WORST DAY EVER

3.5K 106 12
                                    

Please enjoy while reading this chapter!!

Kabanata 26

We are at the mall, namimili ako ng school supplies ni Cullen. Syempre kasama ko siya, siya pinapapili ko ng mga gusto niyang designs eh.

Halos lahat ng pinili niya color yellow, color daw kasi 'yun ng banana. Opo, pareho po sila ni Kieffer na ang paboritong prutas ay banana. Speaking of Kieffer.

Nasa trabaho siya ngayon, nagpaalam na naman kami sakaniya kanina na aalis kami. Sabi niya, magdala daw kami ng body guard. Tinawanan ko nalang siya sabay kurot sa pisnge niya.

Habang namimili ng lapis ay lumayo ng kaunti si Cullen sa'kin. Pumunta siya sa lugar ng mga maliliit na stuff toy. Yung pwedeng ikabit sa bag?

Tinapos ko nalang ang pamimili ko ng lapis tsaka pencil case, inabot ako ng mga 5 minutes dahil hinanap ko pa talaga yung may minions na design. Pagkatapos ko ay lumingon ako sa lugar ni Cullen at nagulat ako ng makitang wala siya doon.

Agad akong nagpanic, nagsimula akong maglakad. Nilibot ko ang kabuuan ng school supplies store kaso wala siya.

"C-Cullen?! Miss Miss, may nakita kabang bata na lumabas dito? Naka red na t-shirt miss tapos mga nasa 5 years old." tanong ko sa sales lady.

She looked stunned but she managed to nod her head, "O-Opo Ma'am. Y-Yung kasama niyo pong pumasok kanina?"

Dali dali naman akong tumango, "Oo! Nasaan siya? Nakita mo ba kung saan siya pumunta?" tanong ko sakaniya.

Napakamot siya sa ulo niya, "Eh kasi po M-Ma'am, may kumuha sakaniyang isang babae eh. Kinarga niya po tapos tulog po yung bata. Akala ko po kasama niyo."

"Ha?! Paanong nangyare 'yun eh wala naman akong kasamang pumunta dito?!" Gulat kong tanong.

Unti-unti na ring namumuo ang takot sa dibdib ko. Sino? Sino ang kumuha sakaniya? Si Cora? Eh patay na 'yun eh. Si Fely? Diba nasa kulungan siya. At impossible na makakalabas siya doon dahil ang uncle ni Kieffer ang namamahala doon kaya bantay sarado siya.

"May CCTV ba kayo Miss?"

Tumango siya, "O-Oo po pero b-bawa—," bako pa siya matapos sa pagsasalita ay agad akong sumabat.

"Miss! This is an emergency! Anak ko 'yun at hindi ko alam kung sinong kumuha sakaniya. Please! Baka kung anong mangyare sa anak ko!" Punong-puno ng pagmamakaawa ang boses ko.

Wala na akong pakealam kung marami mang nakatingin sa'kin. Kailangan kong mahanap ang anak ko ngayon din!

"S-Sige po! Tawagin ko po muna yung security guard." saad niya tsaka dali-daling tumakbo.

Kahit nanginginig ang kamay ko ay nagawa ko paring tawagan si Kieffer. Alam ko, yung kwentas na suot ni Cullen ay may device locator din 'yun. Malaking tulong 'yun para mahanap namin kaagad si Cullen.

Unang beses, dalawang beses, tatlong beses, apat na beses ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Baka nasa trabaho siya. Pumikit ako tsaka kinalma ang sarili ko, for now. Hindi magandang mag-panic.

Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Dumating na yung guard na hinihintay ko, iginaya niya ako sa loob ng CCTV room.

"W-Wait! I-zoom mo nga!" Sigaw ko para ma-pause namin ang nakuha sa CCTV kanina.

Ilang segundo ng pumasok kami ay may sumunod rin na babaeng naka-cap. Familiar ang mukha niya.

"Ituloy mo na po." saad ko.

Umabot na kami doon sa scene kung saan namimili na ako ng pencil case. And then I saw the girl with the cap got near to Cullen and offered him something. Umayaw si Cullen kaso nagulat ako ng bigla niyang tinakpan ang bibig ni Cullen ng panyo. Seconda after he fainted, nahirapan pa siyang buhatin ito. Pero kalaunan ay nabuhat niya na din, lumabas siya agad sa Store at nakita ko pa  ang nagtatakang tingin ng sales lady sakaniya. Pero nakita ko ang mukha niya, klarong klaro sa'kin kung sino siya.

My phone suddenly ring. Dali dali ko yung kinuha tsaka sinagot ng makita kong si Kieffer 'yun.

"What happened Love?" Nag-aalala niyang tanong.

Nagpaalam at nagpasalamat ako sa guard at saleslady na tumulong sa'kin tsaka lumabas na sa CCTV room.

"Si Cullen! Kinidnap siya ni Leila!" I hurriedly said.

"What? Aleila Crystal?" tanong niya.

"Oo! L-Love I'm scared! What if something bad will happen to Cullen? Ang bata pa niya love!" naiiyak kong tanong.

"Nasaan kaba?"

"Nasa mall parin ako love." nauutal kong saad sakaniya.

Nagsimula ng manginig ang laman ko, takot na takot ako sa mga pwedeng mangyare.

"Okay, go home. I will find Cullen okay? I will find our son love. Don't worry." pagpapakalma niya sa'kin.

Pinunasan ko ang luha ko tsaka pinilit ang sarili ko na huwag umiyak, "S-Sige. Please, iligtas mo ang anak natin Kieffer. Kung hindi ay baka habang buhay kong sisisihin ang sarili ko."

Totoo naman, kasalanan ko. Kung sana ay hindi ako humiwalay kay Cullen. Edi sana ay nandito pa rin siya sa tabi ko. Sana hindi siya nawala.

"Don't worry Love. Hindi ko papabayaan ang anak natin. Ipapasundo kita sa driver ni Mommy. Just wait there, I've already informed them." he said and hang up. " Don't worry, they already know your location. " dagdag niya.

Napaupo ako sa bench, lantang lanta ako. Sana ako nalang, wala namang kasalanan si Cullen eh. Bakit siya nadadamay? Diyos ko po, bantayan niyo po ng maigi ang anak ko. Sana po ay iligtas niyo ha. Tiim kong dasal.

Minutes after ay nakita ko si Shan na patakbong papalapit sa'kin. I was shock when I saw her, diba nasa europe na siya?

"Hi Ate! I've heard the news! Don't worry, maililigtas ni Kuya Kieffer at Jarred si Cullen!" Punong-puno ng pag-asa niyang saad.

Napayuko ako, "Sana nga." I really hope.

Someone hugged me tight, napaiyak na naman ako ulit.

"Hija, trust my sons okay? They won't let you down." I heard Mama Indiera's voice.

Nag-angat ako ng tingin atsaka nakita ko na kasama pala ni Shan sina Mama Indiera at Papa Crust.

Yumakap rin ako pabalik kay Mama Indiera. She made me stand up pero ilang segundo lang ay nawalan ako ng malay.

All I heard was them shouting my name before I totally lost my consciousness.

I woke up feeling dizzy, ang bigat bigat rin ng pakiramdam ko. Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, nasa loob ako ng hospital. Nasa loob rin sina Mama Indiera, Papa Crust, Shan, Jarred at Kieffer.

They are all crying. Why? Bakit sila umiiyak? Anong problema?

Bakit hindi nila kasama si Cullen? Iniwan ba nila ito sa bahay? Oh baka nasa labas lang ito? Oh baka naman ay natutulog sa couch dito sa loob ng kwarto ko. Inilibot ko ang mata ko at wala akong makita kahit na anino man ni Cullen. Anong nangyayare? Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko.

Don't tell me—!

"K-Kieffer! Where's Cullen? Where's our son Cullen?!" sigaw ko sakaniya.

Napahagulhol ako ng malakas noong umiling siya. Napatingin ako kina Mama Indiera pero pareho lang sila ng ginawa. Napaiyak ako tsaka sumigaw ng malakas.

"Sabi mo! S-Sabi mo ililigtas mo ang anak natin Kieffer! Naniwala ako! H-Hindi! Buhay pa siya diba?! Buhay pa ang anak ko!  Buhay pa ang baby Cullen ko!" pagsisisigaw ko.

Ayokong kumalma, hindi ko magawa. Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito.

"I'm s-sorry love. I've done all my best, but I didn't save him. I'm a failure." Mahina niyang bulong na nagpadurog ng puso ko.

Bakit ganito? Masama ba akong ina? May nagawa ba akong kasalanan?! Ano?! Bakit ako pinaparusahan ng ganito?!

Nagwala ako ngunit ilang segundo lang ay nawalan ako ng malay.

C-Cullen baby, I'm sorry. It's Mama's fault, anak.

____________________
Chapter 25 ends here!

Thank you for reading this chapter. Feel free to tell me if may mali man. Salamat po ulit! Happy 16k+ reads din po! Salamat po ulit.

Please like, comment, share and follow me!

His Cruelty (Huxley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon