Lalo namang umayos ang bawat pasok ko sa sumunod na mga araw na nandyan na uli si Domi. Kung tumingin man sa'kin ang mga kaklase ko ay pasimple nalang. Kung may iirap ay patago naman."Ano, binasted mo na?" Tanong niya agad pagkaupo namin sa library.
Nagtataka ko siyang tiningnan. Tumaas lang naman ang kilay niya.
"Sino?"
"Sino pa ba? Si Prime!"
Napamaang ako. Bahagya akong nainis pero mahina akong tumawa para itago iyon. Umiling ako kalaunan sa pag-aakalang tatantanan niya kay Prime pero nagpatuloy lamang siya. Isang bagay na hindi ko rin nagugustuhan nitong nakaraan.
"Give me his number."
Binaba ko ang librong kakabuklat ko pa lang at kunot noo siyang tinignan.
"Ano namang gagawin mo?"
"Susubukan ko lang kung talagang mabuti ang intensyon niya sa'yo. I'm gonna tell him we're friends anyway."
Nanliit ang mata ko sa kanya pero sa huli ay bumigay rin. Inalis ko sa isip ang pagdududa dahil natanto kong walang saysay iyon sa pagkakaibigan namin ni Domi. Naalala ko man ang insekyuridad ko pagdating sa kanya, binalewala ko narin dahil sa laki ng tiwala ko kay Prime.
Nang araw ding iyon ay tinext niya si Prime na aniya'y ang tagal magreply. Ang totoo ay inasahan kong hindi talaga niya gagawin pero baka tulad ko, naiiisip niyang baka importante o emergency ang mga ganoong text.
"Anong sabi?" Kuryuso kong tanong habang ang paningin ay nasa inaaral na Math problem. Natrauma na ata akong bumagsak pa uli kaya ganito nalang ako ka-pursigidong pumasa sa Midterm.
"Mmm... Relax ka lang diyan, nag-ge-getting to know each other pa kami. Nagpakilala na akong kaibigan mo. Alam niya naring ako iyong kumuha ng litrato ninyong dalawa sa E.R"
Tumango ako at nagpatuloy sa ginagawa kahit bahagya na namang napaisip na may namumuo nang konbersasyon sa kanila.
Ilang minuto pa ay bigla niya akong kinalabit.
"Mmm?" Nilingon ko siya na kanina pa tahimik at nakatutok sa kanyang cellphone. Inasahan kong mag-iiba ang mood niya sa maaari nilang napapag-usapan ni Prime pero wala namang nagbago, para pa siyang nabagot.
"Kailan uli kayo magkikita? Sama ako."
"Hindi ko alam. Sabi niya ay magiging busy na siya sa mga linggong 'to kaya siguro hindi na muna."
"Pero pinagbibigyan ka niya, hindi ba? Itext mo! I'll treat you two."
"Ayoko. Busy 'yon. Isa pa, bihira lang kami magtext."
Patuloy akong umiling sa iba pa niyang pamimilit. Sa huli ay ngumuso lamang siya.
"You mean, he don't like texting?"
"Tama ka."
"Pero lagi ka niyang tinatawagan?" Tanong niya uli. Hindi ko na ata natandaan pa ang inaral kanina lamang dahil dito.
"'Pag nagyayaya o hindi busy."
Noon niya lang ako tinantanan.
Tuwing lunch break ay umuuwi na naman siya. Habang ako ay sumasama na kila Melvin. Pero hindi na sumasabay pa sa'min si Haide. Ang apat naman ay bihira nalang akong kausapin. Hinayaan ko nalang. Alam kong may mali ako kaya hindi ko kayang makipag-usap ng normal gayong alam ko may samaan parin kami ng loob.
Sa sumunod na araw ay nagtataka naman ako kung bakit hindi na nagtatanong pa si Domi sa akin. Hindi na niya ako kinukulit. Sa halip ay naging busy siya sa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
To Keep You
Romance[COMPLETED] "I'll embrace these broken pieces, just to keep you." Effraime Suarez was a troublesome guy. Eventually changed by his total opposite lady named Karina. Just as he tried his best to deserve her, he never expect things between them to sud...