Kabanata 9
Weeks passed, isang buwan at kalahati na kaming nakatira sa puder ni Kieffer. Katulad ng sinabi niya ay nililigawan niya ako araw-araw. Sweet siya palagi sa'ming dalawa ni Cullen.
Nakikita ko talaga sakaniya na isa siyang mabait na tao kahit may nararamdaman akong kakaiba sakaniya. Hindi ko maipaliwanag, alam ko sa puso ko na mahal ko siya. Pero ibang feeling ang nararamdaman ko eh.
Ngayon ay nasa grocery store ako. Ako muna kasi ang nag-g-grocery ngayon dahil may trabaho si Kieffer at si Cullen naman ay kinuha nila Tito at Tita kaninang umaga.
Bukas pa daw nila isasauli si Cullen. Ayoko namang maging selfish kaya pumayag ako, wala din namang kaso Kay Kieffer 'yun. Atsaka, excited na excited pa nga si Cullen eh.
Kailangan ko ding damihan ang bibilhin ko ngayon dahil malapit na ang birthday ni Cullen. Oo nga pala, hindi ko pa sinasabi kay Kieffer kung kailan ang birthday ng anak niya. March 27 ang birthday ng anak ko at March 18 na ngayon. 9 days nalang.
Habang namimili ay napatingin ako sa papel na hawak ko. Cereal ang susunod na bibilhin ko. Itinaas ko ang kamay ko tsaka aabutin sana kaso hindi ko maabot. Nasa pinaka-tuktok kasi yung Cereal eh.
Napalingon ako sa paligid tsaka magtatawag na sana ng staff sa loob ng grocery noong bigla nalang may mag-abot sa'kin nang Cereal.
"You're welcome." Saad ng nag-abot sa'kin.
Agad akong napalingon sakaniya, "J-Justine?" Paninigurado ko sakaniya.
"Ako nga, I'm glad that you still remembered me." nakangiting saad nito.
Si Justine ay yung kasamahan ko sa paglilinis sa Huxley's inc. dati.
Napatingin ako sa hitsura niya. Parang may kakaiba sakaniya ngayon. Ang ganda ng pormahan niya, maakala mong isa siyang professional sa suot niya. Tsaka englishero din pala siya, halatang sanay sa English. Tsaka nagtataka din ako dahil 10 am pa ngayon, supposedly dapat naglilinis pa siya ngayon eh.
"Hello, salamat sa pag-abot." nakangiti kong saad sakaniya.
Kinuha niya ang kamay ko tsaka hinalikan ang likod niyon kaya agad kong hinatak ang kamay ko dahil sa gulat.
"My pleasure. So why are you here?" tanong nito sa'kin.
"Nag-s-swimming." pabalang kong saad.
Eh kasi obvious naman diba, grocery store 'to. Ano bang gagawin ng isang tao sa grocery store diba? Magco-concert? Magco-cooking show? Obvious na obvious tapos itatanong pa.
He chuckled and bit his lips lightly. "You're funny."
"Edi thanks. Sige na, I'll get going already. Take caree!" pagpapaalam ko sakaniya.
Ngunit nagulat ako noong hinawakan niya ang kaliwang kamay ko bago ako makaalis.
"You should take care okay? Goodbye. Maraming holduppers diyan sa labas." Saad niya sa'kin bago magpaalam.
Ang weird noong lalaking 'yun. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko sa sinabi niya. Ipinagsawalang bahala ko nalang 'yun tsaka nagpatuloy na sa pamimili.
Pagkatapos kong mamili ay akmang pupunta na ako sa counter noong may bigla na lamang lumapit sa aking babae. Hindi katandaang babae to be exact.
"Hija, anong pangalan mo?" tanong niya sa'kin.
"A-Ahm, Z-Zehra po. Bakit po?" tanong ko.
Napatitig ako sa mukha niya, pamilyar siya sa'kin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita or something.