nito habang nakatingin sa buong paligid ng opisina ni saint.
'whatever, please excuse me kung wala ka namang sasabihing maganda pwede ka ng umalis marami pa akong dapat na gawin at unahin'
Walang gana nitong sabi at agad na kinuha ang may kakapalang folder sa kanyang mesa kaya sa ikalawang pagkakataon nawala nanaman ang ngiti sa labi ng mantanda bago tumalikod.Bago sya lumabas matalim nyang tinignan si saint na nagmamaang maangan na may ginagawa at ngumisi bago tuloyang sinara ang pintuan.
Nang marinig ni saint ang pintuan na sumara ay napasandal naman sya sa kanyang upuan at bumuntong hininga upang pakalmahin ang kanyang sarili dahil nilalamon nanaman ulit sya ng inis at galit.
Makalipas naman ang ilang minuto ay agad na tumunong ang telepono sa office nya. Walang gana nya itong kinuha at walang anoman na sinagot.
'Hey baby kanina pa ako tumatawag sa phone mo'
Napa ngisi na lamang si saint nang marinig nya ang boses ng kanyang nobyo sa kabilang linya at ang naramdaman nyang inis kanina ay para bang biglang nawala.
'Hey, sorry nasira ko kanina I'll buy new later sweetheart how are you?'
Malambing namang sagot ni saint.'Im fine, nasa bahay ako ngayon'
Napakunot noo naman si saint dahil sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
A LIMITLESS LOVE
General Fiction[Tagalog Story] •THE SEQUEL• Its up to you kung babasahin mo ba muna ang MY BOYFRIEND'S LOVER or hindi, kung kaya mo namang intindihin e why not dba HAHAHAHA, so yeah I hope you like it:>