Kabanata 3
6:17 ng gabi at napagpasiyahan kong umalis na. Baka kasi matraffic ako at late na akong makadating eh. Tinignan ko si Cullen na naglalaro ng kaniyang Toy truck na wala ng gulong. At sira na rin ang ibang parte nito. Kapag naka-sweldo na ako, bibili ako ng bagong toy truck para sakaniya. 4 years old palang ang anak ko.
"Ma, alis na po ako. Pinakain ko na po si Cullen, nagbilin na din po ako ng ulam at kanin diyan 'Ma. Kumain nalang po kayo kapag gusto niyo po. 10 pm pa po ako dadating mamaya." paalam ko. Nakatayo siya malapit sa may pinto habang may hawak na bote ng alak.
Napatingin siya sa'kin habang namumungay ang mga mata. Lasing na naman siya, wala na namang bago doon. Nasanay na ako.
Akmang aalis na ako noong magsalita siya, "H-Hindi ka asawa ng anak ko! Hindi ka niya asawa! Wala akong apo!" sigaw nito sa'kin.
"A-Ano po? Lasing lang po kayo 'ma." mahinahon kong saad at akmang aakayin siya paupo pero iwinaksi niya ang kamay ko.
"Walang asawa ang anak ko! N-Nakita ka lang niya sa loob ng isang kotse! N-Nabangga ang kotse mo! Iniwan ka noong taong bumangga sa sasakyan mo at nakita ka ng anak ko! Iniligtas ka ng anak ko kapalit noon ay ang isang milyon na nasa tabi mo!" parang nababaliw na saad nito.
Napalunok ako sa sinabi niya, parang unti-unti na ring sumakit ang ulo ko. Pero pilit kong ipinapasok sa isip ko na dala lang 'yun ng kalasingan niya. Na wala siya sa tamang pag-iisip ngayon.
"Ma, ang mabuti pa ay magpahinga kana lamang." kalmado kong saad.
Imbes na huminahon ay nagulat ako ng sinigawan niya ako, napatingin ako sa anak kong walang pake sa paligid. Mabuti na lamang at hindi niya napansin ang sigaw na 'yun kundi ay iiyak ang anak ko. Hindi kasi siya sanay na may nagsisigawan. Nasa squatters area kami pero hindi naman siya lumalabas ng bahay.
"Hindi! K-Kailangan mo tong malaman!" muntik na siyang matumba mabuti nalang ay nahawakan ko siya. "Hindi ko kayo kapamilya, ewan ko ba kung sino ang pamilya mo! Malay ko sayo! Walang anak at asawa ang anak ko! Naiintindihan mo ba?! Mabuti pa ay lumayas na kayo rito!" sigaw ulit nito sa'kin.
Nagulantang ako sa walang prenong pagpapalayas niya. Gabi na at delikado na sa labas! Atsaka, wala kaming matutuluyan ng anak ko. Kahit na gulat ako sa rebelasyong sinabi niya sa'kin ay mas nakakagulat ako. Dati pa ay may hinala na akong hindi anak ni Jonathan ang anak ko. Magkaiba kasi talaga sila ng mukha. Pero hindi naman sumagi sa isip ko na ganito kalala ang nangyare sa'kin.
"Lumayos kayo! L-Layas!" sigaw niya ulit habang ngumangawa ng malakas.
Ngayon ay narinig na ni Cullen ang boses niya.
"Mama? Lola? Away kayo?" inosente nitong tanong.
Agad akong umiling sakaniya. "hindi anak, hindi kami nag-aaway okay? Play kana diyan ulit." Pagsisinungaling ko sakaniya.
Bumaling ako kay mama, "Ma, gabi na. Delikado na sa labas. Ano namang meron kung hindi tayo magkapamilya diba? Kami nalang ang meron ka Ma. Pamilya na rin ang turing ko sainyo." saad ko at hinawakan ang kamay niya.
"Wala akong pakealam! Wala akong pakealam! Lumayas ka!"
Nagulat ako ng tumakbo siya papunta sa kwarto namin at ilang segundo pa ay bumalik siya at itinapon sa'kin ang mga damit ko. Naiiyak na ako pero pinipilit ko ang sarili kong hindi umiyak. Hindi oras ngayon para umiyak, ayokong makita ako ng anak ko habang umiiyak.
Kahit tutol ay tumango ako, "Sige po 'ma." mahina kong saad at kinuha na ang medyo hindi ko kalakihang bag.
"Mabuti naman! Mga salot sa buhay ko! Kulang pa ang isang milyon na 'yun sa ipinakain ng anak ko sa'yo eh! Tsk!"