Please enjoy reading this one!
Warning : this chapter contains vulgar words and scene.
Kabatana 18
"Wala kang trabaho?" Angat ang isang kilay kong saad sakaniya.
"No, it's Sunday." saad niya tsaka umupo na sa upuan.
Si Cullen ay busy naman sa pagkain. 7 am na ngayon. Maaga talaga akong nagising, para maghanda na ng makakain namin.
"You're the CEO right? Why do you have a rest day?" kunot noo kong tanong.
Tama naman ako diba? Kapag CEO, dapat araw araw may trabaho. Siya ang nagpapatakbo ng kompanya eh.
"Exactly, I am the CEO so I can do whatever I want as long as it's not affecting my business. And I want us to go outside. Bonding kumbaga." Saad niya tsaka sumubo ng kanin.
I glared at him, "Hindi ako sasama. Ibang babae nalang isama mo." maldita kong saad sakaniya.
Anong bonding bonding? Hindi naman kami pamilya ah. Tsaka nandito ako para kay Cullen tsaka para makabawi na ang kompanya at restaurant nila papa.
"At sino naman?" tanong niya.
"Aba, malay ko sa'yo. Yung Marietta kaya isama mo, mahal mo 'yun diba?"
Ang kapal kapal talaga ng mukha niya, matapos niyang magpa-interview sa national TV tapos isiniwalat niya doon na may mahal siyang iba. Aba'y, ang landi naman talaga ng lalaking 'to. Sarap putulan ng kaligayahan eh.
"Are you jealous? Don't be." Natatawang saad niya.
Kumuha ako ng kutsara tsaka ibinato sakaniya, ayokong maging bastos sa harap ng mga pagkain kaso nakakainis na siya eh. Ang sarap niyang sabunutan!
"Ew, mahiya ka nga. Sino kaba? Hindi kita kaano-ano no! Kapal nito."
Kinuha niya yung kutsara na itinapon ko tsaka tumitig sa'kin. "Asawa mo." seryosong saad niya.
Babatuhin ko ulit siya ng tinidor nang bigla nalang magsalita si Cullen.
"Niaaway po kayo?" tanong niya.
Tapos na pala siyang kumain. Tapos ako hindi pa nakakasimula.
"Ay Hindi anak, anoo... Naglalaro lang kami ng papa mo. Diba Kieffer?" saad ko sakaniya tsaka ngumiti kay Kieffer ng pilit.
Mag-oo ka! Senyas ko sakaniya gamit ang mata ko. Pinanlakihan ko ng todo eh.
"Ah, yes anak. And oh, change your clothes. Aalis tayo mamaya, maliligo tayo sa dagat Anak, do you want that?" pambobola niya sa anak ko.
Agad naman akong sumingit sa usapan nila, "Hindi ba anak ayaw mo sa dagat diba? Takot ka magswim right?"
Ayokong takutin siya pero kung 'yun lang ang dahilan upang hindi kami makaalis ay gagawin ko.
"Hindi po ako takot mama, practice na po ako ng swim eh. Tinuruan ako ni Papa." saad niya na nakapagpalaki ng mga mata ko.
Nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya. Bumaling ako kay Kieffer na ngayon ay pangisi-ngisi lang habang sumusubo ng pagkain. Mabulunan ka sana!
At ewan ko kung may magic ba ang bibig ko dahil nagkatotoo nga ang sinabi ko. Nabulunan siya, kaya napatawa ako ng malakas.
"Karma, bleeh!" Saad ko sakaniya.
Kinuha ko ang kamay ni Cullen tsaka umakyat na kami papasok sa kwarto namin.
"Ma, swim tayo ha? Please mama." pagmamakaawa nito sabay kurap-kurap ng mata niya.