Chapter 6

16 4 0
                                    

Matapos ang ilang araw na paghihintay, narito na nga kami sa Mati para mag-enroll. Nagmotor lang kami kaya magulo ang buhok ko pagkababa. Sinuklay ko iyon ng aking mga daliri.

Inilibot ko ang paningin sa paligid at napangiti dahil sa mga naglalakihang gusali na minsan ko lang makita. Ang balak ko ay isang araw lang dito at uuwi din agad, bahala nang gabihin. Pero ang sabi ni Melvin ay ipapasyal niya pa ako sa paaralan nila at syempre, sa mga magagandang puntahan dito na sinang-ayunan naman nila mama. Nakakapunta naman ako dito, pero sa sobrang limit ay hindi ko rin mapamilyar ang lugar. Kung minsan pa ay sa E.R lang din kaya 'di ko mapigilang maignorante. Pero syempre, pinangako ko sa sarili na kapag nakapagtapos na at may sarili nang trabaho at pera, mas malayo pa sa Mati at Davao ang pupuntahan ko.

"Karina, baka ikabaliw mo 'yang kakangiti mo diyan."

Nilingon ko si Melvin at naabutan siyang nagdo-doorbell sa Malaki at may tatlong palapag na bahay sa aming likuran.

"Eto ang boarding house niyo?" Tanong ko.

"Oo. Si Tita Adela ang nangangalaga dahil ayaw akong iwan ni Mama sa atin."

Ngumiwi ako sa sinabi niya.

Tama lang din siguro iyon para mabawasan ang mga ginagawa niyang kabalastugan.

Bumukas ang gate. Sabay naming nilingon ang babaeng lumabas doon. Nagsisigarilyo ang babae na ibinuga pa sa mukha ni Melvin. Natatawang umiwas ito at nakangiting sinaway ang babae.

"Tita!"

Kung ganoon ay eto na siguro iyong tita Adela niya.

Ngumisi ang babae sa reaksyon ni Melvin.
"Parang hindi rin nagsisigarilyo.." mahina nitong sabi bago ako binalingan.

Ang maganda nitong mukha ay mataray akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Pagkatapos ay muling tumingin kay Melvin.

"Nagbago na ba ang tipo mo ngayon?" Tanong pa nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae. Mali na nga ang akala, mukhang ininsulto pa 'ko. Naalala ko tuloy sa kaniya si Prime. Parehong pareho sila kung makatingin at makapagsalita saakin.

Tumikhim si Melvin at bahagyang tumawa bago lumapit saakin para ipakilala sa babae.

"Tita, si Karina, Kaibigan ko. Karina, si tita Adela."

Ngumiwi naman ngayon ang babae at umirap kay Melvin.

"Umamin ka na kasi. Ano, nagtatanan kayo?"

Nanlaki ang mata ko sa tinuran nito. Agad akong umiling.

"H-hindi ho!"

"Tama na nga, tita. Pagod kami, at bukas ay pupunta kami ng paaralan para mag-enroll." Kinuha ni Melvin sa aking likod ang dala kong bag, matapos isukbit sa kabilang balikat ay hinila ako sa pulso at linampasan ang tita niya para makapasok na.

"Ikaw na bahala sa kasama mo, Melvin. Sa kwarto lang ako."

Sabay kaming umakyat sa malaking hagdanan papasok.

"Swerte niyo, walang maiingay kasi wala pang boarders." Huling sinabi nito bago pumasok sa dulong pinto ng ikalawang palapag ng bahay.

Dinala ako ni Melvin sa malawak na kwarto, may double-deck na higaan at may malaking cabinet.

"Okay na ba 'to sayo?"

Muli kong inilibot ang tingin at nakangiting tumango sa kaibigan.

"Salamat, Melvin." Kinuha ko ang bag ko sa balikat niya.
"Sabi mo ay pagod ka, pwede mo na akong iwan para makapagpahinga ka na. Mag-aayos lang ako ng gamit at magpapahinga narin." Sabi ko.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon