Chapter 18

11 3 0
                                    

"Ano?" Nagsimula nang umangat ang labi niya matapos ang ilang sandaling titigan.

"M-may sinabi ba akong ganoon? Wala naman, ah." Halos ibulong ko ang huling sinabi. Kaagad kong Iniwas ang mukha sa nanunuri niyang tingin.

Noon ko lang rin napansin na may mga kasama kami sa loob. Tapos kung umiyak ako kanina ay parang kami lamang ang tao. Nakakahiya.

Nang ibalik ko kay Prime ang atensyon ay halos ngumuso na siya sa pagpipigil mangiti.

"Like I said, I'm willing to wait. Hindi kita pipilitin. Handa ako kahit kailan mo balak umamin."

Ako naman ang napanguso. Hindi ko alam kung kailan dadating ang araw na iyon. Siguro hihilingin ko munang lamunin ng lupa bago mangyari 'yon.

"Tsk. How's college life? Nahirapan ka ba?"

Ngumiti ako at umiling. Mabuti pa ngang ito ang pag-usapan namin.

"Hindi naman. Alam mo ba? Kaibigan ko ang anak ng Congressman. Sa lahat ng kaklase ko, siya lang ang mabait sa akin. Kasa-kasama ko siya at kapareha sa lahat ng activities." Balita ko, inaalala ang mga nagawa kasama si Domi. Wala naman kaming napapag-usapan tungkol sa estado namin pero alam kong pagkakaibigan na ang kahulugan niyon. Pakiramdam ko rin ay dapat ko iyong sabihin kay Prime. Aba! May maipagyayabang rin ako no.

"A boy?"

"Babae, Prime." Pagdidiin ko sa unang salita. Sa tingin ba niya ay makikipagkaibigan ako basta sa kung sino-sinong lalaki lang?

"That's good. May kaaway ka ba sa school niyo?" Tanong niya uli.

"Wala naman."

Bahagyang kumunot ang noo niya sa akin.

"Pero sabi mo ay ang kaibigan mo lang ang mabait sayo?"

Napaisip ako bago natantong medyo hindi nga ako gusto ng mga kaklase ko. Hindi lang sila, pati pa ata taga ibang department. Iba sila makatingin sa akin. Para bang makasalanan ako. Nung una akala ko dahil kataka-takang nag-iisa akong babae sa grupo nila Melvin. Baguhan pa. Pero habang tumatagal, natanto kong dahil malamang akala nila nilalandi ko ang mga lalaking 'yon.

"Ganoon lang siguro 'yon. Alam mo na, College. Masyadong seryoso para magpansinan." Kahit na ilang beses nilang tinangkang pagkaisahan at pagkatuwaan ako. Kinuwestiyon ko pa kung ganoon ba ako kahina sa paningin nila para ganonin. Isip-bata pa nga ang tingin ko sa kanila dahil doon.

Ngumiti ako kay Prime para ipabatid na iyon nga lang 'yon. Hindi naman masyadong seryoso para malaman niya pa ang tungkol doon. Isa pa, labas siya sa anumang problema ko. Dahil alam kong hindi katulad ko, mas mabigat na ang pasanin niya ngayong huling taon na niya.

"Ikaw? Kumusta ka?" Balik tanong ko. Napansin kong puro ako ang kinukumusta niya.

"I'm fine."

Bumagsak ang balikat ko. Iyon lang 'yon, hindi niya na dinagdagan pa. Kailangan siguro himay-himayin ko ang tanong pagdating sa kanya.

"Gaano ka-ayos?"

Nagkibit balikat siya.

"Don't worry, I promise to graduate." Ngumisi siya na parang may alam sa iniisip ko.

Kontento sa sagot, tumango-tango ako.

"Dapat lang. Kailangan mong maging matagumpay na businessman!" Natawa ako nang iduro ko sa kanya ang tinidor na merong steak. Nakatanaw lang naman siya sa akin, tila naaaliw sa ginagawa ko.

Hindi doon natapos ang araw ko kasama siya. Pagkatapos ng mahabang tanghalian na iyon ay ipinasyal niya ako sa baywalk. Hindi man siya ang una kong kasama nang magpunta doon, atleast sa kanya ako pinaka nag-enjoy. Doon kami nagpalipas ng ilang oras. Hindi man sobrang lapit sa isa't isa dahil sa dami ng tao, pero dahil sa magandang panahon, sandali at pakiramdam, pinili naming makontento at sumaya.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon