Kabanata 7
"So hija, kailan kayo nagkakilala ng anak ko? And why is he not telling us about the two of you?" tanong ni Mrs. Huxley.
Nakaupo kami ngayon sa bleachers sa labas ng arcade, kaming dalawa lang dahil yung apat kabilang na ang anak ko ay nasa loob ng arcade at naglalaro.
"S-Sa totoo po Ma'am, h-hindi ko naman po kilala yung anak niyo po eh. Tinulungan niya lang po ako noong mawalan ako ng tirahan dahil pinalayas ako sa amin." walang bahid ng kasinungalingan ang sinabi ko sakaniya.
Tila nagulat naman siya sa sinabi ko, "It's impossible, I know my son. Hindi siya yung tipong magpapatuloy lang ng kung sino-sino sa pamamahay niya. He has his own rules, kahit nga kaming kapamilya niya ay kailangan pang magdoorbell bago pumasok sa loob eh." nagtatakang saad ni Ma'am Indiera. "And your son really looks like my son when he was at the same age with him. Are you sure you really don't know my son?" naniniguradong tanong nito.
Hinigpitan ko ang paghawak ko sa paper bags na binili nila sa'kin kanina. "Hindi ko po talaga alam Ma'am, nawalan po kasi ako ng memorya noong maaksidente ako 5 years ago eh. Pero po kahapon, may parang memorya ko po dati na naalala ko. Nasa orphanage daw po ako tsaka may tinatawag akong lalaki tapos 'Love' po ang tawag ko sakaniya. Hindi ko naman po sure kung si Sir talaga 'yun." paliwanag ko.
Tumango-tango siya sa sinabi ko, "It's possible since we are always helping those people in needs especially charitable events or even orphanage. Maybe you can talk to my son and sort things out? We can also conduct a DNA test to know if he's really my apo."
Nginitian ko siya, mabait ang pamilyang Huxley. Hindi sila matapobre kahit na ang yaman-yaman nila.
"Opo, plano ko pong kausapin si Sir mamaya Ma'am."
Hinawakan niya ang balikat ko tsaka nagsalita, "Don't call me Ma'am. Tita nalang okay? It would be better if you'll call me Mama but I know maiilang ka. So Tita na muna, soon na yung Mama." Nakangiting sambit nito sa'kin.
Ang babait talaga nila, wala na akong masabi.
Ilang minuto pa ay lumabas na sa Arcade silang apat. Halatang tuwang-tuwa ang anak ko. First time niya lang kasing makapasyal dito eh.
Tumakbo papunta sa'kin ang anak ko kaya agad ko siyang niyakap. Hindi naman siya pawisan dahil malakas ang aircon sa loob ng Arcade eh.
"Mama, dami toys loob mama! Gusto ko dalhin kaso bawal mama!" saad niya na nakapag-patawa sa'min.
"Bibilhan ka nalang ni Lola okay Apo?" sweet na saad ni Ma'am tsaka ginulo ang buhok ng anak ko.
Nagsalita si Mr. Huxley, "Hija, what's your number pala? Para incase na plano naming hiramin si Cullen ay madali ka lang naming matatawagan. Gusto ko sanang iuwi ang batang ito kaso I doubt if my Son would grant it."
Tumango naman si Ma'am Shan at Sir Paul. Napakagat ako ng labi ko tsaka inisip ang cellphone ko na nasira ko noong isang araw. Sira naman talaga 'yun kaso mas lalong nasira noong mahulog siya sa sahig tsaka naapakan ko habang naglilinis ako.
Tumikhim ako kahit hindi naman ako inuubo, "Ahm... Wala po akong cellphone eh." nahihiya kong saad.
Naramdaman ko ang hindi makapaniwalang titig nila, ang unang nakabawi ay si Sir Paul.
"Sige, we'll buy you a new phone nalang." saad niya na nakapagpalaki ng dalawang mata ko.
"Ay hindi na po! Masiyado na po kayong maraming naibigay sa'kin! Huwag na po. Sobra sobra na po ito." saad ko tsaka umiling-iling.