Please do enjoy yourselves while reading this chapter.
Kabanata 15
Papa was furious when he saw Justine's face. Kakauwi niya lang galing sa trabaho.
"What?! That bastard!" sigaw niya noong ikinwento namin ang nangyare kanina.
Of course I skip the part when Tita Clarita confronted me earlier.
"Honey, calm your self. Baka mapano ka." nag-aalalang saad ni Tita Clarita.
I eyed her. Ibang iba ang kaharap ko kanina sa kaharap ko ngayon. Animo'y isa siyang maamong tupa.
"Mama is right 'pa, and I can handle myself. As long as hindi nasasaktan si Zehra. Ayos na ako doon." kalmadong saad ni Justine.
Namamaga na ang mga pasa niya. Color violet na rin yung ibang parte ng mukha niya. Awang awa ako sa hitsura ni Justine. And at the same time nagui-guilty ako dahil alam kong kasalanan ko 'yun. Ang dami ko ng kasalanan sakanila.
"Your son is right honey. Zehra? Ikaw ba hija hindi ka niya sinaktan?" tanong ni Tita.
Nagulat naman ako sa tanong niya. Kanina ay hindi niya naitanong 'yan. Sa totoo nga lang ay pagkatapos niya akong sabihan kanina ay umalis na siya at umakyat na. Bumaba lang siya noong dumating na si Papa.
"O-Opo Tita." saad ko.
"Okay. Pero hindi tayo magpapatalo sakanila! Dapat makuha natin ang apo ko. Don't worry anak, marami tayong malalapitan. As a business man, connection is a must." panatag na saad ni Papa.
Pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba. Alam kong mayaman sina Papa at alam ko rin na mayaman din sina Kieffer. They even have a private planes and yachts!
Tumango ako sa sinabi niya. Tumayo si Tita mula sa pagkakaupo niya sa couch tsaka nagtawag ng maid.
"Cecilia, handa na ba ang mga pagkain?" tanong ni Tita sa isang maid na dumaan sa harap niya.
"Opo Madam, ready na po." sagot nito.
Ngumiti si Tita Clarita, "Salamat, kumain na din kayo sa kabilang mesa. "
"Sige po Madam." saad noong maid tsaka tumalikod na.
"Let's eat already?" yaya sa'kin ni Justine kaya tumango ako.
Nahihirapan pa rin siyang maglakad ng maayos kaya inaalalayan ko siya.
"They are so sweet honey!" Kilig na kilig na saad ni Tita sabay hagikhik.
"I know hon. At hindi na ako magtataka pa kung silang dalawa ang magkakatuluyan." Pag-sang ayon ni Papa.
Wow, ang galing naman nila magchismis. Harap harapang chismis ah, ang tatapang.
"Don't be so vocal Ma, Pa. Nahihiya ako." saad ni Justine sabay hawak sa bewang ko.
Pinaupo ko siya sa upuan tsaka tumabi na sakaniya.
"Hindi pa po ako handang magkaroon ulit ng kasintahan. Sa ngayon po ang iniisip ko ay ang anak ko." sagot ko sa usapan nila.
Totoo naman, ang dami ko pang problema tapos isasabay ko lang kaharutan ko? Tsaka, take note. Wala akong pagtingin kay Justine. At kahit pa hindi kami tunay na magkapatid ay kapatid lang ang tingin ko sakaniya.
"Oh, okay. We're sorry Hija." hinging paumanhin ni Tita.
Tumango lang ako tsaka nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang sana kami kaso biglang nagsalita si Papa.