Chapter 26

12 3 0
                                    

Inakala kong uuwi kaagad si Melvin matapos akong ihatid sa bahay. Pero hinintay niya pa ako para ihatid uli sa ospital. Buong biyahe ko tuloy inisip ang nangyari kanina lamang. Iyong halik... Parang gusto ko kumislot tuwing naaalala 'yon. Nakaramdam din ako ng dobleng pagtibok sa puso ko. Ayokong isipin para 'wag bigyang malisya pero... Natutulala nalang ako kapag napapasulyap sa nakangiting mukha ng kaibigan.

Hindi ko maintindihan. Normal ba 'yon? I mean, sure. Kung hahalikan man ako ng kahit sino lang, mag-iisip ako ng kung ano. Pero iyong halik ni Melvin, kahit sa pisngi lang, parang hindi ko na makalimutan. Pero hindi naman din ibig sabihin na may kahulugan na agad iyon hindi ba? Kapag tinitingnan ko naman siya ay parang normal lang ang lahat. Ako lang talaga siguro ang madumi mag-isip.

"Ako ulit susundo sa'yo mamaya." Deklara niya nang makababa ako.

"Huwag na. Baka busy ka."

"Edi Pagkauwi ko ngayon, gagawin ko lahat ng trabaho ko para matapos ko agad at masundo kita." Malawak siyang ngumiti.

Wala akong nagawa nang tumango siya at nagpaandar na paalis. Pinroseso ko pa ang nakangiti niyang mukha. Kumiling ang ulo ko dahil talagang wala lang sa kanya iyong nangyari kanina.

Habang papasok ay inisip ko naman ang mga date namin tuwing umuuwi siya. Inalala ko ang pakiramdam ko no'n sa kanina. At base sa natanto ko, medyo intimate nga 'yong kanina. Dagdag pa na Valentines kaya medyo awkward na nagdate kami.

"Karina!"

Liningon ko ang pinanggalingan. Ngumiti ako kay Mercedith.

"Hindi mo nabasa ang message ko?" Tanong niya pagkalapit.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko.

"Sorry, nakasilent pala phone ko." Malapit narin iyong malow-bat.

"Buti maaga ka. May C-section ngayon."

Mabilis kaming naglog-in. Saktong pagdating namin ay naroon na si Doc para ianunsyo ang mga mag-a-assist sa kanya. Two hours bago ang surgery ay binasa ko muna ang medical records ng pasyente. Natigilan nga lang ako sa last name nito. Suarez. Nawala lang ang atensyon ko doon nang kinailangan na naming maghanda.

"Proceed to the operating theatre."

Isang beses ko lang nasulyapan ang mukha ng pasyente. Nilalagyan na siya ngayon ng pneumatic stockings. Madalas ang sulyap ko habang inaayos ang mga gagamitin. Matapos naman malagyan ng Catheter sa bladder ng pasyente ay kinailangan na itong lagyan ng CSE anaesthesia hudyat na ilang minuto nalang magsisimula na ang surgery. Nang may biglang pinapasok na lalaking matangkad. Hinagod ko ito ng tingin matapos harapin ni Doc. Pero mata lang ang malinaw kong nakikita dito dahil sa suot na surgical hairnet at facemask.

Nang sulyapan ko ang babae ay nakangiti na ito sa papalapit nang lalaki. Kaswal nitong hinawakan ang kamay ng babae na nakadapa sa magkabilaan habang nakagapos. Umupo rin kaagad ito at kinausap na ang babae.

Hindi ko na nakita pa sila nang pumwesto na ako sa gilid ni Doktora para simulan na ang surgery. Pinagpawisan ako bigla. Binisita ako ng kaunting kaba habang nakatingin sa ginagawa ni doktora. Hinanda ko narin sa kamay ko ang susunod niyang hihingin nang makita ko ang maliit na pagsungaw ng ulo sa itaas ng pasyente. Napasulyap ako sa pag-aakalang sisilip ang lalaki. Pero ilang minuto matapos ang nangyari ay wala na akong napansing tumatayo sa likod ng harang.

Isa't kalahating oras ang itinagal ng operasyon bago matagumpay na nailabas ang malusog na batang lalaki. Nang ialis iyon doon para linisan at timbangin ay walang pasubali na sumunod ang lalaki. sinundan ko ito ng tingin hanggang makalabas. Noon ko lang natuon ang buong atensyon sa pag-apply ng dressing. Hindi ko alam, kakaiba ang dating ng lalaki na nakakapagtaka sa akin simula pa kanina.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon