Here's an update for y'all, hope you'll enjoy while reading!
Kabanata 5
One week had passed mula noong tumira kami dito. Naging maayos naman ang trabaho ko dito, although ang weird weird ni Sir palagi. Palagi niya kasi akong tinititigan. Pero mas weird yung parang may humahalik sa noo or labi ko kada gabi. Parang nananaginip 'ata ako. Nagsimula na ring bumalik sa trabaho si Sir. Napatingin ako sa anak ko na naglalaro sa may sala.
Naglilinis kasi ako ng bahay. 5:34 na rin ng hapon, malapit ng umuwi si Sir. Malapit na din pala ang birthday ni Cullen, next month na. Makaka-ipon pa ako para mahandaan ko ang anak ko kahit kunting selebrasyon lang. Dahil paaaralin ko na rin siya sa susunod na taon.
Habang naglilinis ay nagulat ako ng bigla nalang tumunog ang door bell. Binitawan ko ang vacuum na hawak ko tsaka naglakad papunta sa may gate. Binuksan ko 'yun tsaka nagsalita.
"Sino po sila?" tanong ko.
Isang babae ang nadatnan kong nasa labas ng gate. Ang ganda-ganda niya tapos maputi, mahahalata mong galing talaga sa mayamang pamilya. May kamukha rin siya.
"Omg! Ate?!!" sigaw niya ng malakas kaya napatakip ako sa tenga ko ng wala sa oras.
"K-Kilala niyo po ako?" mahinang tanong ko habang nagtataka.
Kilala niya ba ako? Bakit ganiyan ang reaksyon niya? Magkakilala ba kami dati?
"Diba gf ka ni kuya dati? I'm Shanira, just call me Shan. Ikaw yung kinikwento niya sa'kin! May picture mo pa nga ako oh." saad niya at saka binigay sa'kin ang phone niya.
Kinuha ko 'yun at tinignan ang litratong inilahad niya sa'kin. Tama nga siya, ako 'to. Ang saya-saya ko sa picture at inosenteng-inosente ang mukha ko.
Pero kung girlfriend ako ng kuya niya dati, bakit hindi niya ako sinabihan? Kaya ba siya mabait sa'kin?
Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit 'yun. Rinig na rinig ko ang natatarantang boses ni Shanira nang mapaupo ako sa damuhan dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Promise mo sa'kin ha? Hindi mo ako iiwan. Ikaw nalang ang meron ako love." malambing kong saad habang nakaupo sa swing.
Tinignan ako niya ako tsaka hinawakan ang kamay ko. "Of course, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita, alam mo 'yan."
"Oh siya sige na, uwi kana. Baka hanapin na ako ni Sister Fely." tukoy ko sa Sister na namamahala ng orphanage namin kung saan ako nakatira.
"Okay, but I'll promise. Aamponin kita sa bahay ampunan na 'to. Aasawahin kita love, remember that." saad niya at hinalikan ang labi ko.
Nakahiga na ako sa couch pag-gising ko. Dali-dali akong bumangon dahil sa gulat. Anong nangyare sa'kin?! Nanaginip ata ako? O baka naman ay parte 'yun ng mermoryang nawala sa'kin. Nasa orphanage pala ako nakatira, at sino yung love na kausap ko? Blurred kasi siya sa utak ko. Hindi klaro ang mukha niya, pigura lang at halata namang lalaki siya.
"Oh, gising kana pala Ate. Nahimatay ka kanina sa labas, mabuti nalang at dumaan yung guard na nagbabantay sa subdivision na ito kanina at naipabuhat kita. Anong nangyare ba sa'yo ate? Ayos kalang ba?" nag-aalala nitong saad habang nakaupo sa sahig.
Naglalaro ata sila ni Cullen. Magkaharap kasi sila habang naglalaro ng Lego na binili ni Sir noong araw na pumunta kami sa mall.
"Mama, ayos na ikaw?" tanong ng anak ko tsaka lumapit sa'kin.
Niyakap niya ako na agad ko namang sinuklian ng yakap at halik. "Oo anak, okay na si mama."
Bumaling ako sa kapatid ni Sir, "Shan ang pangalan mo diba? Kilala mo ba kung sino ako?" tanong ko sakaniya ng seryoso.