Chapter 16

13 3 0
                                    

Nasa hapag ako ngayon, saglit nakalimutan ang mga iniisip at lungkot dahil sa kasungitan na naman ng tiyahin ni Melvin. Sabay kaming tatlo at inasahan kong marami pa kaming makakasabay pero sinabi ni Melvin na may kanya-kanyang rice cooker ang mga boarders at bumibili lang ng ulam sa labas, sa mga kwarto na kumakain.

Bigla ko tuloy naisip na malamang takot rin silang makasalo ang masungit na babae. Kung gano'n ay ang malas ko dahil kaibigan ko si Melvin. Nagkausap kami tungkol sa gusto kong mangyari sa bayarin ko. Wala siyang nagawa at pumayag. Pero ang sabi niya'y sasabay ako lagi sa kanilang kakain. Pero meron parin naman akong limitasyon para doon. Bibili ako ng sariling bigas, kung maaari ay sagot ko minsan ang pang-ulam. Hangga't maaari ay ayaw kong pabigat at paimportante rito.

"May lakad ka ngayon, Melvin?" Tanong niya bigla. Noon lang ako nakapag-angat ng tingin at natantong tapos na sila kumain samantalang mukhang mahuhuli ako dahil sa mga iniisip.

"Saglit lang naman."

Tumaas ang kilay ng babae at hindi ko inasahang sa akin naman siya lilingon.

"Ikaw?"

Kaagad kumabog ang dibdib ko sa kaba. Pag nakatingin siya ay parang gusto kong manginig.

"W-wala ho, magbabasa lang ng kaunti at diretso tulog na." Hindi nakatakas sa akin ang paglambot saglit ng mata niya sa narinig bago mabilisang tumango at tumayo sa kinauupuan.

"Lalabas muna ako, siguraduhin niyong nahugasan na ang plato pagkabalik ko. Ikaw naman Melvin, kapag inabot ka ng ala-una, sa labas ka na matulog." Sabay talikod.

Napakurap pa ako bago naibaling ang paningin sa kaibigang natatawa.

"Ang harsh ni tita, ano? Kaya ang tahimik nitong bahay kahit marami namang tao. Ang boring tuloy. Ikaw, ayaw mong sumama sa 'kin? Tatambay lang saglit kila Rayver-"

May idudugtong pa, agaran ang pag-iling ko. Ngumisi naman si Melvin na parang alam ang nasa isip ko.

"Ikaw bahala. Maganda pa naman doon, enjoy. Malaki ang bahay ng mga De guzman dito, maraming pagkain, ano? Sumama ka na. magkakasundo kayo ng pinsang babae no'n, nursing din ata ang kurso." Kahit pa yata anong sabihin niya ay hindi na magbabago ang desisyon ko. Hindi ba niya nakikita? Takot ako sa tita niya at gusto kong gumaan man lang ang loob no'n sa akin. Ayokong isipin niya na lakwatsera ako.

Ayoko ring matulog sa labas no!

"Ba't di ka nalang magbasa? Graduating ka na, ah?"

"Kaya nga lulubos-lubusin ko na. Paniguradong ilang araw nalang ay magsisimula na ang kalbaryo ko."

Asa naman akong makukumbinsi ko siya.

Matapos kumain ay nagpresinta na akong maghugas ng plato habang nag-aayos naman si Melvin sa pag-alis. Nang magpaalam siya ay pumasok narin ako sa kwarto ko bago paman dumating ang babae at sungitan na naman ako.

Binasa ko ang ilang na-take note sa diskusyon kanina habang naghihintay na antukin. Kesa naman mabaliw ako kakaisip ng ibang bagay. Nagsimula nang mamungay ang mga mata, nagpasya akong itago ang mga gamit at matulog na. Humiga at handa nang pumikit pero muling dumilat pagkatapos marinig ang pagvibrate ng cellphone.

Para akong nasabuyan ng tubig at iglap buhay na buhay pagkatapos lamunin ng antok kanina. Kumalabog din agad ang dibdib ko.

Si Prime!

Hindi na nag-minuto ay tumayo ako para kunin ang cellphone. Binuksan ko iyon at nadismaya matapos makitang si Melvin lang pala iyon. Nairita agad ako dahil sa nagising nito ang diwa ko na sana'y nasa panaginip na ngayon.

Melvin:

Nandito sila Ryan. Hinanap ka ng gago. Buti nalang pala at hindi kita sinama, busy din kasi ang pinsan ni Rayver.

To Keep YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon