OUR

6.3K 217 108
                                    

Kabanata 4

Kinabukasan ay maaga akong nagising, 5:47 am palang ay gising na gising na ako. May bumabagabag din kasi sa isipan ko kaya hindi rin ako masiyadong nakatulog ng mahimbing.

Bumaba ako sa kusina tsaka nagsimula ng magluto. Puro hotdogs, eggs at Bacon lang laman ng fridge niya. May ibang de lata pero hindi ko mabasa dahil ibang lenggwahe eh. Imported yata. Naglinis din ako kaunti sa kusina, hindi naman madumi ang bahay niya. Parang may naglilinis dito araw-araw. Napakalaki talaga ng bahay niya, may simple na mga designs sa loob. Pero for sure, ang mga simpleng desinyong ito ay milyon-milyon ang presyo katulad nalang ng mga paintings niya.

6:25 am nang matapos ako sa paghahanda ng makakain namin. Kinuha ko yung towel ko na nasa lamesa at pinunasan ang leeg ko, pati rin si likuran ko. Itinaas ko ang damit ko atsaka pinunasan ang likod ko, abot ko naman eh. Wala din akong bra pang suot, aakyat din ako para magbihis. Tshirt na white lang suot ko, manipis lang ang tela nito kaya medyo kita ang loob ko.

"F*ck!" Madiing sigaw ng nasa likuran ko kaya nagulat ako.

"Ay yawa ka! Piste!" sigaw ko dahil sa gulat.

Agad kong ibinaba ang damit ko tsaka yumuko, namura ko yung amo ko!

"What's yawa ka? And piste? And what did you prepared for breakfast?" tanong ni Sir.

Sir... ano ulit pangalan niya? Jefferson? Kepler? Kevin?

"Ahm ano po, expression lang po naming mga bisaya po. Atsaka, Omelette at bacon lang po hinanda ko. Wala masiyadong vegetables sa kusina niyo po eh. May saging po pero pabulok na po kaya itinapon ko." mahinang saad ko.

Napaigtad ako noong sumigaw ulit siya, "What?! Itinapon mo ang saging ko?! And you can now speak bisaya?" hindi makapaniwalang tanong nito sa'kin.

Dahan-dahan akong tumango sakaniya, "Ah e-eh opo, b-bakit po?"

"Tsk, nothing." mahina nitong saad.

Alam ba niya kung sino ako dati? Hindi ba ako marunong magbisaya dati? Pero patungong cebu daw ako noong naaksidente ako, baka naman hindi niya ako kilala.

Nagulat ako noong bigla siyang tumalikod sa'kin, ayaw niya ba sa niluto ko? Galit ba siya dahil itinapon ko yung saging niya? O baka naman hindi siya nag-aalmusal?

"T-Teka po!" pigil ko sakaniya sabay hawak sa kamay niya. Napatingin siya doon kaya hahatakin ko sana ang kamay ko noong hinawakan niya ito.
Agad umakyat ang dugo ko sa mukha ko.

Feeling ko ay nag-b-blush ako. Kinikilig ako kahit alam kong bawal.

"What is it?" Mahinahon nitong tanong.

Ngumiti ako ng pilit at hinatak ulit ang kamay ko. Agad naman akong nakahinga ng maluwag nang binitawan niya ang kamay ko.

"H-Hindi ka po ba kakain?" tanong ko sakaniya.

"Kakain ako, I'm just going to wake our son." saad nito sa'kin.

Napatanga naman ako sa sinabi niya, "Po?"

"I'm going to wake your son." ngayon ay narinig ko na din ng tama ang sinabi niya.

"Ay ako nalang po! Huwag na po kayong mag-abala! Ako na pong bahala sa anak ko." nahihiya kong presenta sabay tawa.

"Okay. I'll wait for the both of you, sabay tayong kakain." saad nito tsaka umupo sa mesa.

Napatango lang ako sa sinabi niya tsaka umakyat na sa second floor para gisingin ang anak ko. Ginising ko ang anak ko tsaka bumaba na kami.

Nahihiya akong sumabay pero wala akong magagawa dahil utos niya 'yun eh. Atleast mabuti naman pala yung amo ko.

"Anak, siya yung bagong Boss ni mama. Si Sir Klifford!" pakilala ko.

His Cruelty (Huxley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon