Chapter 13

13 4 0
                                    

Alas dyes palang ay narinig ko na ang motor ni Prime sa labas ng bahay namin. Dalawang beses na busina ang ginawa niya kaya naiinis ko siyang tinext. Tiyak na makakaagaw siya ng pansin.

Teka lang.

Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang nagbibihis. Lalo pa akong natagalan sa pagpili ng isusuot. Bigla ay naisip kong mag-bestida, kahit hindi ko naman talaga hilig ang ganoon. Komportable lang akong magsuot noong anniversary ng Road Monsters kasi gabi naman. Pero sa isiping magkikita kami ng Mommy ni Prime ay gusto kong sumubok uli. Isang beses ko palang nakita ang ginang pero alam kong simple pero elegante ang ayusan nito na sa tingin ko ay kailangan ko ring magmukhang ganoon sa harapan niya.

Double time, Karina. Muling mensahe ni Prime.

Sa huli ay napilitan akong magpalda. maong iyon na hanggang taas ng aking tuhod lamang. Pinares ko ang puting v-neck shirt ko na in-insert ko para presentable tignan. Sa paahan ko ay pares ng sandalyas na de strap. Inayos ko ang nakabuhaghag kong buhok sa salamin at nagpulbos narin. Kahit simple nalang. Natitigan ko ang sarili at natantong may kulang..

Get down now.

Sa mensahe niyang iyon ay bumaba na nga ako. Naabutan ko siyang nakahalukipkip habang nakasandal sa motor. Pasuyod sa katawan ko ang ginawa niyang pag-aangat ng tingin. Tumigil iyon sa mukha ko. Bigla siyang ngumisi kaya nag-iwas ako ng tingin. Natuon iyon sa suot niya. Gustong malaglag ng panga ko nang makitang naka v-neck shirt din siya na itim at faded jeans naman sa baba. Tumikhim ako at kinunutan siya ng noo nang muling tignan. Umiling siya at may nanunuksong tingin bago umayos ng tayo. May kinuha siya sa manibela ng motor at inabot sa akin. Isa na namang paper bag.

"Wear the necklace." Aniya pa.

Inabot ko iyon at sinilip ang laman. Binalik niya ang mga isinauli ko sa kanya!

"Hindi ba't sinauli ko na 'to?" Ngumuso ako sa kanya.

"Gusto ko ring isauli sa'yo. That's yours anyway.." buryo niyang sagot.

Hindi na ako nakipagtalo pa, bumalik ako sa kwarto ko at isinuot iyon. Napangiti na ako sa salamin pagkatapos, wala na ang guwang na naramdaman kanina.

Nakangiti akong lumabas. Naabutan ko na si Prime sa sala namin, parang hari kung umupo. Kinagat niya ang ibabang labi nang makita ako. Muli siyang ngumisi at tumayo na rin.

"Pretty.." sabi pa niya.

Napalabi ako. Naalala ko pa kung paanong halos sabihin niyang nakakadiri ako. Tapos ngayon hindi ako makapaniwalang bigla ay gusto niya na pala ako! Tapos ngayon ay pretty na ako sa kanya!

Hinawakan niya agad ako sa pulso para igiya palabas. Naalala ko ring halos ayaw niya akong lapitan, tapos bigla ay niyayakap niya na ako! Tapos... Nahalikan narin..

Habang paangkas ay inisip ko kaagad na sa balikat niya hahawak. Iyon nga ang ginawa ko. Pero dahil nag-binabae sa pagsakay, hindi ko maipwesto nang tama ang mga kamay. Nagulat nalang ako na siya na mismo ang kumuha noon para iyakap sa tiyan niya!

Uminit ang pisngi ko at bahagyang nanginig ang braso na nasa matigas niyang tiyan. Kung alam ko lang na ganito, sana nagtraysikel nalang ako.

Pinamilyar ko ang bawat baranggay na madaanan namin. At ilang minuto lang ay rumahan ang patakbo niya. Natuon agad ang atensyon ko sa hinintuang kulay pula na gate. Tila bagong pintura. Mataas iyon pero dahil kita ang loob sa railings na nakapaligid, agad akong nalula sa laki ng may kalayuang bahay. Galing sa isang guardhouse, lumabas ang matangkad at tila bata pang gwardiya nila para buksan nang tuluyan ang gate. Pumasok kami sakay ng motor.

Binaybay pa muna namin ang mahabang pathway patungong bahay nila. Bahay o Mansyon? Kung ang napuntahan kong hideout nila ay matatawag ko nang mansyon, paano pa kaya ito?

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon