Chapter 27

17 5 0
                                    

"Hinahanap ka ni Mrs. Suarez."

Hindi paman ako nakakaupo ay iyon na ang bumungad sa'kin. Taka kong tiningnan si Helga. Mataray naman niya akong tinaasan ng kilay.

"Ano? Alam kong maganda ako. Dalian mo na d'yan dahil kanina pa naghihintay sa'yo 'yon."

Hindi ako nagsalita. Inayos ko nalang ang mga gamit ko at nagmadali nang lumabas. Bakit kasi ako? Sigurado namang may naka-assign sa kanya. Sana rin pinuntahan nalang ni Helga.

Hindi pa muna ako pumasok nang matapat sa pinto. Sumilip pa ako sa salamin ng pinto at pinagmasdan ang dalawa sa loob. Pinapagitnaan nila ang natutulog na anak. Nakahiga ang babae sa hospital bed samantalang nakaupo si Prime habang tinititigan ang bata.

Iniwas ko ang paningin at napahingang malalim bago pumasok ng tuluyan. Kaunting araw nalang Karina at siguradong hindi mo na ulit makikita ang lalaking 'yan.

Sabay silang napalingon sa'kin. Pinanatili ko ang paningin sa babae. Agad siyang ngumiti sa akin.

"Magandang hapon. Hinahanap niyo daw ako?" Nakangiti ko ring tanong.

Tuwing mag-isa ako ay iniisip kong magmukhang malamig kapag nasa harapan nila. Pero hindi ko mapigilang gumanti ng ngiti kapag ngumingiti ang babae. Meron sa ngiting 'yon na malapit sa puso ko.

"A-ah. Magandang hapon. Pasensya na, Naistorbo ba kita?"

Umiling ako at lalo pang lumapit para makita ang kamay niyang dumurugo kahapon. Ayos lang naman iyon.

"Kung pwede sana ay ikaw ang magkabit ng IV fluid sakin?"

Dumapo ang paningin ko sa bagong IV fluid na nasa mesa. Kinuha ko iyon at kaagad pinalitan ang wala nang laman. Madali lang naman iyon at pupwedeng iutos sa iba. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang hintayin pa niya ako. Hindi naman sa nagrereklamo, nakakapagtaka lang.

"Tapos na." Saad ko. Bahagya paring nakakunot-noo dahil sa taka.

"Maraming salamat."

Napakurap ako nang abutin niya bigla ang pulso ko. Napatingin ako doon. Napakalambot talaga ng kamay niya sa balat ko. Maliit akong ngumiti sa kanya.

"Walang problema. Pero hindi ba ay may naka-assign sa'yong nurse? Hindi mo na sana ako hinintay, pinakabit mo na sana agad."

"Ah! You might be wondering why I waited for you. Tingin ko ay sa'yo lang ako komportable. If you don't mind, I'll be needing your help frequently while I'm here..."

Para siyang nagmamakaawa nang sabihin iyon sa akin. Napabuntong-hininga ako dahil naiintindihan ko siya. Alam ko ang pakiramdam na hindi komportable sa isang tao. Nakakatuwa pa nga na sa dami namin, sa akin siya komportable. Hindi ko lang alam kung magiging madali iyon sa akin gayong laging narito si Prime na para bang may nanakaw sa mag-ina niya anumang oras.

Speaking of the devil, nakatitig narin siya sa'kin, hinihintay ang maaari kong pagpayag.

Maikli lamang akong ngumiti bilang pagpayag. Tungkulin ko rin naman iyon, ang palagayin ang aming pasyente.

"She doesn't like hospitals, that's why." Hindi ko inasahang idadagdag iyon ni Prime.

Napatitig ako sa kanya dahil sa biglaang sinabi. Nagtataka ako kung alam rin kaya niyang hindi ko gusto ang ospital noon. Pero sigurado ako, wala akong sinabi sa kanya tungkol sa bagay na iyon. Ni hindi niya alam na dahil sa kanya kaya nagawa kong magtagal sa ospital nang hindi naaalala ang takot. Dahil pa ata doon kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob para pasukin ang nursing.

Napatingin ako kay Anastasia na tumatango na ngayon.

"I'm... Afraid by the looks and smells of it. Nahihilo ako kapag mag-isa. I don't know if it's normal or a problem."

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon