Enjoy reading guys!
Kabanata 14
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad akong naligo tsaka nagbihis. Pagkababa ko ay nakita ko silang kumakain na, hindi sana ako kakain eh kaso gutom din ako. Dahil hindi na ako kumain kagabi, napuno ng pag-ooverthink ang isipan ko kahapon. Dagdag pa yung tawag na galing kay Kieffer.
Nang maramdaman nilang nakatingin ako sakanila ay sabay silang lumingon sa'kin.
"Oh Hija, kain na. Kahapon kapa walang kain. Baka magkasakit ka." saad ni Tita Clarita, may halong pag-a-alala ang boses niya.
Pero kahit ganoon ay parang may iba akong nasesense sa boses niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, siguro nag-iilusyon na naman ako.
"Good morning 'nak," bati ni Papa.
Tumango lang ako sakanila tsaka kumain na. Tahimik lang kaming kumain, yung mga maids lang nila ang nag-iingay pero mahina lang.
Narinig kong tumikhim si Justine, "So Zehra, what will you do today?"
Kinuha ko ang baso na may lamang tubig tsaka ininom 'yun bago magsalita.
"I'm gonna get Cullen." seryoso kong saad habang mahigpit ang hawak ko sa baso.
I can't let Cullen stay with Kieffer. Baka ano pang gawin ni Kieffer, mahirap na.
Nakita kong kumunot ang noo ni Papa, "Cullen? Who's that?"
Si Tita naman ay tumayo na, hindi ko alam kung saan siya pupunta. Pero tapos na siyang kumain.
"Anak ko." deritsahan kong saad sabay titig sa mga mata niya.
Wala akong pakealam kung ano man ang isipin niya sa'kin. Afterall, if hindi niya kami iniwan dati hindi ako magkakaganito, siguro.
"Oh, so I have a grandson already? That's great, pero saan mo siya kukunin?" his reaction was opposite than what I've expected.
Akala ko huhusgahan niya ako.
Sumabat si Justine sa usapan, "Kay Kieffer po 'pa."
"Kinuha niya ang anak mo?!!" gulat at may halong galit na sigaw nito.
Agad akong umiling tsaka nagsalita, "Hindi po, iniwan ko po kahapon. Hindi ko po nadala kasi sumama sa kapatid ni Kieffer, si Shan. Namasyal sila kahapon noong umalis ako kaya hindi ko naisama ang anak ko."
"Oh okay, aalis kana ngayon din?" tanong niya.
I nodded and stand up. I was about to go when Justine held my hand.
"I'll go with you, baka nandoon si Kieffer. Baka kung ano pa ang gawin niya sa'yo. I'll go to the restaurant later Pa, is that okay?" nag-aalala nitong tanong.
Oo nga pala, may trabaho rin siya.
"Sure Hijo, no worries. Take care okay?"
"Opo 'Pa, iingatan ko pa ang anak niyo." Kalmadong saad ni Justine tsaka hinawakan ang likod ko para makaalis na kami.
"You two suits each other." saad ni Papa.
Ngumiti lang si Justine habang ako ay hindi na umimik pa. Nakita ko si Tita na nakatingin sa'min, walang emosyon ang mga mukha niya. Noong mapansin niyang nakatingin ako sakaniya ay ngumiti siya. Na sinuklian ko lang ng isang pilit na ngiti.
Nagpaalam na kami para umalis na, abot abot siguro sa langit ang kaba ko. Kahit hindi ko pa masiyadong naalala ang lahat ay alam kong isang delikadong tao si Keiffer at ang pamilya nila. Syempre, maimpluwensiya din eh.