Kabanata 16
"Ano ba?! Papasukin niyo nga ako! Kailangan ko lang kausapin ang boss niyo!" sigaw ko.
Nasa harap ako ngayon ng kompanya ni Kieffer. Nagpupuyos sa galit ang damdamin ko. Akala ko lalaban siya ng patas.
Isang buwan na ang lumipas simula noong umalis ako sa bahay ni Kieffer. Maayos naman noong una, nagsampa din kami ng kaso sa korte. Akala ko 'yun na ang simula namin kaso nalaman ko kanina na may problema pala si Papa.
Narinig ko sila na nag-uusap kanina ni Justine sa may parking lot ng bahay namin. I recalled what I heard and saw before.
'What? That Kieffer!' sigaw ni Justine na galit na galit.
'Yes, that's why I'm doing my best. Ayokong sabihin kay Clarita at Zehra na nalulugi na ang business natin ngayon. Ayokong pati sila ay magambala ko.' Mahinahong saad ni Papa.
Napahigpit ang hawak ko sa hose, dinidiligan ko kasi ang mga halaman noong marinig ko sila na nag-uusap. Ayokong makinig pero narinig ko ang pangalan ni Kieffer eh.
'But pa, how will you survive? Ginigipit ka ni Kieffer diba?' alalang tanong ni Justine.
I was shocked by what Justine said. Ginigipit ni Kieffer si Papa? Ano bang problema ng lalaking 'yun? Is this his way to get me back? Because seriously hindi siya gumagana, mas lalo pa nga akong nagagalit sakaniya eh.
'Yes, I've heard it yesterday. One of my cliets pulled out his stocks on us dahil may nag-offer daw sakaniyang isang mas malaking kompanya. And I heard Kieffer's name.' sagot ni papa.
"What will you do now pa?" tanong ni Justine.
Papa massaged his temple and replied, "I'll find a way, for now keep quite."
"Okay pa."
Bumukas ang back door namin at nakita kong si Tita Clarita 'yun.
"Honey, I need to buy new clothes na. Yung ibang nabili ko kasi old na eh. Like mga 1 week ago na 'yun. I need to attend one of my amega's birthday later." sabat ni Tita sa usapan nila.
Napaangat naman ang kilay ko, grabe naman sa old clothes eh one palang pala na nasa kaniya. Akala niya siguro ang yaman yaman niya niyo? Impaktang 'to. Hanggang ngayon, inoobserbahan ko lang siya. Tsaka ko na siya kokomprontahin kapag may nagawa na siyang mali. Kahit ganiyan siya ay alam kong mahalaga siya kay papa. Pero minsan, kapag kaming dalawa lang ay pinag-iinitan niya ako. Ako naman ay binabara ko na lamang siya.
"Sure honey, take care okay. Here's my credit card." Saad ni papa na nakangiti.
Tita Clarita kissed his cheeks and bid goodbye na. Umalis na rin si Papa, he still has works.
Ako naman ay bumalik sa pagdidilig ng mga halaman. Pero galit na galit ako, humanda lang talaga yang Kieffer na 'yan! Susugurin ko siya!
"Ma'am, Bawal po! Wala po kayong appointment eh." saad nong guard na naalala kong siya din yung guard noong magtrabaho ako dito.
"I said I need to talk to him! This is important! Just please, let me in!"sigaw ko.
I saw other people staring at me tapos ay tatawa sila. I just ignored them. Hindi naman sila ang ipinunta ko dito kaya wala akong pakealam sakanila.