Chapter 12

17 4 0
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ba sa naiisip o mababahala. Bago sa akin ang mga naramdaman kaya hindi ko rin matukoy kung anong magiging reaksyon. Ang alam ko lang ay para ako nitong nilulunod sa kawalan at hinihele sa hangin, kagayang kagaya nang naramdaman ko sa tulay. Isang bagay na gugustuhin mong paulit-ulit na maramdaman.

Nang umuwi galing sa racing nila Melvin ay hindi na ako umapila pang dumiretso na sa bahay. Magdidilim narin naman at siguradong nasa bahay na sila Mama.

Nagpasalamat ako kay Melvin pagkababa at muli siyang binati sa pagkapanalo bago nagmadaling umalis para pumasok sa kwarto. Ang totoo ay nakokonsensya rin ako. Kanina, sinabi niyang manood nang mabuti at ipapanalo niya ang laban. Naipanalo nga niya, at akala niya ay nasundan ko ang mga nangyari. Pero paano kung ang atensyon ko ay hindi mawaglit sa cellphone? Binabaha ako ng mensahe ni Prime, at hindi ko kayang ignorahin iyon. Lalo at habang tumatagal dumadami din ang pagmumura niya. Parang sinadyang ayaw akong panoorin!

"O? Ang aga niyo naman. Si Melvin?" Si Mama.

"Anong ang aga, ginabi nga kami. Umalis na si Melvin, nanalo sila. Siguradong iinom 'yon." Sagot ko.

"Hindi ka sinama?"

"Ayoko rin namang sumama. hindi naman ako umiinom, Anong gagawin ko 'don?" Ngumunguso kong sagot. Heto na naman si Mama sa pagtutulak sa akin kay Melvin. Alam naman niyang gabi na at bihira akong sumama kung saan sa ganitong oras.

"Mm.. magbihis ka na,"

Lumapit pa muna ako kay Long-long na tutok sa tv para magparamdam, at kay Papa para magpakita. Tiningnan lang ako ni Papa. Tiningala naman ako ng kapatid matapos maramdaman ang kamay ko sa ulo niya.

"Ate, kumusta ang racing?" Tanong niya.

"Nanalo sila Melvin,"

"Road Monsters ang kalaban nila?" Muli niyang tanong.

Ngumuso ako at umiling. Umayos ako ng tayo saka nagpaalam nang tuluyan para umakyat na. Ang kapatid ko talaga, Oo. Kailangan ko na bang tanggapin na balang araw ay sasakit ang ulo ko kakapigil sa kanya? Sa nakikita kong interes niya sa racing, alam kong seseryosohin niya ang sinabing pupundar ng motor para sumali balang araw.

Nang marating ang kwarto ay kinuha ko ang cellphone sa bulsa at umupo sa kama. May bagong mensahe si Prime, gano'n din si Melvin.

I'll see you at eight. Kay Prime.

Nakarating na ako sa bahay, Pahinga ka. Melvin.

Sabi mo may inuman kayo, hindi ka pupunta?

Pupunta. Pahinga lang saglit. Bakit, sama ka? Daanan kita.

Hindi, 'wag na. Kapagod.

Okay. Pahinga ka nalang.

Hindi na ako nagreply pa at nagback read nalang muna sa convo namin ni Prime kanina. Nagreply ako sa text niya pagkatapos.

Titingnan ko kung makakatakas ako.

Tumayo ako at nagsimulang maghubad. Naghanap ako ng masusuot sa aking cabinet para magbihis na. Habang ginagawa iyon ay dalawang text ang narinig ko sa cellphone. Tinapos ko ang ginagawa bago lumapit sa kama at tuluyang humiga.

I'll wait. kay Prime.

Ikaw rin self, pahinga ka. Sige karina. Self love nalang muna ako😏😌 kay Melvin.

Nagtatampo ba 'to? Hindi lang nagantihan kung ano-ano na sinasabi.

Sige, pahinga ka!

Hawak ang cellphone ay pumikit ako para umidlip saglit. Nagising ang aking diwa nang may maramdaman ako sa aking dibdib. Napadilat ako at inangat ang kamay na nangangalay dahil nadaganan ko. Hawak ko parin doon ang cellphone na ring nang ring. Naningkit ang mata ko habang binabasa ang caller.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon