Kabanata 10
It's already Cullen's birthday. Kahit na gusto nila ng engrande ay hindi ako pumayag.
Sabi ko next year nalang since hindi pa masiyadong nakaka-adjust si Cullen sa ganitonh klaseng pamumuhay. At baka kung ano pa ang mangyare.
Pero kahit hindi engrande ay marami pa rin naman kaming bisita. Ang parents ni Kieffer, si Ma'am Shan, si Sir Jarred yung may ka-jack 'en poy sa opisina, si Sir Paul at iba pang mga relatives nila.
Sa akin naman ay inimbitahan ko sina Carla, Martyl at Justine. Nakita ko kasi si Martyl noong isang araw habang may binibili akong gift para kay Cullen. That's why I told her na ipaalam kay Justine at Carla na inimbitahan ko sila sa birthday ng anak ko.
Habang busy sila sa pagkain ay lumapit sa'kin si Martyl at Carla. Kinurot nila ako sa may bewang ko.
"Ikaw ha, gurl hindi mo naman sinabing hubby mo pala si Sir Kieffer. Ang yummy ng hubby mo, warla nga. Hula ko talaga you're mayaman. Is true is my hula omg." masiglang saad ni Carla sa'kin.
"Tigil-tigilan mo pag-Eenglish mo Carl ha, baka samain ka sa'kin. Sumasakit ulo ko sa'yo." iritang saad ni Martyl.
"Hindi ako sacred!" Nakataas ang kilay nito na parang handang manaksak.
Ang haba-haba ng kilay niya, feeling ko sumobra.
"Scared 'yun tanga, eh kung ihampas ko kaya sa mukha mo 'tong platong hawak ko?"
Bago pa sila mag-away ay nagsalita na ako. Mahirap na, baka bigla nalang mag-bardagulan 'tong dalawang 'to dito. Parehong ayaw magpa-awat eh.
"A-Ah ehh, ang totoo niyan. N-Ngayon ko lang din nalaman eh." mahina kong saad sakanila.
Martyl spoked first, "Ay oo nga pala. Nagkaroon ka pala ng Amnesia diba?"
Tumango ako.
"Nag-alala nga kami sa'yo noong mawala ka sa kompanya eh. Imagine, isang araw ka lang nagtrabaho doon pero somewhere to be found kana." seryosong saad ni Marty.
Nagulat naman ako noong bigla siyang siniko ni Carla, "Gaga! Anong somewhere to be found? Akala ko ba you're smart personification? Nothing to be found 'yun!" pagmamalaki nito.
Napakamot nalang ako sa ulo at hindi pinansin ang childish nilang away. "Eh kasi, nakita ako ni K-Kieffer noong bumalik ako sa gabi para maglinis. Pinalayas din kasi ako sa'min, ng biyenan ko for some reasons. And yes, sumama ako sakaniya. Bago ko lang nalaman na anak pala ni Kieffer si Cullen. Kasi ako, hindi ko rin alam eh." saad ko sakanila.
Tumatango-tango sila sa kwento ko. Nagpaaalam na ako sakanila, para naman ma-entertain ko yung ibang guest na um-attend sa birthday ni Cullen.
Everyone congratulated us. Happy rin sila dahil first apo ito nina Tita Indiera eh. May ibang nagtanong pa nga kung kailan ang kasal pero iniiba ni Kieffer ang usapan eh.
Baka ayaw niya akong pakasalan. Naalala ko ang kaunting memorya na naalala ko noong gabing nag-usap kami ng masinsinan ni Kieffer.
'Lumayas ka! Niloloko mo lang ako, I don't need you anymore.'
Paulit-ulit 'yun sa ala-ala ko. Kahit hindi ko kita ang mukha niya ay alam kong si Kieffer 'yun. Kaya alam kong totoo ang sinabi ng babaeng 'yun. Na itinakwil ako dati ni Kieffer.
Kailangan kong malaman ang totoo, kung ano ba talaga ang nangyare noon. Kasi feeling ko, may mali eh. And I know, soon. The Truth will prevail.
"Your son is really grown up." saad ni Justine na hindi ko napansin na nakatayo na pala sa harap ko.