PROLOGUE

54 5 0
                                    

Prologue

Isang maayang hapon iyon nang magyaya si long-long, ang nakababata kong kapatid para manguha ng kahoy panggatong sa hindi kalayuang gubat.

Dala ang itak ni papa, nangunguna akong maglakad sa kapatid para hawiin ang mga nakaharang na makakating talahib sa aming daraanan.

Tuwing sabado ay ito ang ginagawa namin para naman pagpahingahin ang ama sa araw araw na trabaho. Bakasyon din kaya susulitin na namin ang pagtulong muna sa mga gawaing bahay.

Katulad ng lagi kong hiling, hindi masakit sa balat ang sikat ng araw ngayon kaya natitiyak kong makakarami kami bago pa man magdilim.

"Long, 'wag kang masyadong lumayo saakin." Paalala ko sa kapatid nang matanaw ko ang malaking balite na kinatatakutan ng karamihan dahil daw sa nanliligaw ng sinumang makalapit.

Ngunit kahit ilang beses na kaming nagawi sa parteng ito at sa awa ng diyos ay wala namang nangyayaring masama, wala ring mawawala kung maniwala. Kaya naman ay lagi akong napapasulyap sa kapatid hanggang sa makalayo sa parteng iyon.

"Ate, tama na siguro ang dalawang balot sa ngayon. Susunduin pa natin si mama," sabi niya nang hindi na namin matanaw pa ang balite.

Umismid ako sa kaalamang inaatake na naman ng katamaran ang kapatid ko.

"Kailangan nating makaapat na balot ngayon. Alam mo namang malapit na ang tag-ulan, magpapasukan narin. sabi naman ni papa ay baka siya na ang sumundo kay mama."

Hindi na siya nagsalita pa kaya sumulyap ako. Naabutan ko siyang ngumungusong nagpatuloy sa ginagawang pagtitipon ng mga naputol kong kahoy.

Bumuntong hininga ako at tinigilan na ang ginagawa. Nahabag naman ako. Hindi kasi tulad ng ibang mga bata, kahit puno ng pagtutol ay hindi siya kailanman natutong sumagot o umalma.

Lumapit ako sa puno ng pungapung para kumuha ng pantali. Pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya.

"Oh, akala ko ba apat na balot? Kulang pa ito, ah?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi na, Tama na ito. tayo nalang pala ang sumundo kay mama at siguradong pagod pa si papa,"

Ngumiti siya ng pagkatamis tamis at tumango. Mabilis ang mga kilos siyang nagbabalot habang ako naman ang namumutol.

Nakadalawang balot kami. Tig-iisa kami ng dala habang binabagtas ang daan pauwi. Sinadya kong bagalan ang lakad para makasabay ang kapatid kong bahagyang nahirapan dahil sa bigat ng dala.

Nang matanaw na ang malaking kalsadang tatawiran namin ay binaba ko ang dala. Umupo kami sa lupa para magpahinga saglit. Pinaypayan ko ang sarili ng bigla nalang may ingay na narinig, papalapit.

"Ano 'yon?" Liningon ko si long-long na ang paningin ay nasa malayong parte ng kalsada.

Kusang umawang ang labi ko nang masundan iyon ng tingin. Isang grupo nang kalalakihan ang paparating angkas ng magagarang motor. Naalarma ako at napatingin sa kalmadong kapatid.

"Long, ano, magtago tayo!"

Ngunit imbes na makinig ay kinunutan pa niya ako ng noo.

"Ano ka ba naman, ate. mga Road Monsters lang 'yon, hindi naman nang-aano."

"A-anong Road Monsters?" Pinagloloko ba ako ng kapatid ko? Baka mamaya ay barilin kami ng mga 'yon!

"Grupo ng mga kalalakihang racer. Hindi mo ba talaga sila kilala? Sabi naman kasi sa'yo, sumama-sama ka minsan kay Alicia para naman makasagap ka ng mga impormasyon,"

Ngumuso ako at nalimutan na ang takot dahil sa sinabi ng kapatid. 'di tulad ko, mahilig siyang mag-ayos ng sarili para sumama sa mga barkada kung saan may fiesta. Minsan para magbasketball o mag-internet.

Tinuon ko nalang din ang paningin sa harapan kung saan mas malapit ko nang nakikita ang mga lalaki. Siguro nasa mga sampo silang lahat. Karamihan sa kanila ay may nakatakip na pulang panyo sa ilong kaya ilan lang din ang klaro sa paningin ko.

Walang kasing angas ang dating ng mga ito sa pagmamaniobra ng manibela. Tila nakikipaghabulan kay kamatayan kung humarurot. Hinatid ko sila ng tingin hanggang makalayo at mawala.

"Marami talaga ang myembro ng Road Monsters. Kinse anyos pataas ang pwede sa myembro nila. Pero ang mga 'yon ang mas kilala sa grupo,"

Nilingon ko ang kapatid.

"Bakit ang dami mong alam? Ikaw ah, baka naman nagbubulakbol ka na at hindi namin alam!" Tsaka diyos ko! Ang babata ng kinse anyos para magmotor!

Ngumiwi ang mapulang labi ng kapatid ko.

"Alam ko lang kasi may mga kaibigan akong myembro nila. Syempre, sa una natukso akong sumali. Kaso naalala ko wala pala akong motor."

"Kahit meron, dapat hindi ka magsasasali sa mga gano'n! Isa lang ang buhay, long. Ang pagsali sa gano'n ay para naring pagsasayang ng buhay,"

"Alam ko. Kaya nga nakikipag-kaibigan nalang ako, 'di ba? Pati ba 'yon bawal?"

"Syempre hindi. Basta lang ay 'wag kang patukso sa kanila." Kumalma ang boses ko. Dahil kahit masama ang impresyon ko sa mga kaibigan niya, hindi parin magandang mag-isip ng masama sa kanila gayong kahit walang wala ang kapatid ko ay tanggap at nalilibang nila ito.

Muli naming binaybay ang daan pauwi. Mula sa malayo ay nakikita na namin ang bahay namin. Ngunit bago iyon marating ay kailangan pa naming dumaan sa sementong tulay. Sa ibaba kasi niyon ay may umaagos na tubig na bumubuhos lamang tuwing uulan ng malakas.
Pero malinis naman iyon kaya doon kami minsan naglalaba.

"Ate! Baka maapakan mo!"

Agad akong tumigil dahil sa sigaw ni long-long galing saaking likod.

Tumungo ako para makita ang tinutukoy niya. Nakita ko ang isang pulang panyo na katulad sa suot ng mga kalalakihan kanina.

Paano naman kaya ito napunta dito?

At para namang alam ni long-long ang nasa isip ko nang sumagot.

"Madalas silang dumaan dito, Shortcut pa-sentro,"

Sa labas palang ay sinalubong na kami ni papa para kunin ang mga dalang kahoy. Hindi pa muna kami pumasok at binukadkad ang nakitang panyo.

Tinuro ni long-long sa'kin ang isang logo sa gitna ng panyo. Sa baba naman noon ay isang apelyido na madalas kong marinig sa mga kwento ni Alicia.

"Ganitong ganito ang logo na nakikita ko sa motor ni Louie!" Manghang mangha ang kapatid ko habang tinitingala ako.
"Itago ko nalang kaya ito? Panyo lang naman 'to eh, gagawin ko lang souvenir,"

Inagaw ko ang panyo sa kamay niya.

"Anong itatago? Hindi naman sa'yo 'to. Tsaka baka mahalaga 'to sa may-ari."

Kinamot nya ang pisngi.

"Tama ka nga. Pero paano natin 'yan isasauli? Hindi ko pwedeng ibilin sa mga kaibigan ko dahil mga maloloko ang mga 'yon, baka itago lang rin,"

Tinitigan ko ang nakacapital na mga letra doon.

SUAREZ

maaari akong matulungan ni Alicia dito. Dahil sa pagkakaalala ko, minsan nya nang nabanggit ang apelyidong ito saakin.

-PROVENSYANA

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon