Malapit na tayong mag-1k reads! Super super thank you po sa mga bumasa ng story ko! Nakaka-overwhelm po!
Kabanata 6
Pagkatapos kumain ay agad kong pinag-half bath ang anak ko. Para naman ay makatulog na siya. Pagkatapos ko siyang bihisan ay hinalikan ko siya sa pisnge.
"Sleep na anak okay?" saad ko sa anak ko tsaka siya niyakap.
Ang anak ko nalang ang meron ako kaya mahal na mahal ko siya. Mawala na ang lahat huwag lang ang anak ko.
"Sige Mama, pero sing ka muna." malambing niyang saad habang humihikab.
"Sige anak." saad ko tsaka nagsimula ng kumanta nang paborito niyang kanta.
Twinkle twinkle little star,
How I wonder what you are,
Up above the world so high.
Like a diamond in the sky,
Twinkle Twinkle little star
How I wonder what you areTwinkle twinkle little star
How I wonder what you are,
Up above the world so high,
Like a diamond in the sky,
Twinkle Twinkle little star
How I wonder what you are.Ilang minuto pa ay nagsimula na siyang humilik ng mahina tanda na natutulog na siya. Ngumiti ako tsaka hinalikan ang pisnge niya.
Dahan-Dahan akong umalis ng kama tsaka naligo na. Ayoko sanang maligo kaso nakalimutan kong magha-half bath lang pala dapat ako eh. Nakalimutan ko kaya nabasa ko ang ulo ko. Ayoko namang matulog na basa ang buhok ko kaya nakaupo lamang ako sa kama habang tinititigan ang anak ko.
Ang suot ko ay isang night gown na binili ko pa dati noong 2 years old pa si Cullen. Manipis lang ang tela niya at silk siya kaya malambot. Sa divisoria ko lang 'to nabili sa halagang 50 pesos eh. Syempre ay wala na akong suot na bra, tinanggal ko dahil takot akong magka-cancer no.
Nauhaw ako kaya napagpasiyahan kong bumaba. Sigurado din akong tulog na si Sir dahil maaga pa ang trabaho niya bukas eh.
Kumuha ako ng baso at nilagyan 'yun ng tubig galing sa pitsel. Nilagok ko ang tubig at muntik ko pang mabitawan 'yun ng may magsalita sa likuran ko.
"Ay piste ka! Yawa!" gulat kong saad.
Muntik pang lumusot sa ilong ko ang tubig na iniinom ko.
"What are you doing here?" tanong niya.
Napayuko ako, nagsimula rin akong ginawin dahil medyo nabasa ang pang-itaas ng night gown ko.
"A-Ah ano po, uminom p-po ako ng tubig." saad ko habang iniiwas ang tingin ko sa abs niya ay este katawan pala.
Naka-towel lang kasi siya at halatang kaka-half bath niya lang eh.
Lumapit siya sa'kin kaya lumayo ako, muli siyang lumapit sa'kin kaya muli na naman akong lumayo. May problema ba? Gusto niya bang dumaan? Umusog ako para makadaan na siya. Kinikilig pa rin ako sa halik niya kanina pero pinipigil ko lang ang sarili ko tsaka agad akong umalis sa harapan niya kanina.
"I'll drink water too." matigas ang English niya at may accent pa.
"A-Ah sige po, mauna na po ako." saad ko tsaka akmang aalis na noong hinawakan niya ang kamay ko.
"Nagbago na pala ang isip ko, I don't want the water anymore." nakangisi siya na parang may binabalak na masama.
Kumakabog din ang dibdib ko sa kaba. "A-Ano po ba yung gusto niyo sir? Juice? Tea? Ano po?" tanong ko.
Nagulat ako ng hatakin niya ang kamay ko tsaka ipinulupot ang bisig niya sa bewang ko. "I want you."
Saad niya at hinalikan ako. Itutulak ko sana siya pero parang nadadarang ako sa mga halik niya. Parang familiar ang mga halik niya sa'kin. Oo, nahalikan na ako dati ng asawa ko pero iba ang halik niya. Halik na may pangungulila at pagmamahal.