Kabanata 11
Habang naglilinis ng bahay ay nagulat ako noong bigla nalang mag-vibrate ang cellphone ko. Hudyat na may nag-text sa'kin.
From : Justine
Hi, free kaba this afternoon? May sasabihin lang sana ako sa'yo.
Pinagpagan ko ang kamay ko tsaka nagsimula ng magtype.
Hindi naman, bakit? Importante ba 'yan?
From : Justine
Oo, importante 'to. Pumunta ka huh? Here's the address. ******
Pumayag na ako since wala naman akong ibang gagawin. Atsaka, may kutob akong importante talaga ang sasabihin niya. Kahit suspicious para sa'kin si Justine ay naniniwala naman ako sakaniya kahit papaano. Kasi nga kaibigan na rin ang tulong ko sakaniya.
Magbibihis na sana ako noong bigla nalang sumakit ang ulo ko. Parang binibiyak 'yun. Napahiga ako sa kama habang nakahawak sa ulo ko.
Nasa labas ako ng bahay ni Kieffer. Naghihintay kasi ako ng taxi dahil aalis ako ngayon. Kailangan ko kasing magpacheck up, lately kasi ay nasusuka ako at parang nag-iiba ang feeling ko. Habang naghihintay ng masasakyan ay nagulat ako ng bigla nalang may humintong sasakyan sa harap ko. Familiar 'yun. Lumabas mula sa driver's seat si Kean. Si Kean Fuentebella, hindi ko siya kilala pero ang alam ko lang ay ex-best friend siya ni Kieffer. Nasira lang dahil yung babaeng mahal ni Kean ay na-inlove kay Kieffer.
"Where are you going?" tanong niya sa'kin.
Napatingin ako sa paligid ko, sinisigurado kong ako ang kausap niya. "Ah, e-eh, magpapacheck up sana." Pag-amin ko. "Aalis na ako ha." paalam ko sakaniya.
Pinagbabawalan kasi ako ni Kieffer na kausapin siya. Ewan ko pero may ibang aura rin akong nararamdaman sakaniya na hindi maganda.
"Are you, by any chance, pregnant?" pag-uusisa niya.
Siguro naman ay walang masama kung aamin ako sakaniya, "Oo, pero icoconfirm ko pa. Kaya magpapa-check up ako. Sige alis na ako ha."
"Actually, ikaw ang ipinunta ko dito. Gusto mo ihatid kita?"
Iiling na sana ako ng magulat ako ng bigla akong halikan ni Kean. Nakilala ko lang siya noong isang araw. Dahil sa gulat ay napatulala ako, nagulat nalang din ako ng bigla nalang may humatak sa mga kamay ko. Inilalayo ako nito kay Kean.
"Putangina ka! Shit! Fuck! Fuck you!" Galit na galit na sigaw ni Kieffer habang sinusuntok si Kean.
Kahit na lumalaban si Kean ay mas marami pa ring suntok na naibigay sakaniya si Kieffer.
"Kieffer! Ano ba? Stop that!" pagpipigil ko sakaniya.
Ngunit hindi niya ako pinansin, wala rin akong mahingian ng tulong dahil walang ibang tao sa paligid kung hindi kami lang.
"Fuck you! I told you to stay away from my girl!" sigaw niya dito tsaka tinadyakan 'ito.
"Please Kieffer, stop it already. Please please! Baka mapatay mo siya." kahit naman galit ako kay Kean dahil sa paghalik niya sa'kin ay ayokong mapatay siya ni Kieffer no.