I hope you'll enjoy yourself while reading this chapter. Good afternoon.
Kabanata 2
Habang nag-ma-mop ako sa labas ay napatigil ako dahil sa sobrang sakit ng likod ko kakayuko. Natapos na rin ako sa wakas! Malinis na ang hallway. Hindi naman siya masiyadong kalakihan at hindi rin siya madumi kaya madali lang linisin. Parang ang top priority ng kompanyang 'to ang cleanliness eh. Pero kahit mahirap ang trabaho ay hindi ko nalang iniisip 'yun. Mas mahalaga sa'kin ang anak ko, kailangan ko siyang buhayin kahit na ang kapalit noon ay ang kalusugan ko.
Napatingin akong muli sa oras at nagulat ako ng mapagtantong 10:13 na ng umaga. Dalawang oras na pala akong naglilinis dito. Actually, out ako mamayang 11 am. Tapos babalik ako ulit mamayang 7 pm para maglinis. 7 pm kasi natatapos ang CEO sa pagt-trabaho. I mean, may mga times daw na lumalampas sa 7 pm pero mas kadalasang umuuwi siya ng 7 pm. Babalik ako dito mamayang 7 pm at matatapos ako ng 10 pm. Pero hindi naman ako natatakot dahil marami naman kami.
Umupo muna ako sa couch na nasa labas ng opisina ng CEO. Bumukas ang pinto ng office at akmang tatayo ako nang makita kong hindi pala ang boss 'yun. Yung secretary niya 'ata. Isang babae na animo'y nasa isang fashion show. Napaka-ikli kasi ng skirt nito, pati ang pang-itaas na damit ay maliit din. Halos lumugwa na ang dibdib nito sa suot. Ang kapal din ng make-up niya, pero kahit ganoon ay masasabi kong maganda siya.
Pero nagtaka ako dahil ang gulo ng buhok niya at naging makalat din ang lipstick niya sa kaniyang bibig. Nakabukas din ang unang tatlong butones sa pang-itaas niyang suot. Ano bang ginawa niya sa loob ng office?
"Good morning po Ma'am." bati ko ng tumingin siya sa'kin.
Inirapan niya ako atsaka hindi pinansin. Hindi ko rin maitatanggi na masungit ang awra niya. Ilang minuto pa ay nawala na siya sa paningin ko.
Habang nakaupo ay nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. "Joanna! Mabuti naman ay tapos ka na ring maglinis." saad ni Martyl.
Sinapak naman siya ng mahina ni Carla. "Ano ba beks? Ang ingay mo, parang umabot na sa kabilang kompanya boses mo eh." ang lambot lambot ng boses nito, mas malambot pa sa boses ko. "Heller nga pala Joanna, can I call you baks?"
"A-Ah sige, hello din." Nahihiyang saad ko.
Nagulat ako ng inilahad noong Justine ang kamay niya sa'kin. "Hi, ako si Justine. Pasensya nga pala at hindi ako nakapagpakilala kanina. Tinamaan ako ng hiya eh." nakangiting saad nito.
Bakit naman 'ata napapaligiran ako ng mga magaganda't gwapo ngayon?
"A-Ah, I'm Joanna pero pwede niyo naman akong tawaging Joan para mas madali." I suggested.
Ngumiti lang si Martyl bago nagsalita, "Baks nalang, mas bet namin 'yun."
Akmang magsasalita sana ako ng magsalita si Carla, "Trulalo mga teh! Nga pala baks, ang ganda mo ah. Pwede kang magmodel kesa maglinis lang dito. Mas malaki kikitain mo doon at for sure maraming tatanggap sa'yo. Papatok ang mukha mo baks!" sulsol nito sa'kin. Na agad namang ikinatango ni Martyl.
"Oo nga naman," segunda nito.
Hindi naman masama ang pasweldo dito, 500 sa isang araw. Ang laki na noon para sa trabahong 'to.
"A-Ay, nahihiya ako eh. Atsaka, may anak na ako eh." Nahihiya kong saad.
Tila naman ay nagulat silang tatlo sa sinabi ko, "May anak kana?!" sabay na tanong nilang tatlo.
Napakamot ako sa batok ko bago magsalita. "Oo, bakit?"
"So it means may asawa kana?" tanong ni Justine.